Dillan
"'IT HAPPENED so fast.'"
"'You came into my life. Everything's changed.'"
"'Pinatino mo ang pasaway kong puso.'"
"Angel of mine..."
Napailing na lang ako sa panunukso ng mga baliw kong kaibigan. Kanina pa nila kami tinutukso. Paulit-ulit din nilang kinakanta ang Angel of Mine. These rascals, napanood pala nila ang pag-confess ko ng feelings kay Mica. Nakita nila kaming pumasok sa Italian restaurant at sinundan. Nagpanggap silang accomplice sa gagawin ko kaya pinapasok sila ng staff. At hindi pa nakuntento, ni-record pa nila ang buong pangyayari. Siguro kung naiba lang ang situation, kanina ko pa nilunod sa swimming pool ang mga 'to. Pero hindi. Ano naman kung nasaksihan nila ang gabing iyon? The best night of my life. Proud na proud pa akong ipakita sa kanila kung gaano ko kamahal ang anghel sa tabi ko. Ang sarap ipagyabang na in love ako. Kaya bakit ako mahihiya?
One thing I've learned about being in love. If you're in love with someone, don't be embarrassed to show the world how much that someone mean to you.
Natutunan ko rin na hindi lang sa pisikal na pamamaraan maipapadama sa taong mahal mo ang pag-ibig mo. There are so many ways to show your love to that person. Hindi pisikal ang relasyon namin ni Mica. Who cares, right? Hindi ko siya minahal para maikama, minahal at minamahal ko siya dahil siya ang sinisigaw ng puso ko.
I'm so lucky to be the first boyfriend of Micaela Chavez. And I intended to be her last.
"Damn. Ganito pala ma-in love ang isang Dillan Vincent King." Clint muttered, chuckling.
Yeah, right, Clint. And you're next. Magkatabi kasi sila ni Kissa, as always. And I could see how much he cares for her.
"Pero, Mica, seryoso ka na ba sa desisyon mo? Baka nabagok lang ang ulo mo kaya mo sinagot si Dillan—" Ang lakas ng tawa ni Jack nang batuhin ko ng plastic plate. Balak pa yatang lasunin ng baliw na 'to ang isip ng mahal ko.
"Shut up, Lorenzo. Puro ka kalokohan." Ang sarap ihulog sa eroplano niya.
"Hindi ako nabagok, Jack. Mahal na mahal ko talaga si Dillan." And Mica gave me her brightest and sweetest smile.
Shit! My heart. I didn't expect that she would answer him. God, para akong nalula. Pero iyon ang klase ng lula na masarap sa pakiramdam. She just told them she loves me. Palagi na lang niya akong sinosorpresa. She's still innocent but she's not afraid to tell everyone that she loves me. Sometimes she loses all her inhibitions. Kaya hindi ko napigilan ang sarili kong siilin siya ng halik. Lips of an angel.
"Oh, get a room, you two," narinig kong pag-angal ni Jack. I just ignored him. Tiningnan ko nang may pagmamahal si Mica. We smiled contentedly to each other. I could see her love mirrored in her golden-brown eyes. Her love just for me.
"So, it's true. Kayo na."
Napalingon kami sa isa't isa. Dumilim ang paningin ko nang makita si Austin. Seriously, why was he always appearing from nowhere? Gustong-gusto talaga niyang pumapasok sa teritoryo ko, this bastard.
"What are you doing here? Para kang kabute. Basta-basta ka na lang sumusulpot." angil ko sa kanya. Mataktika kong inilayo sa kanya si Mica. I won't let him touch even a single strand of my girlfriend's hair. I am possessive of what's mine.
"Ano pa, eh, di magsu-swimming. This is a resort, right? Where are your manners, King? Is that how you treat your guests?" he retorted. Tumingin siya kay Mica. "Remember, Mica. Oras na sinaktan ka nito, hindi ako magdadalawang-isip na agawin ka sa kanya."
BINABASA MO ANG
DILLAN KING (The Night I Met You) ✔
Ficción GeneralAng akala ko hindi na ako makakaalis dito, pero dumating siya at iniligtas ako... *** Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla na lang akong namatanda pagkakita sa babaeng sumasayaw sa stage ng bar na aksidente naming na-discover na magk...