Nakasuot ako ng itim na leather jacket at sa loob nito ay itim ding sleeveless, itim na jeans at itim na boots .Perfect ang porma ko sa aming misyon. Mukha akong modern witch kaysa magmukhang bampira.
May tumawag na naman mula sa mga resources namin. May rebel na naman na pakalat-kalat. Mabuti na lang at sa dilim sila gumagala. Iwas sa mga tao at walang masasaktan. Sa mga kapwa bampira lang naman sila umaatake. Naghihigante sa kamalasang natamo.
“Sana magtagumpay tayo ngayon,” bulong ni Fillany sa akin. Tinanguan ko na lang siya. Sa isip ko hinihiling ko rin na sana nga.
Bumaba agad kami sa van nang makarating sa lugar. Matalahib at madilim ang paligid, meron pa akong nakikitang ilog sa hindi kalayuan. Marami itong basura, mukhang delikado kaya hindi masyadong dinadayo ng mga tao.
“Ibigay niyo ang lahat sa misyong ito /, ” bilin sa amin ni Mr.Gray bago lumabas sa van.
“Salamat po! Makakaasa kayo!”
Hinanda ko ang aking kuko, ganun din si Fillany bago pumasok sa madilim na abandonadong bahay.
Napagplanuhan na namin ang gagawin namin sa misyong ito?
Inunat ko ang kamay at pumasok sa dilim! Nag-adjust agad ang aking paningin. Naging sepia color at tumalas ang aking senses.Maliit lang ang espasyo ng bahay kaya nakita namin agad ang rebel na sinasabi nila. Bumaling ito sa amin. Hindi ito naiiba sa ibang rebel na napag-aralan namin. Walang kakaiba, isang ordinaryong rebel lang ito na may mapupurol na pangil.
Nagkatinginan kami ni Fillany . Kininditan ko siya. Simbolo na aatake na kami. Tumakbo kami palapit sa rebel .Sinalubong kami ng rebel .
Nang malapit na kami huminto si Fillany na mas nauna sa akin. Nakalahad ang kanyang kamay sa baba. Bahagyang nakababa ang katawan.
Pumatong ako sa nakalahad niya kamay at tumalon. Nakuha ko ang atensyon ng rebel sa aking pagtalon . Hinarap niya ako at tumalikod kay Fillany. Kinuha ni Fillany ang pagkakataon na 'yon para atakihin ang rebel.
Patuloy lang ako sa pagkuha ng atensyon ng rebel. Pumusisyon ako sa harap niya at kunwaring papaliparin ang kamao.
Gamit ang kamay pinalipad ni Fillany ang tali at sinakto na tumama sa katawan ng rebel. Walang kamalay-malay ito nang pumasok sa katawan niya ang nakabilog na talim Hinila agad ito ni Fillany kaya humigpit.
Tumakbo ako papalapit sa rebel bago pa siya makawala. Kinuha ko ang itim tela na nasa beywang ko at mabilis na tinakip sa rebel. Kumalma ito kaya malaya naming nakuha .
Ito ang kahinaan nila . Kapag wala silang nakikita, hindi sila mamiminsala. Nakangiti kaming sinalubong ng council nang makita ang dala namin. Nakagapos na ang buong katawan nito para sigurado.
“Congratulations,” bati nila.
Pinasok nila ang rebel sa isa pang vam na dala namin. Selyado ito at mahigpit ang seguridad.
Hindi ko na alam kung saan nila dinala ang rebel pagdating namin. Naligo muna kami bago hinarap ang lahat . Tapos na ang misyon ko pero si Fillany ay sasama sa gagawing research.
“Binabati ko kayo sa inyong tagumpay.”
Tinaas namin ang kopita na may lamang dugo ng hayop. Nilagok ko ito at mainit na dumaloy sa aking lalamunan ang malinamnam na dugo. Nakilala agad ito ng aking sistema.
Binati nila kami nang paulit-ulit. Hindi naman malaking tagumpay ito, pero tradisyon na sa amin ang pagbibigay pugay sa ano mang klase ng tagumpay.
“Ang galing natin! Sayang lang at napatay natin ang buntis na rebel. Sana napag-aralan pa natin ito,” pahayag ni Fillany na lumapit pa sa akin.
“Hindi natin maiiwasan ang mga kapalpakan sa misyon. Ito ang kahulugan ng misyon.” Sumang-ayon siya sinabi ko. Lumagok siya ulit sa kanyang kopita. Tumigil na ako sa pag-inom at nagpaalam na matutulog na ako.
Babalik na ako bukas sa paaralan at sinabi ni Supreme na kahit anong oras ay pwede akong humiling sa kanya. Pag-iisipan ko pa at lulubus-lubusin ko na lang ang pagkakataon na ito na minsan lang dumating sa vampire life ko.
Sobrang aga akong umalis sa high land, hinatid ako niMr.July sa aking apartment.
“Ipaalam mo na lang ako kay Fillany,” simpleng pahayag ko at bumababa sa kotse. Pinangako niya sa akin na gagawin niya iyon. Hindi ko na ginising si Fillany dahil alam kong puyat siya.
Pumasok agad ako sa apartment. Mabuti na lang at gising na ang landlady kaya nakapasok ako. Sinamaan niya pa ako ng tingin na parang may ginawang masama. Binalewala ko ang inasta niya at dumiretso sa kwarto.
Pagpasok ko sa kwarto pumasok agad ako sa banyo, naligo at nagbihis. Naghanda ako para pumunta sa klase.
Nang medyo lumiwanag na, umalis agad ako. Sinukbit ko ang bag sa balikat at nilisan ang kwarto.
Mabagal akong naglakad para patayin ang oras. Sobrang aga pa. Tumigil ako sa isang fashion shop na kakabukas lang. Kita mula sa labas ang isang mannequin na nakatayo at nakasuot ng magarang damit. Isa itong dress na abot hanggang tuhod , kulay pink . Hindi ko nagawang ialis ang tingin sa bagay na iyon.
Sinuri ko ang sarili mula sa repleksyon na nakikita ko. Isang babaeg naka-itim. Lumilitaw ang kaputian ko sa aking suot. Wala sa sariling gumalaw ang kamay ko at kinuha ang wallet na may lamang pera. Kakabigay lang ito ng council. Hindi ko naman kailangan ito pero binigay nila sa'kin para mabili ko ang gusto ko sa mundo ng tao.
Napag-aralan ko kung ano ang halaga ng bawat simbolo sa pera. Marunong akong magbiliang. I can distinguish fake from real . Alam ko ang halaga ng bawat isa. Hindi kami bobo, mas may alam pa kami kaysa sa mga tao. May mga bagay na hanggang ngayon, kami lang ang nakakaalam. Tinuon namin ang buhay namin sa pag-aaral at pagsasanay.
Pumasok ako sa loob ng shop. Sinalubong ako ng naka-unipormeng sales lady.
“Good morning madam , welcome to 24 hours Fashion view!” Masigla ito, malapad ang ngiti sa akin.
Kinuha ko ang wallet.
“Magtatanong lang po ako kung may ibang size po ba kayo ng damit na nakadisplay sa harap.”
SoIyon bang kulay pink? Sakto meron pa. Sandali lang kukunin ko.” Umalis agad siya sa harapan ko at pumasok sa isang kwarto. Mabuti na lang at maaga pa kaya makakapaghintay ako.
Lumabas siya dala ang damit.
“Pwedeng subukan?” tanong ko.
“Ay oo po! Ayun po ang fitting room.” Tinungo ko ang maliit na kwarto na tinuro niya. Hinubad ko ang suot at sinuot ang damit.
“Ang ganda.” Nasambit ko sa aking sarili. Parang ibang tao ako. Nakasanayan ko na ang kulay itim at pula, kaya naninibago ako.
Lumabas ako suot ang dress. Kinuha ko ulit ang wallet.
“Pwede bang bayaran ko na lang. Hindi ko na huhubarin. Malinis naman siguro ito!”
“Ah opo ma'am. Samahan ko na lang kayo sa counter.” Sumama ako sa kanya, binayaran ang suot na damit. Lumabas ako sa shop, maliwanag na pero hindi naman ako mahuhuli sa klase.
Pagpasok ko sa gate binati ako ng guard. Mabuti na lang at hindi pa gaano karaming estudyanteng naririto. Hindi ako makakaagaw ng atensyon. Hindi ako dumaan sa hallway. Lahat naman ang tingin nila sa akin ay weirdo.
Dalawang tao ang naabutan ko sa classroom. Isang babae at dalawang lalaki. Masama ang tingin sa akin ng babae, malagkit naman ang tingin sa akin ng lalaki. Iniwas ko ang tingin sa kanila. Ako rin naman ay naninibago sa suot ko ngayon. Hindi ko alam kung anong klase ng dugo ang nainom ko kagabi at nagkaroon ako ng lakas ng loob na magsuot ng ganito. Idagdag mo pa ang ilang araw kong pagliban Iniisip siguro nilang bigla na lang akong nag-evolve.
Nalipat ang tingin ko sa pinto nang may yapak akong naramdaman. Nagulat ako nang magtama ang aming mata, hindi ako umiwa . Masama ang tingin niya sa akin, sinipat ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Umiling siya kaya napalunok ako. Hindi ko kinaya ang tingin niya kaya wala akong nagawa kung hindi ang umiwas.
“Lasilian Logan,” nasambit ko sa aking isip .
BINABASA MO ANG
Vampire's Fangs : Lasilian Logan
VampiriMagtatagpo ang dalawang bampirang may magka-ibang kinabibilangan . Mapipigilan kaya nila ang tadhana . Lasilian Peridox Vancardin Demitri Logan & Chilany Trival Grazia Arcilla