Nasa loob kami ng van. Ako, si Fillany, Mr.Gray, Mrs.Miranda, Ms. Morie. Maghahanap kami ngayon ng rebel. Ayon sa sources namin may umaatakeng rebel ngayon malapit sa border. Madilim at matalahib ang lugar na iyon. Hindi na nakakagulat na merong rebel doon. Sa dilim sila naninirahan, natural lang ang balita sa amin.
Mabuti na lang at hindi sumasama si Supreme sa mga outside mission . Sigurado akong hindi makakakilos ng maayos si Fillany. Hanggang ngayon natatawa pa rin ako sa mga dahilan niya kung bakit niya ginawa iyon sa Supreme. Walang duda, loka nga ito.
Mabilis kaming nakarating sa lugar. Sinalubong kami ng lalaking may takip na itim na tela sa mukha.
“Umaatake pa ang rebel,” aniya sa matigas na salita.
Tumakbo kaming dalawa ni Fillany. Misyon namin ito. Pagpasok namin sa dilim, nagsepia color ang aming mata. Ito ang unang beses na lalaban si Fillany sa totoong rebels. Sana ay hindi siya mapahamak.
Pinakiramdaman ko ang paligid. Sa nakikita ko, walang kakaiba, pero sa pakiramdam meron talaga. Maliit lamang ang presensiya nito kaya mas malaki ang posibilidad na malapit lang ito.
“Sa likod mo,”sigaw ni Fillany. Napaharap ako sa likod ko at sa wakas ay nakita na ang rebel.
Medyo napaatras ako sa nakita ko. Isang babaeng rebel, nakalabas ang pangil. Wala na siyang buhok sa ulo at napapalibutan ng dugo ang kanyang mukha. Napakasaklap ng kanyang anyo lalo na't may isang tibok pa ako ng puso na naririnig. Ang rebel na ito ay buntis. Hindi pa tuluyang nagiging rebel ang sanggol sa sinapupunan niya. Naaawa man ako sa kanya dahil sa sinapit niya, wala akong magagawa. Isang siyang rebel at isang mapaminsala.
I positioned myself, Fillany stood at my back, ready to fight . Umikot ng isang beses ang kanyang ulo at nang bumaling ito sa akin ...may hatid na kilabot ang ngiti nito. Humaba ang kanyang pangil at kuko.
Nawala ito at biglang lumitaw sa harap ko. Tinapunan niya ako ng isang atake. Pilit niyang inabot ang aking pisngi gamit ang matatalim niyang kuko. Nakayuko ako kaya hindi niya ako nasugatan. Kumilos na rin si Fillany. Nasa likod siya ng rebel.
Nagulat ako ng may lumabas mula sa tiyan niya. Isang sanggol na rebel. Ang bilis niyang nawalan ng pintig ng puso.
Naglalakad ito papunta kay Fillany. Tinuon ko ang atensyon sa babaeng rebel na nasa harap ko.
Pinahaba ko ang kuko. Sinugod niya ako, kalmado ko itong iniwasan. Sinipa ko siya kaya natumba. Tapos na si Fillany sa kanyang laban. Mabuti, ang kailangan ko lang gawin ay buhay siyang makuha.
Nang nakita niya ang patay na sanggol bigla itong nagwala. Hindi ko siya mapigilan, malapitan.Lumaki ng husto ang mata.
“Huwag mong lalapitan Fillany!” s
Hindi siya nakinig. Nilapitan niya pa rin ang rebel. Napabuga ako ng hangin. Ang tigas naman talaga ng ulo niya.Tumakbo ako papalapit sa pasaway na si Fillany. Sinubukan niyang igapos ang rebel pero naiwaksi siya nito gamit ang kamay. Wala na akong magagawa.
Tumalon ako mula sa isang mataas na bagay. Bumagsam ako sa balikat ng rebel.
“Kunin mo ang puso!”
“Kailangan natin siya ng buhay.”
“Mapaminsala siya!”
Kung sana ay nakinig na lang siya sa akin.
Nakumbinsi ko siya, mabuti naiintindihan niya ang sinabi ko. Sinugod niya ang babae at pinahaba ang kuko. Diniinan ko ang paghawak sa kanyang leeg at binali ang buto nito. Hindi siya natinag. Hinugot ni Fillany ng buong lakas ang kanyang puso kaya tumalon ako pababa sa rebel.
Nawala agad ito. Lumabas kami na may dugo sa damit.
“Napatay namin siya. Magpapaliwanag kami sa harap ng Sumpreme.” Tumango sila, hindi na kami pinagalitan. Alam na alam naming ito ang mangyayari, mapipilitan talaga kaming patayin sila kung makakapaminsala sila. Parang better luck next time.
