Hindi ako makatulog kakaisip sa mga nangyari kanina. Impossible naman talaga ang sinabi ko. Matagal ng walang mangkukulam sa mundo. Inubos sila ng mga pure bloods, pinatay dahil sa kasamaan nila.
Nang hindi na ako makatiis bumangon na lang ako at nangalakal ng kape sa kusina. Mukhang hindi naman ako makakatulog ngayong gabi kaya ano pa ba ang magagawa ko?
Matapos kong timplahin ang aking kape, napagpasiyahan kong dumiretso sa balkonahem Presko ang hangin mula sa pang-gabing ihip. Maliwanag ang buwan, saktong-sakto ito sa nilalang na katulad ko. Ang buwan ay isa sa kasiyahan namin, ito ay parang dugo, hindi kami mabubuhay kapag wala ang sinag nito.
“Sana makapiling ko na kayo.”
*
“Maaring natalo natin ang kalahati sa mga rebels ni Damian pero nabalitaan din naming tuluyan niya !g nasakop ang West boundary. Niligaw niya ang landas natin kaya nawala ang atensyon natin sa West boundary.”
“Sinakripisyo niya ang kalahati sa mga sundalo niya dahil alam niyang kapag nakuha niya ang West boundary dodoble ang bilang ng mga kampon niya.”
Nakasimangot ang lahat sa naging pahayag ng tagapagsalita ng Astrid. Hindi ito inaasahan ng lahat. Ang akala nila pulido ang lahat, tuso rin pala ang bampirang iyon. Ilang taon na ba itong namamalagi sa mundo?
“Ang kailangan nating gawin ay mag-ingat at maghanda sa mga nakaabang na laban.”
Napatingin ang lahat nang bumukas ang pinto.
“Lahat ng bampira, human vampires man pure blood, half blood kailangang magsanay at palakasin ang kakayahan ng bawat isa.”
Lahat ay nakatutok sa lalaki na nasa harapan . Seryoso ang ekspresyon nito.
“Hindi ito isang laro, nakasalalay sa atin ang lahat. Magpalakas tayo, labanan natin ang bantang lumulupig sa atin.”
Nagtama ang mata namin bahagya akong napangit. Siya pa rin si Lasilian na kilala ko. Siya pa rin ang lalaking nagustuhan ng puso ko.
Hindi ko na napansin ang paglubog ng araw dahil sa labis na pag-iisip. Napabuga ako ng hangin, mas long lumalala ang nangyayari. Kakayanin ito ng Astrid pero paano kami? Hindi kami malakas kagaya nila.
“Hi, ”anang ng baritonong tinig . Nang nilingon ko ito, isang seryosong Lasilian Logan ang bumungad sa akin.
“Hi,” bati ko pabalik. Bumalik ulit ang tingin ko sa kawalan. Ang isipin na si Lasilian ay ang lalaking nasa tabi ko ay iba. Hindi matigil ang kaba sa aking dibdib.
“Kamusta ka?” tanong ko nang hindi matiis ang katahimikang bumabalot sa amin.
“Maniniwala ka ba kung sasabihin kong hindi ako maayos.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya .
“Hindi ka ba masaya na nasa iyo na ang lahat? Kapangyarihan, pagtanggap at pagkilala?”
Hinarap niya ako at nginitian.
“Paano ako sasaya kung ang isang bagay na binitawan ko gusto ko ng makuha ulit. Gusto kong akin ulit, pero hindi ko alam kung babalik pa ito.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nanatili ang mata niya sa akin, ganun din ang akin sa kanya.
“Bakit hindi mo subukang kunin ito ulit , baka hinihintay lang nito ang iyong pagbalik.”
Narinig ko ang mahina niyang tawa.
“Mabibigyan ba ako ng pagkakataon na bumalik muli?”
“Bakit hindi ka niya bibigyan? Walang sapat na rason para hindi ka niya bigyan.”
He laughed at me. Parang kahapon lang ay masasamang tingin ang binigay niya sa akin.
“Chilany malayo na naman ang 'yong tingin.”
Tiningala ko si Fillany na titig na titig sa akin. Kinuha ko ang pinakamalapit na unan sa akin. Dumapa at binaon ang mukha sa unan.
“Hoy sagutin mo nga ako.”
Nakanguso akong bumangon at mahina siya hinampas.
“Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin. Napapagod na ako,” mahinang reklamo ko sa kanya.
“Parang alam ko na kung ano, ay sino pala ang tinutukoy mo,” pang aasar niya sa akin.
Binaon ko ulit ang mukha sa unan at mahinang hinampas ito.
“Fillany naman,” naiiyak kong sabi.
*
Nakahanay ang mga human vampires sa aking harapan. Inatasan kaming dalawa ni Fillany na sanayin sila sa ng council. Kasama rin sila ni Tybalt at Mr. July.
“Kapag lalaban ka huwag mong isipin na mamatay ka. Isipin mo dapat mamatay ka sa paraang gusto mo, hindi sa paraan ng kung sino man. Hindi lang katawan ang dapat palakasin, dapat matutunan niyo ang na palakasin ang inyong isipan.”
Hindi ko kailanman naisip na tatayo ako sa harap ng mga bampira at ibahagi ang aking mga nalalaman.
“Ipikit niyo ang inyong mga mata damhin, hanapin at hubugin ang kagustuhan na lumaban.”
Pinikit nila ang kanilang mata. Umihip ang malakas na hangin at sumabay ako sa hangin. Ipinikit ko ang mata.
Ang kakayahan kong lumaban ay nag-ugat sa kagustuhan kong mamatay, hindi sa kagustuhan kong mabuhay. Lumalaban ako kasi naghahanap ako ng kamatayan. Hindi ako lumalaban para mabuhay, lumalaban ako para mamatay.
Lumitaw ang ngisi sa akin labi. Hindi na mawawala ang prinsipyo ito sa'kin.
Gaano man kasaya ang araw ko sa paglubog ng araw hihilingin ko pa rin na mawala. Hihilingin ko pa rin na dapat mamatay na ako. Gaano man kasaya ang mundo ko mas gugustuhin ko pa rin na matapos na lang lahat, dahil iyon ang nararapat.
“Ms.Chilany.”
Napadilat ako, hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Maingat akong ngumiti at hinayaan ang pagdaloy ng luha.
“Hindi ibig sabihin na umiyak ka mahina ka. Umiiyak ka dahil kaya mo pa, iiyak ka dahil lalaban ka pa. Lumaban tayo!”
Naghiyawan ang lahat dahil sa sinabi ko. Maligaya ko silang pinanood.
Nabaling ang atensyon ko sa isang lakaking nakatayo at seryosong nakatitig sa akin . Napalunok ako ng laway ng sumenyas siya na lumapit ako. Inatake agad ako ng kaba. Ano naman ang ginagawa niya rito?
“Ano ang 'yong kailangan?” tanong ko. Pilit kong tinatago ang kaba.
“Sumunod ka sa'kin.”
Agad ko siyang sinundan. Malaya kong tinitigan ang kagandahan at katikasan ng kanyang katawan.
Pumasok kami sa isang kwarto na halos hindi na naaanigan ng araw. Pinanood ko siyang nagsalin ng inumin sa kopita. Nakailang lagok siya bago ako binalingan ng atensyon. Bahagya akong napaatras sa klase ng titig niya. Parang lasing ito sa mga ginagawa niya.
“Hindi ko na papahabain ang lahat ng ito.”
“Pakasalan mo ako at ibibigay ko ang lahat ng gusto mo.”
Napanganga ako sa mga sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Vampire's Fangs : Lasilian Logan
Ma cà rồngMagtatagpo ang dalawang bampirang may magka-ibang kinabibilangan . Mapipigilan kaya nila ang tadhana . Lasilian Peridox Vancardin Demitri Logan & Chilany Trival Grazia Arcilla