Chapter 6

11.5K 376 10
                                    

DETECTIVE2: I'm Inlove with My Orphan
Norman & Taka
By: Jen Lyn

CHAPTER 6:

BINUNDOL NG KABA ang dibdib ni Norman. Ngayon lang siya nakatanggap nang ganoong minsahe mula nang mamatay ang mga magulang.

Palaisipan tuloy sa kanya kung sino ang may pakana nang muling pagbibigay ng mga mensahe.

Tuluyan siyang sumakay sa kanyang sasakyan. Doon na niya hihintayin ang dalaga. Ilang sandali ay lumabas din naman ang babae at nakamata sa kanya.

"Are you just going to stare at me? Hop in!," matigas niyang wika.

Walang imik si Taka na sumakay sa backseat ng sasakyan nito.

"I'm not your driver. Come seat here," muling wika ni Norman sa babae.

Nagsukatan sila ng tingin sa front mirror bago pa nagawang bumaba ni Taka at pumunta sa katabing upuan niya.

Sa inis ni Taka ay padabog siyang bumaba. Kaya hindi niya rin maiwasang mapalakas ang pagsara ng pintuhan ng sasakyan.

"Is that how America brought you up?," mapang-uring wika ni Norman sa dalaga.

Nagkibit balikat lamang si Taka. Saan naman kaya siya dadalhin ng lalaki. Excited pa naman siya kanina dahil makikilala na niya ang buong grupo ni Black Dragon iyon pala ay mapupurnada dahil aa herodes na katabi.

Pasimple niyang nilingon ang lalaki nang makitang nakatingin din pala ito sa kanya. "You changed a lot," bawing wika ni Norman para di halatang kanina pa niya tinititigan ang babae.

Napangisi si Taka. "Oh yeah. I'm not the old Taka who always stay at her room crying. All can change Norman," deretsahang wika sa pangalan ng ama-amahan.

What the use na tatawagin itong daddy o papa kung hindi naman ito ang ama at ang puso niya ay hindi ama ang gusto kundi bilang lalaking maaaring umibig sa kanya.

Nabibigla man si Norman sa nakikitang pagiging prangka ng babaeng kasama niya ay hindi pa rin siya nasisilong rito.

Dumeretso siya sa kanyang opisina. Nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya na ba rito ang katotohanan o hindi. Ngunit mas nanaig ang kanyang kaisipang mapaibig muna ang babae bago niya sabihin ang lahat. Baka sa ganoong paraan ay hindi masyadong masakit para sa kanilang dalawa. Naniniwala siyang mas makapangyarihan ang pag-ibig kesa galit.

"What are we doing here?," inis na wika ni Taka nang makarating sila sa basement parking ng building kung saan naroroon ang law firm ng lalaki.

"I'm hiring you as my personal secretary," balewalang wika ng lalaki saka kinuha ang suit at tinungo ang elevetor.

"Hey...wait! Do I apply as your secretary. No! I can not. I can not work with you!," sunod-sunod na wika niya sa papalayong lalaki.

"You don't have the right to object. I'm appointing you..hurry up!," anito nang nasa loob na ito ng elevator.

Inis man ay wala siyang nagawa kundi sundin ang gusto nito.

Nagtatakang mukha ng co-associate at mga empleyado ang bumungad sa kanila. Most of them tila naiinggit at may pagkamangha.

Taka take a glance at herself. 'Desente naman suot ko ah,' aniya sa sarili. Besides noon ay lagi siya doon bakit tila hindi siya kilala ng mga ito.

Nang ganap na marating ang opisina ng lalaki ay napangiti siya ng makita ang sekretarya nito. "Manang Ester," excited na wika.

Napakunot noo ang may katandaan nang babae. Tila sinisino kung sino ba siya.

"Manang Ester. Don't tell me di mo na ako kilala. He's my Dad," nakakalokang paalala rito.

DETECTIVE SERIES2: Inlove with My Ophan(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon