Chapter 1

4.6K 82 0
                                    

Sinuot ko na ang sunglasses. Finally pinayagan na ako ng Vamp council na lumabas. Kahit na may konting pangamba pa rin akong nararamdaman pero makakaya ko ito. Makikipagsalamuha lang naman ako sa kanila, hindi nila ako sasaktan. Maraming taong na ang lumipas, nagbago na ang lahat.

Nabuhay ako ng isang daang taon na takot sa mga tao. Hindi naman pwedeng habang buhay akong magiging galit. Vampires blablabla...pantasiya na lang para sa mga taom

“Are you ready?”  tumango agad ako sa tanong niya . I'm so damn ready! Finally ! Finally !

I'm wishing that this time it will go another way around . Hindi ko isasarado ang isip at puso sa mga tao. Iba na ngayon. Moderno na ang panahon.

Tinakbo ko agad ang backseat. Si Mr. July ang magiging driver ko ngayon.

“Chilany ang bilin ng council. ” Alam ko ang bilin ng council , isang bilin na hindi ko pwedeng kalimutan . Ayaw kong magkamali.

“Opo! No problem.” Sumaludo ako sa kanya. He chuckled a bit.

Hindi ako magkamayaw sa pagsubaybay sa mga dinadaanan namin. Mula sa makakapal na puno, unti-unting lumilitaw ang mga kabahayan. Una isa lang hanggang sa dumami nang dumami. Ngayon lang ako nakakita ng ganito.

Mula maliliit may nakikita na akong malalaki, hanggang sa mga sobrang laki na talaga. Iyong mas malaki pa sa kingdom. Hindi madilim ang kulay ng mga gusali nila. Hindi katulad sa kingdom parang haunted house . Hindi ko alam kung tama bang isipin na hindi haunted house ang kingdom namin. Iniisip ko kasing parang lang .

“Do not forget what the council told you. Huwag kang magtiwala kahit kanino.” Tumango ako at bumaba sa sasakyan.

“May mga bampira kang makikilala sa paaralan na papasukan mo.” Tumango ulit ako. Alam ko na ang tungkol sa bagay na ito.

“Huwag kang magkakamali,”
huling bilin niya bago pinaandar paalis ang kotse. Napatalon ako sa saya. Sa wakas.

Pinagmasdan ko nang mabuti ang malaking gusali sa aking harapan.
Malawak ang sakop ng paaralan, may kakahuyan sa hindi kalayuan na tanaw na tanaw ko mula sa kinatatayuan ko.

Biglang lumawak ang ngiti ko . Susubukan kong maging masaya ulit sa piling ng mga tao. I badly want this chance. Hindi naman pwedeng habang buhay ay bampira lang ang haharapin ko. Nakakasawa na kaya ang mga pagmumukha nila sa ilang daang taon kong paninirahan sa mundong ito.

“Aray!”

Nalipat agad ang tingin ko sa babaeng nasa harap. Napa-upo siya sa lakas ng pagbangga sa akin . Mataman niya akong sinuri. Hindi makapaniwala na hindi ako natinag sa pagbangga niya.

“My bad, vampire's ability,” bulong ko sa sarili.  Nilahad ko ang kamay para tulungan siyang makatayo. Mabuti na lang at tinanggap niya ito.

“Sorry.” Iniwan niya agad ako matapos humingi ng paumanhin . Kinuha ko na lang ang schedule at iniwaglit ang nangyari. Siguradong mas may malala pa akong haharapin sa paaralang ito.

Matapos kong masuri ang schedule, pumasok na ako sa gate ng paaralan. Clairgh High .

Binati ako ng guard pagpasok. Tinanguan ko siya. Hindi ako ngumiti, baka makita niya pa ang pangil ko. Patay ako ng wala sa oras.

Sinalubong ako ng hangin pag-apak sa loob mismo ng paaralan.
Nasa huling taon na ako sa junior highschool. May napag-aralan ako sa kingdom kaso mas bagay daw akong mag-ala highschool student. Masyadong bata raw ang mukha ko. At saka experience lang naman ito kaya hindi big deal. Karamihan naman sa amin ay dito pinapadala.

Nahanap ko agad ang aking silid aralan. Naabutan ko itong maingay.

“Damn noisy students.” Napasinghap ako nang may nagsalita sa aking likod.

Vampire's Fangs : Lasilian LoganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon