Chapter Fourteen

11.3K 440 12
                                    

-Play n'yo po 'yong music sa taas, pandagdag feels! Haha. I hope you enjoy reading this chapter! ^__^ 

Love.

Mica

"DILLAN, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya, lulan kami ng sasakyan niya. Pagkauwi ko kasi sa penthouse ay nag-text siya sa akin na magbihis at may pupuntahan kami. Kagagaling lang din niya sa trabaho. Alas-sais y medya na ng gabi.

Napansin ko din na kanina pa siya pangiti-ngiti. Maganda ang mood niya. Parang masaya siya. Mukha ring excited. Siguro ay may nangyaring maganda sa trabaho niya. Siguro ay may nakuha na naman siyang deal galing sa isang malaking negosyante.

O baka naman nakita niya ulit 'yong magandang babae? Lihim akong napasinghap. Iyon nga kaya? Nakita niya 'yong babae kaya siya masaya?

Para na namang hinambalos ang dibdib ko. Nakagat ko ang aking labi. Nagseselos na naman ako.

Kanina nang sunduin niya ako, bumilis ang tibok ng puso ko. Palagi namang bumibilis ang pintig nito kapag tinitingnan niya ako, nagkakalapit kami, at kapag hinahalikan niya ako. Pero kanina ay mas naging matindi. Lalo rin siyang gumuwapo sa paningin ko. Hindi ko alam na posible pala iyon. Ganito pala kapag nagmamahal. Para kang laging hinahabol pero gustong-gusto mo namang magpahuli...

"Malalaman mo rin mamaya, angel. Relax ka lang diyan, okay?" nakangiti pa ring sabi ni Dillan at in-on ang musika. Pumailanlang sa loob ng sasakyan ang romantikong kanta. Sinabayan niya iyon. "When I first saw you I already knew. There was something inside of you. Something I thought that I would never find. Angel of mine..."

Napangiti ako. Kahit hindi para sa akin ang kanta, pakiwari ko'y ako pa rin ang kanyang hinaharana. "Ang ganda pala ng boses mo, Dillan." puri ko sa kanya.

"Thanks, angel. It's my hidden talent." Kinindatan niya ako.

"M-mukhang masaya ka, ah. May maganda bang nangyari sa opisina?" hindi ko na napigilang itanong.

Umiling siya. "Nothing. I'm just excited and nervous tonight." makahulugang tugon niya.

"Bakit?"

Isang matamis na ngiti lang ang kanyang isinagot.

Lalo akong na-curious pero inawat ko na lang ang aking sariling mag-usisa. Pinakinggan ko na lang siya sa pagkanta.

Pagkaraan ng kalahating oras ay tumigil ang sasakyan sa harapan ng isang restaurant. Nang mai-park ni Dillan ang kotse ay inalalayan niya akong bumaba. Ikinawit niya ang aking braso sa braso niya. Pumasok na kami sa restaurant. Dito pala kami kakain ng hapunan. Halatang pang-sosyal ang kainan dahil pulos mayayaman ang kumakain. Katulad ito ng restaurant na pinagdalhan niya sa akin noong sabay kaming nag-lunch. Nilapitan kami ng waiter. Pagkasabi pa lang ni Dillan ng kanyang pangalan ay alam na agad nito na nagpa-reserve siya ng mesa para sa aming dalawa. Malugod kaming in-assist ng waiter sa daan.

Malawak pala ang restaurant. Nasa dulong bahagi na kami nito. Nakikita ko na ang madilim na langit na nababalutan ng mga bituin. Babasagin kasi ang bubong. May mga mapusyaw na lampara ang nakasabit sa bawat panig niyon. Narinig kong binanggit ng waiter na nasa private area ng restaurant ang mesa namin. Binuksan ng lalaki ang pinto at tumayo sa gilid niyon. Nakangiting hinintay kami ng waiter na pumasok.

"Wait, angel," pigil ni Dillan sa akin. Tumigil ako sa paglalakad. Nilagyan niya ako ng piring sa mga mata.

"Dillan?" nagtatakang sambit ko sa pangalan niya.

DILLAN KING (The Night I Met You) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon