Chapter 7

1.7K 50 1
                                    

Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa inasta ng babae. Ang gulo talaga ng mga pure blood. Mga weirdo!

Likas din maingay ang mga tao na kahit ang ordinaryong pandinig ko ay binubulabog nila. Ang aga pa naman.

“Oh my gosh! Ang ganda talaga ng lahi nila.” 

Sino na naman kaya ang malas na pinagtsi-tsismisan nila. Kawawa naman.

Pumasok ako sa classroom. Mabuti na lang at wala pa ang teacher namin. Umupo ako sa aking upuan. Wala pa si Lasilian. Hindi naman sa hinahanap ko siya. Fine, hinahanap ko nga siya.

Ilang araw na kasi siyang hindi pumapasok. Hindi ko alam ang dahilan at wala akong kinalaman sa kung ano man ang dahilan niya. Basta ako, mamumuhay sa mundo ng tao ng mapayapa, higit isang buwan na lang ang natitira.

Plano kong dumaan na naman sa shortcut sa likod ng school. Bitbit ang mga libro pasimple ko itong tinungo.

Hindi pa nakakabalik si Tybalt. Gusto ko sanang may kasama ako sa paglalakad. Siya lang naman ang dadamay sa aking pagiging lonely bampira.

“Can we talk?”

Umangat agad ang tingin ko. Ang babaeng pumunta kagabi sa apartment ko, ang kapatid ni Lasilian. May kasalanan pa ito sa akin.

Hinaharangan na niya ang daanan ko kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumango.

“Follow me.”

Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa pinakalikod na bahagi paaralan. Matataas ang talahib ng damo dito. Hindi ko na lang pinansin ang pagdaan niya dito. Mabuti na lang at nagsuot ako ng jeans. 

Tumigil kami sa isang sirang bench . Hinarap niya ako.

“Can we talk inside the portal?” Pinaboran ko ito. Pumikit kami at naghawak kamay. Sa lakas ng portal niya agad akong nakapasok. Pureblood nga ito.

Binitawan niya ang kamay ko matapos makapasok sa portal ko.

“Hi,” awkward kong bati. I don't know, I just really find her uncomfortable. Binati niya ako pabalik.

“Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, I need your help.”

Parang kagabi lang pinagbantaan niya ang buhay ko. Ang bilis namang umikot ng mundo.

“What help? Hindi ko alam kung kaya ko.”

Seriously Chillany? Tutulungan mo ang babaeng ito?

“Tungkol ito kay Lasilia. Please help me, ikaw lang ang bampirang nilalapitan niya.”

“What do you mean?”

Ang kulit ng lalaking iyon, impossible.

“Hindi ko alam kung paano ito ipapaliwanag. Sigurado akong napapansin mo rin ito. He is slowly turning into a rebel. A pure blood like him is such a mess if that will happen.”

Gusto ko lang namang ang mapayapang pananatili sa lungsod. Bakit kailangan mapunta sa ganito?

“Bakit ako?”

“Bakit hindi ikaw? You shared the same principle in life? Katulad ng sinabi mo kagabi, gusto niya ring mamatay. I don't know if you have enough knowledge about us, since you're just human vampire ...”

“Pwede bang diretsuhin mo na lang ako.” Nanghihingi na nga ng tulong, nang-iinsulto pa.

“Well, hinahayaan ni Lasilian na maging isa siyang rebel. Iyon ang dahilan kung bakit niya kami tinatakasan. May prinispyo siya, gusto niyang tapusin na ang buhay niya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan . Kung nagtataka kang pwede naman niyang patayin ang sarili sa kahit anong oras niya gusto. I don't know, pero katulad nang sinabi mo kagabi. Gusto niyang mamatay sa paraang gusto niya, hindi sa paraang gusto ng mga nilalang na nasa paligid niya.”

Vampire's Fangs : Lasilian LoganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon