Chapter 9

1.7K 58 0
                                    

Hindi pa rin ako makapdesisyon. Mahirap ang pinagagawa niya lalo na't hindi ko kontrolado ang isip ni Lasilian. Arogante ang lalaking iyon, hindi nararapat tulungan.

“Hoy! Chilany mani, bakit parang ang lalim ng iniisip mo?” " tanong ni Tybalt. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pagtawag niya sa aking ng Chilany mani. Ang pangit niyang magbigay ng nickname.

“Tumahimik ka half blood. Hambalusin kita diyan.” Tinawan niya ako. Napatingin ang ibang estudyante sa ginawa niya. Ang iba ay kinikilig, at kung makita nila ako na katabi si Tybalt, sumasama ang tingin nila. Seriously? Hindi ko type ang isang ito.

Hinampas ko siya, ininda ang mga masasamang tingin nila. Hindi ako mamatay sa tingin, baka sila pa ang mapatay ng pangil ko. Yeah! Big bad vampire.

Natatawang umalis si Tybalt sa tabi ko. Nasa gitna na siya ng daan ng cafeteria, nakakakuha na ng atensyon. Tawang tawa siya sa akin na parang hindi niya kinakaya ang ekspresyon sa mukha ko. Kusang napataas ang kilay ko. Hindi ko alam na baliw pala ang mga half blood. Umiling-iling na lang ako. Kahit kailan talaga.

Tinulak ko siya kaya napunta siya sa gitna ng daan. Sa gitna ng pag-aasaran namin may lalaking bumunggo kay Tybalt. Biglang tumahimik ang buong cafeteria. Ang kulit kasi.

Muntik ng matumba si Tybalt kaya maagap ko siyang pinuntahan. Agad ko siyang tinanong kung okay lang siya. Nagulat ako kung bakit siya natumba? Isa siyang half blood kaya bakit?

Binalingan ko ang lalaking nakabunggo sa kanya. Nakatalikod na ito, parang wala lang siyang nagawang masama. Pasipol-sipol pa ito habang naglalakad. Kahit nakatalikod siya ay kilalang kilala ko ang likod na iyon.

“Bastos talaga,” bulong ko. Bumalik na lang kami sa upuan namin kanina. Nawala na ang atensyon ng tao sa amin.

“Kilala mo siya?” tanong ni Tybalt. I nodded my head, frustrated of what he did. That arrogant vampire.

“Layuan mo siya.”

Hindi na ako umangal sa sinabi niya. Kaya pala muntik ng natumba si Tybalt, isa palang pure blood ang bumunggo sa kanya. Napailing ako sa ugaling pinakita niya. Ano ba ang problema ng isang 'yon?

Pag-uwi ko naabutan ko ang kotse ni Mr.July sa labas ng inuupahan. Mabilis ko itong nilapitan, kinatok ako sa windshield. Pinagbuksan ako ni Mr.July.

“Yow! Bakit ka nandito?”

Tinawanan niya ako sa sinabi

“Pinasundo ka ng council. Sa High land ka raw muna mananatili. Naroon ang ilang council at si Fillany.” Unti-unting gumalaw ang aking taynga.

“Seryoso? Ano ang gagawin nila dito?“ natatawang tanong ko. Kinamot niya ang kaniyang ulo. Pumasok na ako sa kotse. Sinimulang paandarin ni Mr. July ang kotse.

“May ginagawa raw silang research sa mga rebel at human vampire.  Kailangan nilang makakuha ng buhay na rebel.”

“Kaya ba nandito si Fillany?” tanong ko. Humagalpak siya sa tawa. Kahit hindi ko alam ang kwento sa likod ng kanyang tawa, nakisama rin ako sa pagtawa niya. Mukhang napakasaya niya.

“Pasensya na hindi ko napigilan. Sayang wala ka. Nakita mo lang siguro ang kaibigan mo, ikaw ang mahihiya sa kanya.”

“Teka lang Mr.July hinay hinay lang. Hindi kita naiintindihan.”

“Ganito kasi 'yon. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ng kaibigan mo at pumunta siya sa opisina ni Supreme ...”Huminga ako nang malalim sa sinabi niya. Mukhang kinakabahan ako sa kwento niya.

“Si Fillany ? Ang kaibigan kong loka?” malakas kong tanong. Hinampas ko siya, hindi ako makapaniwala. Natawa si Mr.July sa inasta ko.

“Okay so ito na, pumasok siya. Naabutan niyang may nag-aano sa opisina ng supreme.”

Vampire's Fangs : Lasilian LoganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon