Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya.
“Bakit dumadami ang bampira sa lugar na ito? Who are you?”
Nanunuyang tanong nito sa akin. Nagkunwari akong walang narinig.Sakto at kaunti na lang ang tao sa lugar na ito. Kung gusto niya akong patayin, magagawa niya iyon. Lalaban muna ako bago niya mapaslang.
“Really! Walang sagot?”
Napahigpit ang hawak ko sa libro. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya ngayon.
“Sino ka? Who really are you? A mysterious vampire who gave me a lot of headaches. Who really are you vampire ?”
Kahit anong iwas ko ng tingin, nagtatagpo pa rin talaga ang aming mata. Ang kulit din pala niya.
Tumayo ako, kinuha ang libro, sinabit ang bag sa likod.
“A rude vampire.” Huminga ako ng malalim bago siya hinarap. Napangiwi ako sa nadatnang reaksyon mula sa kanya.
“You should forget all your worries , you'll be free if you do it.”
Binalik ko sa kanya ang mga sinabi niya sa akin noong nakaraan. Hindi pa ako nakakalimang hakbang, naramdaman kong may humawak sa braso ko. Marahas niya akong pinaharap sa kanya.
“Huwag kang magmataas, isa ka lang human vampire. Pwede kitang patayin sa kahit anong paraan.”
“You don't know how long I wished for my death. Hindi ako mamatay sa paraang gusto mo, mamatay ako sa paraang gusto ko,” malamig kong pahayag. Kita ko ang pag-iba ng ekspresyon niya.
“Vampires are selfish . Dinamay nila ako sa sumpa nila.”
Tinalikuran ko siyang nakabukas ang bibig sa gulat .
Hindi ko namalayang tumulo ang luha. Ngayon lang ulit naukat ang nakaraan ko. Ayaw ko na itong balikan at kung papipiliin ako, itatama ko ang lahat .
Mabigat ang loob kong umuwi sa apartment.
“Mag-usap tayo.”
Napatalon ako sa gulat. Si Lasilian nakaupo sa dulo ng kama ko. Nilipat ko ang tingin sa nakabukas na bintana.
“Umalis ka na lang.” Hindi ko siya pinansin bagkus inayos ko ang bag sa paglalagyan.
“Same page. I also wished, death of mine.”
Napatingin agad ako sa kanya. Tumawa ito na parang baliw.
Matagal na napako ang tingin ko sa kanya. Kita ko ang kunot ng noo niyang umiiba ang pinatutunguhan.
“ Umalis ka na,” ulit ko. Hindi ko gustong maging masama pero wala akong pagpipilian.
“Tsk.”
Pinanood ko ang paglakad niya papuntang bintana. Seryoso? Hindi niya ba alam ang salitang pinto?
Tumalon ito, hindi lumingon. Ilang minutong nakapirmi ang tingin ko sa binagsakan niya. Mysterious. Bakit ko ba siya pinaalis?
Ayokong baliin ang batas ng council. Hindi pwedeng malaman ng Astrid na nabuo ang kingdom. Baka maging instrumento pa siya sa pagkasira namin. Hindi ko naman sinasabi isa siyang Astrid ngunit paano kung.
“Chilany!”
Napalingon ako sa tumawag. Si Tybalt, magiliw itong lumapit sa mesa ko. Nasa cafeteria ako ngayon.
“Hi.” Bati ko.
“Bili lang ako, anong sa'yo?” Tanong niya habang binubuksan ang wallet para kumuha ng pera.
BINABASA MO ANG
Vampire's Fangs : Lasilian Logan
VampireMagtatagpo ang dalawang bampirang may magka-ibang kinabibilangan . Mapipigilan kaya nila ang tadhana . Lasilian Peridox Vancardin Demitri Logan & Chilany Trival Grazia Arcilla