Chapter 5

11.3K 351 5
                                    

DETECTIVE2: DRUG SYNDICATE
Presents: My Adopted Child Is My Wife
(Norman & Taka)

CHAPTER 5:

HALOS LUMUNDAG ang puso ni Taka nang maglapat ang mata nila ni Dave. 'Dave,' bulong ng puso nito. Hindi pa rin maitatangging may pagtingin pa rin siya sa lalaki sa kabila ng tatlong taong paglayo rito.

"Let's go!," baritonong tinig ang bumasag sa kanyang kamalayan. Si Dave iyon habang nagpapatiuna nang lumakad papalayo.

Isang malalim na buntong hininga na muna ang pinakawalan ni Taka bago humakbang patungo sa direksyong tinahak ng lalaki.

"Mahal mo pa rin ba siya?," agaw na tinig ni Manang Polly.

Nalilito siya sa kanyang damdamin. "Ewan ko manang. Hindi ko alam," naguguluhang wika saka ngumiti rito. Umakbay siya sa matanda saka tuluyang naglakad.

Mabilis ang pasadang ginawa ni Taka sa kabuuhang mansyon. Wala pa ring nagbago. Iyon pa rin ang mansyong iniwan niya tatlong taon ang nakakaraan. Napangiti siya ng mapait.

Marami na ang nagbago sa kanya. Hindi na siya ang dating laging umiiyak at nagkukulong lamang sa kuwarto. Ngayon pang isa na siyang miyembro ng isang samahang tutuligsa sa mga masasamang elemento sa lipunan. Baka sakaling sa pagsapi sa samahan ni Black Dragon ang susi para mahanap ang tunay niyang katauhan.

Nang ganap na makarating sa silid ay agad siyang nagdive sa kanyang kama. She misses it. Marami man nagbago pero may ilang bagay pa rin namang nananatili sa kanya. Padipang humilata siya sa kanyang kama at ilang segundo ring nakatitig sa kesame nang maalala ang bilin ni Black Dragon.

Agad niyang hinagilap ang kanyang bag upang kunin ang tarhetang bibigay nito bago umuwi.

'This is it!,' excited na wika sa sarili habang kinukontak ang numero. Makikilala na rin niya aa wakas ang mga kasamahan niya.

Nagring agad ang numerong tinatawagan. Napangiti siya. Mukha kasing exciting ang hatid ni Black Dragon sa buhay niya.

"Hello..." maarteng tinig ng nasa kabilang linya. Napakunot noo si Taka sa tono ng boses. Hindi niya tuloy mawari kung babae ba ito o bakla.

"Hello...yohooo...who's on the line.." anang pa nito.

Tumikhim muna siya bago nagsalita. "I'm looking to a certain Black Dragon.." kabadong wika. Dahil alam niyang confidential ang pagkakakilanlan ng lalaki.

"Oh yeah..si Bossing pala. Sorry pero wala siya now. He's on a surveilance operation. May I know your name?," anito na hindi pa rin nagbabago ang tinig.

"Taka.." ikling sagot nang biglang magtititili ito.

"Oh my God, you're real. Ikaw nga...welcome sa group," di magkandatutong wika ng nasa kabila.

Nagugulumihanan man si Taka ay napangiti siya sa mainit na pagbati ng nasa kabilang linya. "Anyways I'm Winona...see yah soon sistah," anito. "No worries, is this your number. Black Dragon will contact you anytime," pahabol pa nito bago nawala sa linya.

Nakangiti siyang muling nahiga sa kama. "This is me. I become feicer, braver and bolder. This may help me to find who really I am," aniya saka pinikit ang mga mata.

Papanhik na sa silid si Norman upang magbihis ng mapansing nakauwang ang pintuan ng silid ng dalaga. Hindi niya tuloy pamigilan ang sariling usisain ang ginagawa nito. Pagsilip sa silid ay nakahigang babae sa kama ang tumambad.

Hindi ito tuminag nang katukin ang pintuhan upang pukawin ang pansin nito kaya nabatid niyang baka tulog ito.

Tutal ay nangahas na siya ay lulubusin na niya. Lumapit siya rito at umupo sa malapit sa ulunan nito. Napangiti siya dahil sa dami man ng pinagbago nito ay hindi pa rin nagbabago kung paano ito matulog. Gaya pa rin siya ng dalagitang iyakin noon.

DETECTIVE SERIES2: Inlove with My Ophan(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon