Chapter Seventeen

11.8K 376 12
                                    

Mica

PINANOOD ko si Duchess King na ginagala ang tingin sa kabuuan ng penthouse. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Seryoso, nakakunot ang noo, at nakataas ang isang kilay. At kapag titingin sa akin ay lalo pang tumataas ang nakataas na niyang kilay. Mataray din ang boses niya kapag tinatanong ako.

Malungkot akong napabuntong-hininga. Ramdam ko sa mga tingin ng doña na hindi niya ako gusto. Inaasahan ko nang ganito ang magiging reaksiyon niya. Sino ba naman kasi ako? Wala akong pangalan katulad ng pamilya nila.

Pero napag-isip-isip ko, kahit hindi ako gusto ng ina ni Dillan, hindi iyon magiging dahilan para magkahiwalay kami. Magiging matapang ako't ipaglalaban ko siya. Ayokong mauwi sa wala ang lahat ng pinagsamahan namin. Ayokong masayang ang mga ginawa ni Dillan para sa aming relasyon.

"Bakit pumayag kang dito ka lang sa penthouse pinatira ni Dillan?" biglang tanong ni Duchess King sabay tingin sa akin.

Ha? Hindi agad naproseso ng utak ko ang sinabi niya.

"Anyway," namangha ako nang ngitian niya ako. "Oh my God, hija!" Lumapit siya sa 'kin pagkatapos ay niyakap ako at bineso. Hindi agad ako nakahuma. Nanigas ako sa kinatatayuan. Tama ba ang nangyayari? Nginitian, niyakap, at bineso ako ni Duchess King?

"P-po?" sa wakas ay nahanap ko ang dila ko. Naguguluhang tumingin ako sa kanya pagkaharap sa akin. Nakangiti pa rin siya. Na para bang ikinalulugod niyang makilala ako?

Hinagod-hagod niya ang aking magkabilang-braso. Hindi ko namalayan na hinawakan niya ako. "I'm so glad to finally meet you, Micaela. Hindi na kasi ako makapaghintay na makilala ang girlfriend ng anak ko kaya nagpunta na ako rito," nakangiting sabi ng ginang. Kung kanina'y napakaseryoso at mataray ng boses niya, ngayon ay bakas na bakas doon ang matinding kasiyahan.

Hindi pa rin ako makapaniwala. "P-po?"

Nakangiting kinunutan niya ako ng noo. Nawiwirdohan sa akin. "Are you okay, hija? Hindi ka ba inaalagaan nang mabuti ng anak ko? Naku, mapapalo ko si Dillan sa puwit!"

Mabilis akong umiling. "H-hindi po. Malambing, maasikaso, at maalaga po si Dillan. Wala po akong masabi sa pagiging maaalalahanin niya," depensa ko sa aking nobyo.

Tila ikinatuwa niya nang husto ang narinig. Lalo lumawak ang pagkakangiti niya.

"N-nabigla lang po kasi ako sa pagdating n'yo. H-hindi ko po inaasahan na..." lumunok ako. "darating kayo. Pasensiya na po," matapat kong sabi. Sino ba naman kasi ang hindi mabibigla kapag nakaharap mo ang magulang ng kasintahan mo sa isang ordinaryong araw at sa unang pagkakataon? "Pero masaya po akong makilala kayo, Ma'am Duchess. Masaya po akong makilala ang ina ni Dillan."

"Anong 'Ma'am Duchess'? Call me 'Mama,' Mica. You are my son's girlfriend so you're a family. Cut the formality," magiliw na turan niya.

Family. Napangiti na ako. Ang sarap sa pakiramdam na itinuturing niya akong kapamilya. Ibig sabihin gusto niya ako para sa anak niya. Nagkamali ako ng impresyon. Para akong nabunutan ng tinik!

"Salamat po. A-akala ko rin po..." bahagya akong yumuko. Nakagat ko ang aking ibabang labi. Hala, muntik ko pang masabi!

"Na ano? Na hindi kita tanggap para sa anak ko? Na hahadlangan ko ang pag-iibigan n'yo? Kasi seryoso ako at tinaasan ka ng kilay?" natatawang saad niya na para bang nabasa ang aking isip. "Ginawa mo naman akong kontrabida. But I understand if that was your first impression. Dapat sa mansiyon ka na lang pinatira ni Dillan at hindi dito. Para nakilala agad kita noong dumating ako at makapag-bonding din. You've no idea how much excited I am to meet you. Tuwang-tuwa ako na ikaw ang girlfriend ng anak ko. Ako pa nga ang dapat magpasalamat sa 'yo. You changed my son. Ang laki ng ipinagbago niya. He's now acting like his age and became responsible. Napakatigas kasi dati ng ulo ng anak ko 'yon. Pero nang sabihin niya through phone na meron siyang babaeng ipapakilala sa akin, I started getting curious. He was very ecstatic. He even told me that he couldn't wait for me to go back here in the Philippines. Hindi katulad dati na pinagtataguan niya ako para hindi ko masermunan sa mga kalokohan niya." Tumawa uli siya. "You see, hija, you're a good influence to Dillan. I was so relieved that he finally got to his senses. Ikaw lang pala ang makakapagpabago sa kanya. He saw something in you. Marami nang naging girlfriend ang anak ko pero ikaw lang ang nakahuli sa puso niya. Ikaw lang ang ipapakilala niya. Sa wakas ay nagkaroon na ng matinong girlfriend ang anak ko. I'm so happy that you came into his life."

DILLAN KING (The Night I Met You) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon