Ilang araw na ang lumipas. Mabuting tumahimik na ang buhay ko. Walang Lasillian na umaakyat sa bintana ko, kinukulit ako. Hindi na rin ako ginugulo ng kapatid niya. Basta ewan ko talaga sa kanila, may sarili akong problema.
Pero kasi...Hindi ko rin naman maiiwasang isipin siya. Hindi ko naman siya responsibilidad o ano pero pakiramdam ko ay dapat ko siyang, tulungan?
“Nandiyan ba si Tybalt?” Tanong ko sa lalaking nasa bukana ng pinto ng room nila.
“Boss, may chicks na naghahanap sa'yo dito.”
Nakita kong lumingon si Tybalt. Tumakbo siya palapit sa'kin. Binatukan niya ang lalaki pinagtanungan ko. Bakit kaya tinatawag nilang Boss ang lokong ito?
“Hindi ko chicks ang tomboy na 'to.” Nagtawanan ang mga classmate niya dahil sa sinabi. Bahagya akong namula sa inis. Ang lalaking ito talaga.
“Loko ka, anong pinagsasabi mo?”
Napakamot siya sa kanyang ulo.
“Ang arte naman ni madam.” I rolled my eyes at his remark. Sinamaan ko siya ng tingin na siyang kinangisi niya. Itinaas niya pa ang kamay na umaaktong sumusuko siya sa akin.
“Ang seryoso naman ni madam. Smile ka naman diyan.”
Dahil pinagtitinginan na kami ng kaklase niya, nauna akong naglakad paalis. Mahilig talaga sa atensyon ang lalaking ito.
“Ito naman, masyadong excited, hindi naman aalis ang High land sa kinatatayuan nito.” Inirapan ko siya.
Nauna akong pumasok sa kotse niya.
“Bilisan mo nga.” Sinasadya niyang bagalan ang paglalakad, lalo niya akong iniinis.
Nasa kalagitnaan kami ng biyahe papuntang High land nang magising ako sa pagkakatulog. Sinulyapan ko muna si Tybalt bago ibaling ang mata sa labas.
Walang katapusang puno pa rin ang nakikita ko. Minsan nakakasawa pero napagtitiisan naman kaysa wala na akong makita.
“Stop the car.” Wala sa sarili kong pahayag.
Kinagulat iyon ni Tybalt kaya nasubsob ang ulo ko sa dashboard. Masakit.
“Ano ba naman 'yan. Sabi ko itigil mo, hindi itigil mo bigla.”
“Akala ko ba tulog ka diyan. Anong kadramahan naman iyang naiisip mo ?”
“Tatakbo ako okay, nakakabagot dito.”
Binuksan ko ang sasakyan. Ang simoy ng hangin, napakalamig.
“Siguraduhin mong pagdating mo nandun ka na. Ayaw kong maghanap ng nawawalang pangit na bampira.”
Akma ko sana siya hahampasin kaso natulak niya ako palabas. Masama ang tingin ko sa papalayo niyang sasakyan. Masira sana, mabulok ang gulong.
Huminga ako nang malalim nang mawala na ito sa paningin ko.
Pumasok ako sa masukal na gubat. Madalang dumaan ang sasakyan dito kaya walang problemam Inayos ko ang shoelace sa sapatos. Inunat ko ang mga kamay at hinanda ang binti sa pagtakbo.
Inilagay ko ang buong lakas sa binti. Nang umihip ang malakas na hangin sumabay ako sa bilis nito. Hindi ko na nakikita sa mata ang paligid, sa isip ko malinaw ito. Kahit pumikit ako alam ko ang daan papuntang High land. Isa akong bampira, hindi pwedeng hindi ko alam.
Nakaramdam ako ng patak ng ulan. Napatigil ako sandali at pinakiramdaman ang sarap ng tubig. Napangiti ako ng wala sa oras.
Pinagmasdan ko ang buong paligid, walang makakakita sa akin.
Sinimulan ko ang pagsayaw sa ulan. Tinanggap ko ang bawat patak nito sa aking katawan. Umaalon sa hangin ang aking buhok.
Naalala ko bigla ang sinabi ni Tybalt. Tumigil ako sa pagsayaw at tumakbo ulit. Ang mga punong nasa paligid ko ay matatayog na labis kong kinamangha. I really love nature . Sino ba ang hindi? Earth is worth living, ang mga tao lang ang hindi nababagay sa mundong ito.
Hindi ko pinansin ang mga nakikita, nakikita, pinikit ko ang mata. Nakikita ko sa aking balintataw ang gate ng High land. Binagalan ko ang pagtakbo.
