A/N: Hi, guys! Subscribe naman kayo sa YouTube Channel ko. Type n'yo lang Duchess Marissa. Nilagay ko 'yong kalimba cover video ko sa taas, click n'yo na lang din 'yon. Thank you! ^_^ ♥
Mica
NAGULAT ako nang paggising ko sa umaga, nadatnan ko si Dillan na natutulog sa sofa. Nakabalik na pala siya galing Palawan! Agad ko siyang nilapitan at pinagmasdan. Masayang-masaya akong nakabalik na siya. Parang kahapon lang, magkausap pa kami sa cell phone pero hindi niya sinabing ngayon ang uwi niya. 'Tapos, hindi pa niya ako ginising pagkarating niya sa penthouse. Si Dillan talaga. Siguradong ayaw na naman niya akong maistorbo kaya hindi niya ako ginising. Naasikaso ko sana siya.
Napangiti ako nang malapad. Na-miss ko siya nang sobra. Kahit araw-araw kaming nag-uusap sa cell phone, miss na miss ko pa rin siya.
Dahan-dahan kong hinaplos ang kanyang buhok at mukha. Pero mabilis kong binawi ang aking kamay nang gumalaw siya. Hindi siya nagising at bahagya lang ipinaling ang ulo paharap sa akin. Halatang pagod na pagod siya. Ang dami raw kasi nilang ginawa. Kaya hindi nakapagtatakang hindi siya nagising sa haplos ko. Hindi ko rin naman intensiyon na gisingin siya. Kailangan niya nang mahabang pahinga. Na-touch ako sa kanya dahil kahit marami siyang ginagawa, naglalaan pa rin siya ng oras para magkausap kami.
Tumayo ako at kumuha ng kumot sa kuwarto at ibinalot kay Dillan. Hinubad ko ang kanyang medyas at sapatos. Mas maganda sanang sa kama siya matulog para mas kumportable pero hinayaan ko na lang muna siya sa sofa. Ang lalim na kasi ng tulog niya. Nagtataka nga ako kung bakit dito siya dumiretso ng uwi imbes na sa bahay niya. Hindi naman sa ayaw ko siyang makita, gustong-gusto ko nga, pero mas maigi sanang sa kanyang bahay siya umuwi para mas makapagpahinga siya nang maayos.
Pinakiusapan ko ang cook na ako ang magluluto ng pananghalian namin. Sasarapan ko nang husto ang luto ko. Mabuti na lang at wala akong pasok kaya maaasikaso ko siya.
Naging abala na ako nang mapakislot ako sa yumakap sa aking baywang. Napatigil akong bigla sa paghahalo ng rekados sa kaldero.
"Hi," pabulong na sambit ni Dillan. Inamoy niya ang aking buhok.
"Dillan, gising ka na pala," nakangiting sabi ko. "Nakatulog ka ba nang maayos?"
"Yeah..." Naglalambing na sinandal niya ang ulo sa aking leeg. "God, I missed you so damn much. I missed holding you like this." Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.
Nakagat ko ang aking labi. "Na-miss din kita, Dillan."
"Sarap naman n'on." natutuwang pahayag niya at hinalikan ang aking buhok. "Wow. My favorite. Tinola."
"Niluto ko talaga ang paborito mo para marami kang makain."
"Ang sweet naman ng angel ko. Excited na uli akong makakain ng luto mo. Na-miss ko 'yan. I missed everything about you. Para kasing isang dekada ang isang linggo, eh."
"Bakit hindi mo ako ginising noong dumating ka? Bakit hindi mo sinabi sa akin na ngayon ang dating mo? Naasikaso sana kita. Ano'ng oras ka dumating? Nakakain ka ba pagkarating mo?" sunod-sunod na tanong ko.
Naaaliw na tumawa siya. "My angel is very concerned about me."
"Oo naman." Ganito talaga ako sa mga taong mahahalaga sa akin. Gusto kong inaalagaan at inaasikso sila. Gusto kong iparamdam sa kanila na importante sila sa akin.
"I love it. Gusto kasi kitang sorpresahin sa pagdating ko. At saka ang himbing-himbing ng tulog mo. I didn't want to disturb you. Alas-kuwatro kasi ako dumating at ayokong gising ka nang alanganing oras. I just ate a little. Hindi ko nga namalayang nakatulog ako sa sofa."
BINABASA MO ANG
DILLAN KING (The Night I Met You) ✔
General FictionAng akala ko hindi na ako makakaalis dito, pero dumating siya at iniligtas ako... *** Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla na lang akong namatanda pagkakita sa babaeng sumasayaw sa stage ng bar na aksidente naming na-discover na magk...