“Hindi Vancouver Ferero ang aking pangalan mahal na Binibini,” saad nito sa isang tinig na nalapatan ng ngisi.
“Hindi ka bampira Vancouver, isa kang mangkukulam, itim na mangkukulam.”
Lumaki ang mata ni Damian sa sinaad ng Binibini. Tila'y naging katotohanan ang sinabi nito sa kanyang tugon.
“Sino ka Binibini? Ano ang iyong pangalan?” Taong nito sa mahinang tinig ngunit kita ang inis sa mga mata nito.
“Hindi mo ba ako naalala itim na mangkukulam? Ako ang babaeng pinatay mo. Ako ang taong ginawa mong bampira at binalak mong patayin pero hindi ka natagumpay.”
Nanlaki ang mata ni Vancouver Ferero sa mga narinig. Hindi makapaniwala na nasa harap niya ang bampirang nakakaalam ng kanyang kwento, kasaysayan at kahinaan.
“Hindi ito maari. Hindi pwedeng buhay ang prinsesa ko. Pinatay ko na siya. Pinatay ko na ang aking nag-iisang prinsesa, ang aking anak.”
Nagsinghapan ang lahat, hindi makapaniwala sa mga nasaksihan. Kaya pala pamilyar sa kanya ang pagkakapako sa kinatatayuan tuwing nasa paligid ang bampira. Kaya pala pamilyar ang mukha nito, naaalala na niya.
Ang paniniwala ng lahat ay ulila siya nang namatay ang kanyang buong pamilya sa trahedyang tinakbuhan, tinakasan at tinaguan niya.
Maaring tinuring na niya ang kanyang ama na patay na, alam niyang ang tunay na ama ay wala, wala na sa katinuan. Matagal na nabaliw sa kapangyirahan at kagustuhang mamuno.
“Buhay ako! Hindi mo ba ako nakikilala?” tanong nito sa baliw na Ama.
Flashback
“Ama pinatawag mo raw ako. Ano po ang kailangan niyo?” Tanong ng isang walang muwang na bata sa ama.
“Halika ka munting prinsesa maglalaro tayo.”
Mabilis lumapit ang anak
suot ang malapad na ngiti.“Ano po ang lalaruin natin Ama?”
Ngumisi ang Ama, sumilay ang maitim na balak nito.
“Halika ka rito. Nakikita mo ba ang pintong 'yon?” tanong nito. Tumango ang anak.
“Pumasok ka roon. Maglalaro tayo kapag nakalabas ka diyan bibigyan ka ni Ama ng bistidang gustong gusto mo.”
Nagtatalon sa saya ang anak, nakapaskil ang malapad na ngiti nang humarap siya sa Ama.
“Pangako Ama?”
“Pangako Anak.”
Nang pumasok ang anak sa pinto walang pag-aalinlangang kinandado niya ito.
Dinig na dinig niya ang malakas na pagmamakaawa at sigaw sa sakit ng anak. Ang mga sigaw nito ay nagsilbing pamasahe niya sa tagumpay. Napuno ng sigaw mula sa anak at halakhak mula sa Ama ang buong silid.
Araw ang lumipas. Kinulong, kinadena ang batang walang muwang. Ang araw naging buwan, ang buwan naging taon hanggang sa nauhaw ito. Nauhaw dahil sa kabaliwan ng Ama.
Hanggang sa tuluyan na siyang nilamon ng kanyang isip. Pinapatay niya ang anak para malaman kung ito ba ay nagtataglay ng walang hanggang buhay. Sa pag-aakalang nabigo siya, tuluyan na siyang nahulog sa kawalan at labis na paghahangad sa kapangyarihan.
“Aking Prinsesa ililigtas kita mula sa kanila. Mabubuhay ka at tayong dalawa ang mamumuno sa mundo,” paulit-ulit nitong sigaw hanggang inisip ng lahat na baliw ito. Nanirahan ito sa pusod ng kagubatan. Naghasik ng lagim at kinilalang itim na mangkukulam. Sinumpa ang sarili, nakulong sa madilim na anino ng pagnanasa at labis na paghahangad.
BINABASA MO ANG
Vampire's Fangs : Lasilian Logan
VampireMagtatagpo ang dalawang bampirang may magka-ibang kinabibilangan . Mapipigilan kaya nila ang tadhana . Lasilian Peridox Vancardin Demitri Logan & Chilany Trival Grazia Arcilla