Mica
"EXCITED?"
Nakangiting tumango ako kay Dillan. Unang araw ng eskuwela ko sa St. Benedict University. Siya naman ay papasok sa trabaho. Ang guwapo niya sa suot na business suit. At ang bango-bango pa niya. Hindi ko na naman napigilan tuloy ang aking sarili na palihim siyang amuyin. "Medyo kinakabahan din," pag-amin ko.
Hinapit niya ako at hinalikan sa noo. Naramdaman ko na naman ang kanyang malambot na mga labi. Palagi niya iyong ginagawa sa akin. At gumagaan ang pakiramdam ko tuwing hinahalikan niya ako sa noo. "You'll be fine." paniniguro niya saka ako nginitian nang matamis.
Sa maikling panahon pa lang na nakasama ko si Dillan, ang dami ko nang natuklasan na magagandang katangian niya. Malambing siya. Simula noong araw na sinabi kong hindi na ako natatakot na hawakan niya ako. Nasasanay na rin ako sa pagiging maasikaso niya. Tinupad nga niya ang sinabi na pagsisilbihan niya ako. Palagi siyang nakaalalay sa akin.
Napangiti ako nang maalalang sinubukan niyang magluto. Ang akala ko noong una ay marunong talaga siya. Pero halos lumabas ang puso ko sa aking dibdib nang lumiyab ang kawali na pinagpiprituhan niya ng itlog. Mabuti na lang at kaagad niyang naapula ang apoy. Inamin niyang hindi siya marunong at gusto raw niya kasi akong ipagluto. Na-touch ako sa kanya pero naiintindihan ko siya. Mayaman siya, at natural na may mga kasambahay silang gagawa ng mga gawaing-bahay. Sa huli ay ako ang nagluto ng pang-agahan at pananghalian namin. Natuwa ako dahil sarap na sarap siya sa luto ko. Simot na simot ang pinagkainan niya.
Hinatid ako ni Dillan sa school. Bababa na sana siya para pagbuksan ako ng pinto ng kotse pero pinigilan ko.
"Huwag mo na akong ihatid sa loob, Dillan. Hindi ba may meeting ka pa?" Nakakahiyang ihatid pa niya ako sa classroom samantalang may trabaho siya. Masyado ko na siyang naaabala.
"Are you sure?" tanong niya at nag-aalangan pa ring hayaan ako.
Tumango ako. "I'll be fine," nakangiting panggagaya ko sa sinabi niya. Sana lang ay huwag dumugo ang ilong ko.
Napangiti siya, pagkatapos ay tumingin nang mataman sa akin. "Angel, walang guwapo sa SBU, ha?"
Kumunot ang noo ko. Ano'ng ibig niyang sabihin? Iniisip ba niyang maghahanap ako ng guwapo sa school na iyon?
"Meron pero iyon 'yong time na hindi pa kami graduate. I know starting this day marami kang makikilala. Makakakilala ka ng lalaki bukod sa akin. Pero im-compare mo lang ang mukha nila sa mukha ko, ha? Kung hindi mo naitatanong, heartthrobs kami sa school na 'to noon. Pero siyempre, ako ang pinakaguwapo sa amin nila Clint." nakangising sabi niya at magkasabay pang itinaas-baba niya ang dalawang kilay.
Natawa ako. Nakuha ko na ang ibig niyang sabihin. Alam kong sikat sila sa SBU dati dahil sa narinig kong usapan ng dalawang babae noong in-enroll niya ako. Naguguwapuhan naman talaga ako kay Dillan. Siya na yata ang pinakaguwapong lalaki na nakilala ko. Nahihiya lang akong sabihin sa kanya.
"Here's your ATM card," saad niya pagkatapos iyong kunin sa bag niya at iabot sa kamay ko. Sinabi rin niya ang password niyon. "Lahat ng kita sa hotel ng penthouse mo ay nakadirekta diyan. Gamitin mo 'yan kapag may kailangan ka or kung gusto mong mag-shopping. Ikaw ang bahala, angel."
Napanganga ako, natawa siya. Lahat ng kita ng hotel na pagmamay-ari niya ay sa ATM card ko ilalagay? Kaya pala tinuruan niya akong gumamit ng ATM machine. Natatakot akong tingnan ang laman ng account. Siguradong malulula ako sa halagang nakabangko doon. Ayoko sanang tanggapin pero naaaliw na itinago na iyon ni Dillan sa aking bag.
BINABASA MO ANG
DILLAN KING (The Night I Met You) ✔
Fiksi UmumAng akala ko hindi na ako makakaalis dito, pero dumating siya at iniligtas ako... *** Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla na lang akong namatanda pagkakita sa babaeng sumasayaw sa stage ng bar na aksidente naming na-discover na magk...