Mica
ANG AKALA ko magsa-shopping si Dillan para sa sarili niya at magpapasama lang sa akin pero ako pala ang ipagsa-shopping niya. Ang sabi niya bibilhin niya lahat ang gusto ko. Lahat ng mahawakan ko, lahat ng tingnan ko, binibili niya. Nalula ako sa presyo ng mga sapatos na kinuha niya. Ayaw ko sana pero napilitan akong pumili ng isa, iyong patag at walang takong. Halos lumuwa ang mga mata ko nang malamang nagkakahalaga ang sapatos ng four-hundred pesos! Galing pa raw iyon sa Italy sabi ng saleslady. Diyos ko, napakamahal! Ibabalik ko sana ang sapatos pero naunahan ako ni Dillan. At ang isa naging tatlo. Pumili rin siya ng sapatos na natipuhan niya para sa akin. Hindi magkandaugaga ang driver niya sa pagdadala ng mga pinamili sa kotse.
"Nakapili ka na?"
Napakislot ako nang sumulpot sa tabi ko si Dillan. Nasa bilihan kami ng damit.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nagtitingin ng damit. Pumipili kasi ako ng mura. Pero mukhang walang mura dito. Isang simpleng blouse pa nga lang, sampung libo na ang presyo.
"Dillan, sa mas mura na lang kaya tayo pumunta?" tanong ko. Alam kong mayaman si Dillan at kayang-kaya niyang bilhin ang mga iyon nang walang kakurap-kurap, pero nakakahiya pa rin. Siya lang ang gumagastos. Malabong mabayaran ko agad siya sa isang taon lang kapag nagkatrabaho na ako.
"Bakit? Wala ka bang nagustuhan dito?"
"H-hindi naman sa gano'n. Ang gaganda nga ng mga damit, eh. Pero kasi ang mamahal nila. Ang dami mo nang naipamili." Walang dudang milyon na ang nagastos niya sa loob lamang ng tatlong oras.
"Mica, don't mind about the money, okay? I told you, I'll buy all the things you want."
"Pero..."
"Nahihiya ka na naman, 'no?"
Hindi ako sumagot.
"Angel, how many times do I have to tell you don't be shy? Kasama mo ako sa pagbabagong buhay, remember? Alam kong materyal na bagay ang mga ito. But I want you to be happy and this makes me happy, too."
Hindi pa rin ako sumagot. Tumingin lang ako sa kanya.
"Please?" pinapungay niya ang mga mata at lumabi. "Isipin mo na lang na regalo ko 'to noong birthday mo."
"Hay naku, ikaw talaga." pagigil na pinisil ko ang matangos niyang ilong. Paano ako makakatanggi kung dinadaan niya ako sa ganito? Wala akong magagawa kundi hayaan siya. Naninibago lang kasi ako. Sa isang iglap, lahat ng mga bagay na hindi ko natamasa, nasa mga kamay ko na.
Tumawa siya. "Hey, I like that."
Napangiti ako. Ang sarap pakinggan ng tawa niya.
"Sige na. Pumili ka na ng gusto mo. Damihan mo, okay?"
Pagkatapos kong makapili at masukat ang mga damit, sa bilihan ng cell phone naman kami pumunta.
"Are these the latest models?" tanong ni Dillan sa salesman.
"Yes, sir," nakangiti at magiliw na tugon ng lalaki.
Tahimik ko silang pinakinggan habang iniinspeksiyon ang mga cell phone. Mayamaya ay pinapili ako ni Dillan kung alin sa dalawang brand na hawak niya ang gusto ko. Sasabihin ko sanang ayos na iyong cell phone na pinahiram niya sa akin pero nagpatangay na lang ako.
"Ito, Dillan," sabi ko, sabay turo sa cell phone na nasa kanang kamay niya, iyong kulay ginto. Mas mura kasi iyon kaysa doon sa kulay itim kahit mas mahal pa iyon sa mga bestidang kinuha ko kanina.
BINABASA MO ANG
DILLAN KING (The Night I Met You) ✔
General FictionAng akala ko hindi na ako makakaalis dito, pero dumating siya at iniligtas ako... *** Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla na lang akong namatanda pagkakita sa babaeng sumasayaw sa stage ng bar na aksidente naming na-discover na magk...