DETECTIVE SERIES
Present: I'm Inlove with My Orphan
Norman and Taka
By: Jen LynCHAPTER 12:
HINDI ALAM NI Taka kung papaano hahamigin ang sarili sa mga nag-uunahang ideya sa isip tungkol sa mag-anak na nasa larawan.
Hilam ng luha ang buong mukha niya nang marinig ang tinig ni Black Dragon.
"Siguro naman ay sapat na ang mga larawang iyan para mapagtanto mo ang lahat," seryosong wika nito.
Buhos ang pagtulo ng luha niya. Hindi niya lubos akalaing siya ang sanggol na hinahanap niya. Na isa siyang Francisco. Na mismong magulang ang kasong hahawakan.
Hinawakan siya ni Black Dragon sa balikat. "Siguro ngayon ay mas pursigido kang malaman ang totoong nangyari sa magulang mo. Tandaan mo Taka, sa labanang ito. Hindi natin pinapairal ang puso, kung kinakailangang pumatay para sa kaligtasan gagawin mo. Hangad kong mapagtagumpayan mong lutasin ang misteryo sa pagkamatay ng iyong magulang," wika nito.
Napaupo si Taka ang pinagsilahop ang palad sa mukha. Hindi niya alam kung papaano at bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo ay sa mga Sevilla pa siya napadpad.
Doon nahalungkat din ang masayang larawan ng mga Sevilla. Kuha iyon ng pagtatapos ni Norman sa sekondarya. Ilang araw bago namatay ang mga ito.
Humugot siya ng malalim na butong hininga. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa sandaling iyon.
Papaano kung totoong ang mag-asawang Sevilla ang nagpapatay sa mga magulang. Papaano niya makakamit ang hustisya kung patay na rin ang mga ito.
Labis ang pagdadalamhating nararamdaman sa sandaling iyon. Nang makita ang nakangiting si Norman sa pagitan sa mag-asawa.
"Bakit?," anas niya. "Bakitttttttt," malakas niyang sigaw paluhod. Habang sinusuntok ang sarili.
Agad siyang inawat ni Black Dragon. "Enough Taka...masyado ka lang naapektohan sa nalaman mo. Tumayo ka at pawiin ang mga luha mo. Isipin mabuti kung papaano mo malulutas sa lalong madaling panahon," payo ng lider.
Ngunit hindi ganoon kadali para sa isang Taka na gawin. Lalo na at maging ang puso niya ay apektado rin ng katotohanang sumambulat sa kanya.
"Norman..." anas niya sa pangalan ng lalaki.
Kung noon kasi ay hindi sila pwede sa kadahilanang ama ang turing sa lalaki. Ngayon, hindi pwede dahil ito ang anak ng mga taong pumaslang sa kanyang mga mgulang. Nawalan siya ng karapatang magkaroon ng masaya at buong pamilya. Karapatang makasama ang mga magulang.
Sa naisip na iyon ay tila nabuhayan ng loob si Taka. Pinahid ang mga luha sa tumayo mula sa pagkakaluhod. Nanlilisik ang mga mata sa galit.
"Kahit kinupkop mo ako at binihisan. Pinaliguhan ng mga materyal na bagay na kayang bilhin ng salapi. Hindi nito mapapasubalian ang katotohanang magulang mo ang pumatay sa aking mga magulang," matigas na wika niya sa kawalan na animo'y naroroon si Norman.
Napangiti sa isang sulok si Black Dragon ng makita ang pagtayo ng dalaga. "Iyan...ganyan..hangad kong masumpungan mo ang katotohanan tungkol sa'yong sarili," anito.
Napangiti siya ng pilit rito. Hindi niya alam kung papaano pakikiharapan ang lalaki sa kabila ng kanyang mga nalaman.
Paalis na siya nang muling magsalita ang lider. "Maaaring totoo ang mga hinala natin. Maaari ring hindi. Maraming posibilidad ang lahat. Huwag mong masyadong ibaon ang puso mo sa galit," anito.
Napatigil siya sa paglalakad sa narinig. 'Sana nga. Sana nga...' aniya sa isip saka nagpatuloy sa pag-alis.
Sa condo ng lalaki siya tumuloy. Tatlo lang ng kuwarto noon kaya magkasama sila ng yaya Polly niya sa isang silid.
BINABASA MO ANG
DETECTIVE SERIES2: Inlove with My Ophan(Completed)
Fiction générale"I am your father, you must respect me!," galit na sigaw ni Norman kay Taka. Sa kabila kasi ng kabi-kabilaan niyang paninirmon dito ay hindi nakikinig ang dalagita sa kanya. "I doubt it. You're not my father and I will never ever be your daughter,"...