Mica
NAKANGITING sinagot ko ang pagbati ng bawat empleyadong nasasalubong ko sa ADD King Hotels and Resorts. Minsan na akong nadala ni Dillan sa kompanya at ipinakilala sa mga nagtatrabaho roon. Nang marating ko ang mesa ng sekretaryo ay binati rin niya ako at inakay sa opisina ni Dillan.
"Angel," nagliwanag ang mukhang sambit ni Dillan nang mag-angat ng tingin. Nagkalat sa mesa niya ang mga dokumento. Nagpasalamat ako sa sekretaryo pagkatapos ay magalang na nagpasintabi sa amin.
"Hi," nakangiting bati ko sa kanya. Hahalikan ko na sana siya sa pisngi pero napatili ako nang hablutin niya ako sa baywang at pinaupo sa kanyang kandungan. Napahagikgik ako't sinalubong ng aking bibig ang kanyang matamis na halik.
"Dinalhan kita ng tanghalian," hinihingal na usal ko sabay taas sa hawak kong paper bag.
"Wow! Ang sweet naman ng girlfriend ko." Kinuha niya ang paper bag at inamoy. "Ang bango. Amoy pa lang, masarap na. Mapaparami na naman ang kain ko. Sisimutin ko 'to. Thank you, and thanks for coming by," malambing na kinintalan niya ako ng halik sa pisngi.
Napangiti ako. "You're welcome. Takot kasi akong malipasan ka ng gutom. Nagkausap kasi kami ng sekretaryo mo. Ang sabi niya ay nakakaligtaan mong kumain kapag marami kang trabaho." Saglit na tinapunan ko ng tingin ang kanyang tambak na trabaho sa mesa. "Gaya nito. Ang dami mo na namang ginagawa. Mula ngayon ay babaunan na kita ng pagkain."
Sa halip na sumagot ay ngumisi-ngisi siya.
"O, ano'ng nginingisi-ngisi mo diyan?"
"This. You are very caring, angel. You'll definitely make a good wife," hinigpitan niya ang pagkakahapit sa akin.
Namula ang mukha ko. "N-natural lang na mag-alala ako sa 'yo."
Tumawa siya. "Hindi ko papabayaan ang sarili ko. Pero hindi ko tatanggihan ang offer mo. The best kaya ang luto mo. Tamang-tama hindi na ako lalabas para kumain. Puwera na lang kung may lunch meeting. Pero luto mo pa rin ang kakainin ko."
"Pero mas magaling pa ring magluto ang mama mo, 'no? Siya ang nagturo sa akin niyang niluto ko."
"Alam na 'yon ni Mom. Self-proclaimed 'yon, eh."
Pinalo ko siya sa braso. "Ikaw talaga. Baka gusto mo na namang mapalo sa puwit."
Natawa siya ulit. Ibinaba niya ang paper bag sa mesa. "Dito ka muna, angel. Huwag ka munang umalis. These paper works can wait. Mabuti na lang at pinuntahan mo 'ko rito dahil baka mabaliw ako sa dami ng kailangang asikasuhin. You're my life saver. Let's eat lunch together. Tutal, one hour na lang break time na. Mas lalo akong gaganahan. Nami-miss ko na kasing kasama kang kumain."
Pinindot ko ang ilong niya. "Eh, magkasama lang tayo kagabi kila Mommy."
"Kahit na. I miss you every millisecond you're out of my sight."
Kinilig ako. "Okay." Para masiguro ko na ring kakain siya sa tamang oras.
"How's it going between you and Tita Elize?" tanong niya habang iniikot-ikot ang buhok ko sa mga daliri niya. Ugali na niya iyong gawin tuwing magkasama kami.
"Maayos naman, hon. Bukas bibisitahin namin ang puntod nila Daddy at Tita Eristelle, pagkatapos ay pupuntahan namin ang hacienda ni Daddy."
"That's good to hear. I'm happy for the both of you. Ngayon ko lang ulit nakitang gano'n kasaya si Tita Elize. Natagpuan ka na niya. Ang tagal na pala niyang naghihintay sa totoong anak niya... sa 'yo."
BINABASA MO ANG
DILLAN KING (The Night I Met You) ✔
Genel KurguAng akala ko hindi na ako makakaalis dito, pero dumating siya at iniligtas ako... *** Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla na lang akong namatanda pagkakita sa babaeng sumasayaw sa stage ng bar na aksidente naming na-discover na magk...