Dumiretso agad kami sa kwarto. Naligo bago pumunta sa opisina ng Zupreme. Kita ko kay Fillany ang takot .
“May dahilan tayo kaya kumalma ka.” Tinanguan niya ako pero hindi pa rin nawawala ang takot niya.
Kumatok ako ng ilang beses bago makarinig ng pahintulot. Naabutan namin siyang may binabasang libro. May kopita sa kanyang gilid na sigurado akong naglalaman ng dugo. Ipinilig ko ang ulo at pinigalan ang pagka-uhaw sa dugo.
Umupo kami sa harap ng Supreme. Binaba niya ang librong binabasa, umangat ang tingin niya sa amin. Nakita ko pa ang panandaliang pagsulyap niya kay Fillany.
“Nabalitaan kong napatay niyo ang rebel.”
Sabay kaming tumango ni Fillany.
“Ngayon lang kami nakakakita ng buntis na rebel. Hindi nasabi sa amin na may kakayahan pa lang kumilos ang sanggol ng isang rebel. Alam mo na kapag ang isang rebel ay nasarado na ang isip, wala ka ng magagawa kung hindi ang tapusin sila. Konektado ang isip ng rebel sa kanyang sanggol . Kaya nang makita niya ang kanyang sanggol na walang buhay, nasira na ang isip nito.” Pagpapaliwanag ko.
“Hindi namin hawak ang pangyayari kaya-”
“Tama lang ang ginawa niyo.” Bumaling siya kay Fillany.
“Tama kayong hindi niyo hawak ang pangyayari pero ito ay isang misyon. Umaasa kami sa buong kakayahan niyo.” Umiwas agad ng tingin si Fillany. Siguradong mas lalo siyang kinakabahan.
“Pag-aaralan namin ang sinabi niyo. Magpapadala kami ng research team sa lugar at aalamin ang mga impormasyon sa rebel.”
“Maari ka ng lumabas Chilany. Ikaw manatili ka! May pag-uusapan tayo.” Tinuro niya si Fillany. Kita ko ang pagbagsak ng balikat nito.
“Goodluck friend.” I mouthed.
Umiwas siya ng tingin sa akin. Ano naman kaya ang pag-uusapan ng dalawa?
Pumasok ako sa kwarto at nahiga sa kama . Naisip ko ang buhay na naiwan sa apartment.
Hindi ko alam kung kaya kong tulungan si Alsea. Hindi madaling hawakan si Lasilian kaya mahirap siya kumbinsihin. Hindi siya ang tipo ng bampira na mababasa mo. Hindi Naaawa rin ako sa kanya.
Pumasok si Fillany, tulala ito. Parang robot siyang umupo sa tabi ko.
“Ano ang nangyari?” Namula siya agad.
“Wala!” Depensa niya. Tumango ako at hindi siya pinansin.
“Si Tybalt, kamusta siya?” Tanong niya, malayo ang tingin
“Maayos naman.”Mukhang malalim ang kanyang iniisip dahil hindi niya ako narinig. Mukhang hindi maganda ang nangyari sa opisina nang iniwan ko sila.
Ano kaya ang pinag-usapan nila ng Sure. Bakit nagkakaganito ito? Bigla siyang tumayo at pumunta sa banyo.
Binalewala ko ang kilos niya, humiga ako ulit. Pumasok na naman sa isip ko si Lasilian.
“Naku naman! Peste talaga ang lalaking 'yon sa buhay ko!” Naiinis kong pahayag.
“Sinong lalaki ang peste sa buhay mo?” Naguguluhang tanong ni Fillany. Namula agad ako.
“Wala naman.”
“Si Tybalt ba ang tinutukoy mo? Kung gusto mo siya huwag mong pigilan.” Napanganga ako sa sinabi niyam Akala ko ba may gusto siya kay Tybalt. Bakit ngayon pinamimigay na niya sa akin iyon? Bakit naisip niya na may gusto ako kay Tybalt? At saka malayo sa pagiging peste si Tybalt, masyadong mabait para maging peste.
Umiling ako sa kanya. "
“Nagkakamali ka Fillany. Wala akong gusto kay-”
She cutted me.
“Hindi ako magagalit kaya huwag mong pigilan.” Napataas ang kilay ko sa sinabi niy .
“What the? Anong nakain nito?” bulong ko sa sarili .
BINABASA MO ANG
Vampire's Fangs : Lasilian Logan
VampireMagtatagpo ang dalawang bampirang may magka-ibang kinabibilangan . Mapipigilan kaya nila ang tadhana . Lasilian Peridox Vancardin Demitri Logan & Chilany Trival Grazia Arcilla