Tahimik at payapa ang paligd. Mukhang naunahan ko si Tybalt. Mabuti naman, baka hindi na niya ako ihatad. Madamot pa naman siya sa kotse niya.
“So this is you? A mysterious human vampire is a member of secret organization.”
Napalingon ako sa matigas na boses na nagsalita sa likod ko. Nanlamig ako parang binuhusan ng malamig na tubig.
Hindi ito pwedeng mangyari. Pinikit ko ang mata, dahan-dahang humarap kung saan nanggaling ang boses na iyon.
Kahit inaasahan ko siya sa kanyang kinatatayuan, hindi ko pa rin maiwasang magulat. Sigurado akong ang mukha ko ngayon ay parang nakakita ng multo, mali bampira ang nakikita ko.
“Lasilian?” Nasambit ko sa kawalan. Kinurap-kurap ko ang mata, umaasa na sana pinaglalaruan lang ako ng aking paningin. Pagdilat ko nandiyan pa rin siya. Sumuko na ako, nakipagtitigan sa kanya.
Tinalasan ko ang pakiramdam, baka may kasama pa siya. Naramdaman ko ang agad ang kanyang enerhiya. Nilingon ko ang High land.
“Itago mo ang enerhiya mo.”
Tinulak ko siya paalis. Gulo ang dala niya sa amin.
“Umalis ka dito, hindi ito ang lugar na nararapat sa'yo. This place is dangerous for you.” Pakiusap ko sa kanya , hindi pa rin siya natinag. Ang tigas talaga ng ulo niya.
Nakaramdam ako ng sunod-sunod na enerhiya Mula sa timog at hilaga. Mukhang naramdaman na nila ang enerhiya ni Lasilian.
“I can feel them, so stop that. You look like idiot.”
Sinamaan ko agad siya ng tingin. Ako na nga itong nagaalala, ako pa itong masama sa paningin niya.
“Hindi mo kasi naiintindihan. Umalis ka na, may oras ka pa. Pakiusap.” Pagmamakaawa ko. Hindi niya ako pinakinggan.
“So this is you? Tell me: are you a spy, an agent or assassin?” Napanganga ako sa tanong niya.
“Seryoso ka? May bampira bang agent, spy o assassin?” Hindi makapaniwalang tanong ko.
“Oo? You?” Hindi siguradong sagot niya. Nakapamulsa siya siyang nakaharap sa akin.
Nararamdaman kong malapit na sila.
“Ayaw mo ba talagang umalis?” Huling tanong ko sa kanyam Umiling siya kaya nasapo ko ang aking noo. Ang tigas ng ulo.
“I want to know the things that keeps you moving.”
Umiwas ako ng tingin . Tinanong ko rin ang sarili ko noon tungkol sa bagay na iyan. Why? Bakit hindi pa ako sumusuko sa walang hanggang buhay kong ito? Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sagot. Wala pa rin akong mahanap na sagot. Pagod na ako hindi ba?
Napapikit ako sa kaba.
“Sinasabi ko sa'yo Lasilian, mapanganib ang lugar na ito sa isang katulad mo. Huli na ang lahat, hindi na siya makakatakas.”
Bumukas ang malaking gate ng High land. Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ba hindi siya nakinig sa'kin?
“Anong ibig sabihin nito Chilany? Bakit may pure blood na napadpad dito.”
Madilim na tanong ni Supreme na nakatingin kay Lasilian. Sinsabi ko na nga ba, madadamay ako sa kagagawan niya.
“Chilany! Sagutin mo ako! Are you performing treacherous?” Bumaling ito sa akin.
“No ,” maagap kong sagot.
“Hindi ako isang traidor,” matigas kong pahayag.
“Explain this! Akala mo ba hindi namin narinig ang lahat ng sinabi mo.” Nasapo ko ang noo. I hate Lasilian. Pahamak siya lagi sa buhay ko.
“Qno ang nangyayari? Ano ito Chilany? A pure blood.” Nanunuyang pahayag ng bagong dating.
“Tybalt.” Wala sa sariling sambit ko.
“I'm not harmful, ok! I can explain myself.”Kalmdong pahayag ni Lasilian. Napapikit ako, anong klaseng bampira ba ito? Hindi ba ito natatakot?
BINABASA MO ANG
Vampire's Fangs : Lasilian Logan
VampiriMagtatagpo ang dalawang bampirang may magka-ibang kinabibilangan . Mapipigilan kaya nila ang tadhana . Lasilian Peridox Vancardin Demitri Logan & Chilany Trival Grazia Arcilla