Chapter 8

1.7K 53 0
                                    

Ramdam na ramdam ko ang matatalim na tingin sa akin ni Lasilian. Kanina pa siya, akala niya siguro hindi ko nahahalata. Kanina niya pa ako sinusundan. Hindi ko raw dearest stalker! Sa ginagawa niya parang nasobrahan na niya yata ang pagiging dearest stalker. Phsyco stalker ang mas bagay sa kanya.

Hindi ako nakatiis kaya nilapitan ko siya. Lantaran ba namang pinapakita ang masasamang tingin niya sa akin. Hindi siya natinag ng lumapit ako sa kanya. Nanatili lang ito sa dating pwesto.

“Ano ba ang problema mo?” naiirita kong tanong . Nilabanan niya ang tingin ko . Hindi niya ako sinagot pero ang mata niya ay nagsasabing may problema talaga siya sa akin .

“Ano na ? Tapusin na natin 'to ! " nagbabanta kong sabi . Hindi siya umimik pero ginalaw niya ang kamay niya papunta sa leeg ko . " Death . " Iyon lang ang nasabi niya .

Hindi ako makapaniwala . Iyon lang . " Hindi ba sinabi ko sa'yong , wala akong pakialam mamatay man ako ..."

“Not you , me ! " nagulat ako sa sinabi niya . Bakit ba sobrang desperado siyang mamatay ? Kung tutuusin given na ang pagkabampira niya simula ng ipinanganak siya . Mas madali iyon tanggapin . Hindi katulad naming mga human vampire , hindi madaling tanggapin ang bagong katauhan . Kahit ilang taon na rin ang lumipas , sa tingin ko hindi ko pa rin tanggap ito ng buo .

" Kung tutulungan mo sila , sisiguraduhin kong hindi ka magtatagumpay . " Binangga niya ako at nilagpasan . Napakulit niya talaga ! Parang bata kung umasta .

Hindi niya ako nilingon kaya malaya kong tinitigan ang likod niya . Napakasayang niya kung magiging rebel lang siya .

Lumipas ang ilang araw , hindi na nagpakita ulit ang magkapatid . Si Lasilian at si ewan ko ang pangalan . Mabuti na lang at natahimik ang vampy life ko . Si Tybalt naman busy sa kakalaro ng soccer .

Napagdesisyunan kong sa likod dumaan . Hindi safe sa mga tao pero safe sa akin . Nakarating ako sa apartment ng tahimik at ligtas . Nilapag ko ang bag sa kama at dumiretso sa banyo para mag-shower .

Maingay ang tunog ng tubig kaya sinara ko muna ang senses ko . Patapos na ako ng naalala kong hindi pala ako nakapagdala ng damit . Wala namang problema dahil may tuwalya naman sa dito sa aking banyo .

Mabuti na nga lang may banyo itong kwarto ko . Kwarto daw ito ng anak ng may-ari na pumanaw matagal na . Hindi naman ako natatakot sa multo , baka siya pa ang matakot sa akin .

Pinalibot ko ang tuwalya sa katawan at lumabas . Nakasuot pa ako ng tsinelas . Malamig kasi ngayon .

Laking gulat kong may mga nakaupo sa kama ko . Mga lapastangan , hindi ba sila marunong kumatok
" Sino kayo ? " namumula kong tanong . Ang iba ay nag-iwas pa ng tingin . Napahigpit ang hawak ko sa tuwalya na ano mang oras ay pwede akong traidorin .

" Umalis kayo , " nanginginig kong sabi . " Umalis muna kayo . " Lumitaw ang kapatid ni Lasilian . Siya pala ang nadala ng mga kampon niya sa kuta ko . Sinamaan ko siya ng tingin .

Mabilis na nawala ang mga lalaking bampira sa harap ko . " Hindi ako nagpapa-ticket sa live show , " mariin kong pahayag . " Pasensya na , akala namin wala ka rito . Balak ka sana naming hintayin . " Hindi ko siya pinansin . Pumasok ako muli sa banyo matapos makakuha ng damit .

Nagbihis ako ng panatulog sa banyo at ng matapos lumabas ako . Naabutan ko na ang mga lalaki na umalis kanina . Namula ako dahil sa kahihiyan , ganun din sila . Tumikhim ako kahit hinihiling kong kainin na sana ako ng sahig .

" Ano ang kailangan niyo ? " tanong ko . Nilapitan ako ng kapatid ni Lasilian . " Nandito kami para sa aking kapatid . We need your help . Ikaw lang ang nilalapitan niya . " Napaisip ako , bakit ako tutulong , kahit pangalan nga nila hindi ko alam .

" Alsea Trigency Dematan Logan . " Naglahad ito ng kamay sa harap ko . Hindi na ako nagulat sa sinabi niya . Hindi niya nabasa ang isip ko pero ang kilos ko ang nabasa niya . Matalino siya kung ganun .

" Chilany Trival Arcilla . " Tinanggap ko ang kamay niya matapos magpakilala . Lumapit sa akin ang apat na lalaki at tatlong babae .

Bahagya kong iniwas ang tingin sa mga lalaki . Nahihiya ako sa nangyari kanina . Hindi sila nangahas na ilahad ang kamay sa harap ko . Tama naman ang ginawa nila dahil kung sakali man hindi ko ito tatanggapin .

" Rylion Frontavio . "

" Urivise Lander . "

" Vintryaj Gustavio . "

" Trisylum Gregorian . "

Sumunod ang tatlong babae . Nilahad nila ang kamay nila sa harap ko na siyang tinanggap ko naman .

" Syentia Hovarus . "

" Antelia Gustavio .

" Tarey Yuslavia . "

Hindi ko masyadong natandaan ang mga pangalan nila . " Nandito kami para humingi ng tulong . " Binalingan ko ang babaeng kulot na nasa tabi ng kapatid ni Lasilian .

" Hindi ko alam kung matutulungan ko pa kayo . He confronted me . Mukhang alam niya ang balak niyo . " Simpleng sagot ko . Hindi sila umimik .

" Hindi namin alam kung saan kami maghahanap nang tulong . " Nanghihinayang na sabi ng lalaking pula ang buhok . " As I said , he confronted me . We can't force any being to change . If Lasilian want to change , the he should do it willingly . " Tipid kong sabi . " Hindi mo alam kung gaano siya kahalaga para sa aming mga pure blood . " Parang nainsulto ako sa pagtingin ng babaeng naka-leather jacket . Pinagdidiinan niya sa'kin ang pagiging human vampire ko lang .

" Are you insulting me ? " malamig kong tanong . Nilapitan niya ako at nagkaharap kaming dalawa . Mas lamang siya sa taas ng konti . Hindi ko pinansin ang pagkakaiba namin . Narinig ko pa ang mahinang saway ng mga kasama niya .

" Brave huh ? Want me to cut your body into pieces I can count , " mayabang nitong saad .

" Kill me , go on . Tingnan lang natin kung saan pupulutin ang Lasilian niyo . " Tinaasan niya ako ng kilay .

" Antelia stop being immature . Umayos ka , " saway sa kanya ng lalaking katabi ng babaeng kulot ang buhok .

" Huwag mo akong pakialaman Urivise , " madilim nitong saad at bumaling sa'kin .

" Sinasabi mo bang nakadepende kami sa'yo ? " mariin niyang tanong .

" Bakit hindi ba ? " mariin ko ring tanong . Nakita ko ang pagbago nang kanyang ekspresyon .

Mabilis siya nawala sa harap ko . Naramdaman kong may humawak sa leeg ko . Hindi ito mahigpit dahil ang kamay niya ay pinipilipit din ni Alsea . " Subukan mo lang Antelia . Subukan mo lang ! " nagbabantang sabi ni Alsea ka Antelia

Mabilis niyang binitawan ang leeg ko . " Papatayin kita . " Nilayo nila ito sa akin .

" Hindi ako takot mamatay , " simpleng sabi ko . Nagulat ang iba sa tinuran ko . Ano ba ang mali sa prinisipyo ko ?

Ang isang nilalang ay nakatakdang mamatay sa simula pa lang . Given na iyon , isang katotohanan . Ang tanging katotohanan sa mundo . Bampira man ako pero naniniwala pa rin ako sa sagradong bagay na nasa mundo . This kind of life give me chance to change . To make all the wrongs I made right .

Bumalik sila ng kalmado na si Antelia . Masama pa rin ang tingin niya sa akin . " Chilany sorry for her insolent act . " Tinanguan ko lang ang sinabi niya .

" Let's talk about Lasilian . Are you willing to help us ? "

Tatanggapin ko ba ?

A\N Antelia ang tamang pagbasa po ay Anteliya not Antelya .

Vampire's Fangs : Lasilian LoganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon