Chapter 19

1.3K 41 0
                                    

Nakikinig ang lahat sa klase habang pasulyap-sulyap ako kay Lasilian. I couldn't  withstand the fact that whatever happened, I still want him. Umaasa pa rin ako sa kanya. Hindi ko lang alam kung saan ako umaasa. Siguro umaasa ako balang araw makikilala ko na ang totoong siya.

Natapos ang klase ko ng hindi nagtatagpo ang mata namin ni Lasilian . Namataan ko si Tybalt at Lasilian na nag-uusap sa labas . Mabuti na lang at pinapansin pa rin ni Lasilian ang mga kakilala sa high land . Apat na araw na lang ang itatagal ko rito kaya dapat sulitin ko .

Hinintay ko munang matapos silang mag-usap . Ayaw ko namang umalis siya dahil lang sa akin . Hindi naman ata tama iyon .

" Tara na , " pag-anyaya ni Tybalt ng umalis na si Lasilian . Nagpahila ako sa kanya .

" Saan mo gustong mamasyal ? "
Nagkunwari akong parang nag-iisip . Saan nga ba ?

Tinawanan niya ako at ginulo ang aking buhok . " Ikaw talaga , akala ko seryoso ka na e . " Napatawa rin ako sa sinabi niya . Inakbayan niya pa ako kaya lalong lumakas ang tawanan namin .

Napatigil na lang ako ng may nararamdaman akong kakaibang presensya . Inilibot ko ang tingin sa paligid , bigla na lang ito nawala . Hindi ko na pinansin iyon .

" Wow , ang ganda ng dagat Tybalt , " manghang pahayag ko habang nakatingin sa harap ng dagat . Inaalon ang aking buhok ng hangin . Ang araw na unti-unting nilalamon at ang pag-aagaw ng dalandan at itim sa himpapawid ay nagbigay kulay sa kalangitan . " Amazing right , " turan ni Tybalt . Napatango ako ng wala sa sarili .

May nakita akong mga tao na naghahabulan sa dalampasigan . Ang saya nilang tingnan . Inilipat ko ang tingin kay Tybalt . Nanghihingi nang permiso kung maari ba niya akong samahan pababa .

Gusto kong maramdaman kung paan madampian ang paa ko ng tubig dagat . Nang pumayag siya hinila ko agad siya pababa . Malapad ang ngiti ko ng lumapat ang paa ko sa buhangin . Parang bata akong nahanap ang magulang matapos ang matagal na pagkawala .

" Tybalt ! Tingnan mo itong nahanap ko ! " malakas na sigaw ko .

Tumakbo agad papunta sa akin si Tybalt . Pinakita ko sa kanya ang kulay dilaw na shell na nakita ko . " Akala ko kung ano na . Kinabahan ako sa tawag mo . " Bahagya akong napatawa sa giit  niya . Iba talaga siya .

Hindi kami nagtagal sa dalampasigan . Nainip si Tybalt sa akin kaya pinayagan ko na lang ang kahilingan niyang umuwi kami .

" Magkita na lang tayo bukas , " pamamaalam niya sa akin . Tumango ako at pumasok na Sa tinutuluyang apartment . Natapos na sa wakas ang mahabang araw ko . Apat na araw na lang at matatapos na ang pagbibilang ko .

" Chilany ! " Hinarap ko agad ang tumawag sa akin ng malakas . Si Tybalt lang pala . Humihingal siyang tumigil sa harap ko . " Anong problema mo ? " natatawang tanong ko . " Si Lasilian at ang Astrid . " Natigil ang ang pagtawa ko sa dahil sa sinabi siya . Kinabahan ako ng husto .

Hindi ko matigil ang malakas na kabog ng puso ko habang tumatakbo kaming dalawa ni Tybalt papuntang sasakyan . Isa lang ang nasa isip ko ngayon , panganib . Panganib ang dala ni Lasilian sa amin . Lalo na't nadawit na sa pangalan ang Astrid .

Pumasok ako sa sasakyan . Pinaandar ni Tybalt ang sasakyan . Nang makita kong malayo na sa kabihasnan ang aming sasakyan , pinatigil ko ito .
Hindi ko kaya ang kabagalan ng aming sasakyan . Sumimangot ang mukha ni Tybalt dahil sa ginawa ko . Iniisip niya sigurong iiwan ko na naman siya . Kailangan kong tumakbo . I need this run ,  as if this is the last run of my life . Huminga ako ng malalim at kumuha ng magandang pagkakataon .

Sinugod ko agad ang hangin ng makakuha ng tyempo . Inilagay ko ang buong enerhiya sa mga binti . Lalo akong bumilis dahil sa ginawa ko .

Tahimik ang high land ng marating ko ito pero ang puso ko ay hindi matahimik . Kailangan kong makasiguro na ligtas lang sila . Tinalasan ko ang aking pakiramdam . Sunod-sunod na enerhiya ang pumasok sa portal of sense ko . Malalakas at nagsusumigaw ng kapangyarihan na labis kong ikinabahala .

Sinasabi ko na nga ba ! Lasilian is not an ally type . He loves pretending an ally  .

Binuksan ko ang pinto ng council room ng makitang walang bampira sa sala . Abot ang kaba ko ng masilayan ang apat na malalaking pure bloods na nakatayo sa harap ng mga council . Kinabahan ako lalo na't madidilim ang mga mukha nila .

" Thank you for treating my son as an ally , " malamig na pahayag ng lalaking nasa gitna . Hindi ko alam kung galit ba 'to o natural lang sa kanya ang malamig na tono . Hindi ko inaasahang kalmado ang buong council .

" Sa respeto at kabayaran sa mabuting pagtanggap niyo sa prinsipe ng Vancardin ... Ipinapangako namin ang seguridad ng bawat kasapi ng inyong organisasyon sa kahilingan ng aming prinsipe . Sa kondisyon bago niya tinanggap ang posisyon bilang susunod na mamumuno sa kaharian ng bampira , pinapahintulutan ang mabuting ugnayan ng mga human vampires at pure blood . Ang pagtratraidor ay hindi kasama sa utang na loob . Ang sino man ang mapatunayang nakagawa ng pagkakasala ay paparusahan ayon sa itinakdang kasunduan . "

Napaawang ang labi ko sa sinabi ng tagapagsalita . Si Lasilian ? Kaya niya itong gawin . Hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan niya , tinanggap ang pamumuno at ang kondisyon ay mapanatili ang seguridad naming mga human vampires . Hindi ako makapaniwala .

" Kinalulugod naming tinatanggap ang bawat kasunduan na maari niyong ipatong sa amin . Sa respeto bilang nakakataas sa amin , magiliw kong pinahihintulutan ang tahimik na ugnayan ng human vampires at pure blood . "

Nagpalakpakan ang lahat ng nasa loob ng council . Sa wakas ay nakarating na rin si Tybalt . Tumabi siya sa akin at binulong ang pagkagulat sa mga narinig .
Hindi ko maiwasang titigan ang mga mukha ng mga pure blood na nasa harap ko . Nagsusumigaw sila sa kapangyarihan . Matipuno at
malakas ang dating nila kahit kitang may edad .

Pumasok si Fillany dala ang kopita na may lamang dugo na amoy hayop . Nagkatinginan kami ni Tybalt .

Tumayo si Supreme at lumapit sa pinuno ng mga pure blood . Itinaas into ang kopita at inilahad sa pure blood ang inumin . Kinuha ito ng pure blood at nilagok . Ang pure blood naman ang naglahad ng inumin at nilagok ito ni Supreme .

Nakipagkamay kaming lahat sa mga pure blood . I think this agreement is sealed .

Vampire's Fangs : Lasilian LoganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon