Prologue

6.2K 172 0
                                    

" Run Chilany. Run . " Kahit hindi ako utusan , tatakbo at tatakbo ako. Ito lang ang paraan para mabuhay ako. Ang tumakbo at tumakas. I live my life hiding and running.

Malakas ang pintig ng aking puso. Halos naghahabol na ako ng hininga pero hindi ko nagawang tumigil. If I stop then this is the end. End of everything. Masasayang lang ang tinakbo ko.

Isang bangin ang nakapagpatiligil sa akin. Hindi ko maiwasang mapaisip . Ang buhay ay binigay hindi para sumaya ka, binigay ito para matuto ka.

Wala na akong matatakasan
Hindi ko na alam ang gagawin
Naaaninag ko na ang mga taong humahabol sa akin. Gusto kong tumakas pero hindi ko magawa . They are after me. Gusto nila akong mawala sa mundong ibabaw.

May dala silang kawayan na may apoy sa dulo at salapang. " Patayin ang halimaw . " Sabay-sabay nilang sigaw. Hindi ko napigilang tumulo ang luha. Ano ba ang nagawa ko ? Bakit ako pinaparusahan ng ganito katindi ?

Mas mabuti na lang na mamamatay ako sa paraang gusto ko. Hindi sa paraang gusto nila. Nilingon ko ang bangin. Mapapatay ba ako ng ganito kataas ? Nasagot ang aking tanong ng mga matutulis na bato na hinihintay ang aking paglapat.

This is the end. I hoped. Pagod na ako at hindi ko na kakayaning mabuhay pa .

Malaya kong pinagsabay ang katawan sa hangin . Pumikit ako at hinintay ang katapusan .

Masaya sila sa ginawa ko. Mawawala na ako sa wakas. Mariin kong binitawan ang huling hininga.

Sa wakas ay nakaramdam ako ng sakit.

Makakatakas na ako.

Hindi ko pala alam lahat ng ito ay isang akala.

Akala ko mamamatay na ako sa gabing iyon.

Akala ko katapusan na ng buhay ko.

Nagtago ako sa dilim , hindi dahil takot ako sa araw. Takot ako sa mga tao . Takot akong masaktan ko sila. Nabuhay ako sa dugo ng mga hayop na naliligaw sa aking lungga.

Kalaunan nalaman ko kung ano talaga ako. Pinangalan nila akong bampira .

Bampira na nabubuhay sa dugo, walang katapusan ang buhay.

Hindi ako nag-iisa .
Hindi lang ako ang bampirang nakatayo sa mundo .

Vampire's Fangs : Lasilian LoganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon