NAGISING ako sa mumunting halik na kumakalat sa aking mukha at leeg. Tuluyan kong iminulat ang mga mata para makita ang taong gumagawa niyon. Malawak akong napangiti. Isang pangarap ko ang natupad. Ang magising kasama ang taong mahal mo at nagmamahal sa iyo.
"Good morning, sunshine," masuyong sambit ni Dillan at muli akong hinalikan sa mga labi.
His kiss was intoxicating. Matamis, mapusok, nakakapanghina, nakakapang-init. Halos panawan ako ng hininga sa kanyang maalab na paghalik. Na parang iyon ang kahuli-hulihang pagkakataon na mahahalikan niya ako. Ayos lang naman iyon sa akin. I'm more than willing to give my heart, body, and soul to him. He's my eternity.
Tinugon ko nang kasing-alab ang kanyang paghalik habang hinahaplos ang magulong buhok niya. Napaungol ako nang kubkubin ng isang kamay ni Dillan ang aking kaliwang dibdib. He massaged my breast gently. Kailanman ay hindi ako magsasawang ibigay nang paulit-ulit ang aking sarili sa taong nagbigay ng kulay at landas sa buhay ko. At kailanman ay hindi ako magsasawang mahalin siya...
Nagpoprotestang umungol siya nang tapusin ko ang paghahalikan namin. "Good morning, Mr. Dillan King," hinihingal at nakangiting sabi ko. He smelled like morning breeze. Ang guwapo-guwapo niya talaga.
Lumabi siya. "Pinutol mo ang masarap na paghahalikan natin para lang tugunin ang pagbati ko sa 'yo?"
Tumawa ako. Ang cute-cute niya kapag nagrereklamo nang ganoon. Maypagka-isip-bata minsan pero naaaliw ako. Kaya naman hindi ko naiwasang pisilin ang kanyang magkabilang pisngi. Pinanggigilan ko iyon.
"Ouch. Pinanggigigilan mo na naman ang mga pisngi ko." sabi niya pero hindi naman naiinis.
I giggled. "Nakakagigil ka kasi, eh. Ang cute-cute mo."
Pilyong ngumisi siya. "Paano naman iyong nasa ibaba? Gusto din niyang panggigilan mo."
"Nasa ibaba?" nagtatakang tanong ko. Pero agad ding nag-init ang mga pisngi ko nang makuha ko ang ibig niyang sabihin. "Ikaw talaga, Dillan!"
He chuckled heavenly. Parang isang musika sa pandinig ko ang tawa niya. Matiim niya akong tinitigan pagkatapos ay malambing na hinalikan niya isa-isa ang aking mga daliri. "I love you so much, Mica. You are my everything."
Nag-init ang sulok ng aking mga mata. Kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya, ang pagmamahal. Hindi lang isang beses ko tinanong ang aking sarili kung ano ang nagustuhan niya sa akin. Hindi ako ang tipo niyang babae. I didn't deserve him. Pero ako pa rin ang pinili niyang mahalin. Ako pa rin ang maganda sa paningin niya. Tinanggap niya nang buong-buo ang aking pagkatao. Kahit ang madilim kong nakaraan. Napakasuwerte ko sa kanya.
"Mahal na mahal din kita, Dillan," buong pusong tugon ko.
BINABASA MO ANG
DILLAN KING (The Night I Met You) ✔
General FictionAng akala ko hindi na ako makakaalis dito, pero dumating siya at iniligtas ako... *** Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla na lang akong namatanda pagkakita sa babaeng sumasayaw sa stage ng bar na aksidente naming na-discover na magk...