Chapter 6

1.8K 68 1
                                    

Tumakbo siya papunta sa amin. Hinigpitan ko ang paghawak sa rebel. Malikot na itong gumagalaw. Pina-ulanan ni Lasilian ng suntok sa katawan ang rebel. Umikot-ikot ang ulo nito sa ginawa ni Lasilian. Ilang ulit ko pang nakaharap ang ulo ng rebel. Halos masuka na ako.

“Tapusin mo na! Nakakadiri ang ulo ng rebel,” sigaw ko.

Pumikit si Lasilian at pinahaba ang kuko. Tinalasan ko ang pandinig. Binaon niya ang kuko sa dibdib ng rebel, mabilisang hinugot ang puso nito.

Naglaho agad ang rebel ng mahiwalay ang puso nito sa katawan.

Binalingan ko agad siya.

“Ang hina ng heartbeats mo, are you going to be a rebel?” tanong ko.

Nginisihan niya lang ako at nilagpasan.

“How come a human vampire know about this, who really are you?”

Hindi ko siya masagot katulad ng sa hindi niya ako masagot.

“Huwag na nating pagtagpuin ulit ang ating landas. Makakasama ka lang sa akin at makakasama lang din ako sa'yo,” bulong ko. Paniguradong narinig niya iyon kahit malayo siya.

“Don't say that things , don't insult destiny. You may never know.”

Hindi ako nakaimik. Wala na siya ngayon sa paligid. Maraming tanong sa isip ko. Nahihirapan akong bilangin.

Nilisan ko na ang lugar na iyon, bumalik sa aking apartment. Wala siya doon, ano pa ba ang aasahan ko. Inunat ko ang kamay bago tumalon papuntang kama. Nakakapagod ang araw na ito.

“Hi Mr.July.” Bati ko sa kanya nang  pumasok ako sa kotse. Nakita ko pa ang pag-irap ng landlady na nasa labas lang ng gate namin. Mumultuhin ko na talaga siya kahit na bampira ako.

“Kamusta?” tanong niya.

“Sobrang ok,”sagot ko. Pinakita ko sa kanya ang thumbs up na natutuhan ko kay Tybalt. Naalala ko palang hindi pa ako nakakapasyal sa buong lungsod.

Lumiko ang sasakyan kaya nagtaka ako.

“Saan tayo?”  tanong ko.

“May susunduin lang.”

Napa-ahhh na lang ako at hindi pinansin ang dinadaanan namin.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng malaking apartment. Sino naman kaya ang susunduin ni Mr.July ? Inabangan ko ang paglabas ni Mr.July mula sa apartment. Sino kaya ang kasama niya ?

“Tybalt,” sigaw sa loob ng kotse. Si Tybalt pala ang sinundo niya. Bakit ko nga ba siya nakaligtaan. Nagtatawan pa sila ni Mr.July habang papalapit sa kotse.

“Hi Tybalt,” bati ko nang buksan niya ang pinto sa backseat.

“Oy ikaw pala, sakto.” Umusog agad ako para maka-upo siya.

“Magkakilala na pala kayo." Sabay pa kaming tumango para sumagot.

Hindi naging boring ang biyahe namin. Dumaldal din yata si Mr.July at kahit ako ay ganun din. Hindi ko nga ata namalayan ang limang oras na biyahe.

Sinalubong ako ni Fillany pagbaba. Nagpipigil ito ng kilig .Nakakita lang ng gwapo kaya ganun.

Sino pa ba ang tinutukoy ko? Here comes Tybalt Vilua.

“Hi.”

Parang tangang sabi ni Fillany. Hindi ko alam kung para kanino. Sa akin ba o kay Tybalt.

Nilapitan ko siya at sinadyang takpan si Tybalt. Nakita ko ang pagsimangot niya  Sinasabi ko na nga ba, kampisado ko na ang likaw ng bituka ng bruha.

Vampire's Fangs : Lasilian LoganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon