Lito. Ito ang nararmdaman ko ngayon. Ang daming wierdong bagay ang nangyayari.
Matapos sumigaw ni Shani kanina ay bumalik na kami sa upuan agad dahil biglang dumating ang last teacher namin for today. Hindi na namin nakausap pa si Shani dahil agad na kaming pumunta sa comlab. Malayo ako kay Shani dahil hindi ko sya kagrupo this subject. Si Ruvilyn naman ay malapit lang saakin. May isang upuan lang ang pagitan namin at ang nakaupo doon ay ang isa ko pang kagrupo na si Danika. Nagkatinginan pa muna kami ni Ruvy bago buksan ang mga PC namin.
Sa totoo lang hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko dahil naglalakbay sa ibang lugar ang utak ko at kapag ganito mas mabuti pang hindi ako gumawa dahil pangit ang kalalabasan nito.
Tinigil ko ang ginagawa ko. Napatitig ako sa pc.
Ang wierd lang talaga na narinig ni Shani ang ganung kalayong paguusap, partida bulong pa yun. Pano ngyari yun? Paanong---
Bigla akong napatulala sa ginagawa ng katabi ko sa pc nya. Kulay gold kase ang kulay ng ginagawa nyang background for our activity. At may naalala ako sa kulay na yan.
"Gold feather" mahinang bulong ko. Sakto lang para ako lang ang makarinig.
Bigla akong nanlamig. Halos tumaas ang mga balahibo ko.
Kung karamihan sa mga nakaramdam ng wierd feeling ay mga taong humawak ng feathers, bakit ako na humawak din ay walang naramdaman? Dahil kaya yun sa kulay nito?
Bakit wala akong naramdaman? Ibig sabihin ba nito hindi ang feather ang may gawa ng mga nangyayari ngayon?
Bigla akong tumayo sa upuan ko at lumapit kau Ruvy.
"Ruvy, magusap tayo" napatingin sya saakin. Tinignan ko ang ginagawa nyang activity namin at nakita kong hindi ito maayos. Siguradong hindi rin ito makapagconcentrate.
Nagpaalam kami sa teacher na magccr lang. Papalabas na sana kami nang bigla nanamang nagsalita si Shani mula sa upuan nya sa bandang dulo.
"Sandali! Sama ako. Naiihi narin ako eh" Shani.
For the second time nagkatinginan nanamankami ni Ruvy. Paano nya nalaman na magccr nga kami? Tch... Meron talagang nangyayari dito na kailangan kong makumpirma eh.
Pinayagan kami ng teacher na lumabas kahit tatlo kami.
Naglalakad na kami papunta sa cr. Tahimik lang kami, walang kumikibo hanggang sa nagsalita si Shani.
"Wag tayo sa CR. Baka may makarinig sa paguusapan natin"
"Akala ko ba iihi ka Shani?" Ruvy. Akala ko nga rin eh.
"Diba maguusap kayo ni Miesha? Kaya sasama na ako dahil kailangan kong maliwanagan din tulad nyo" Sa puntong yun kinilabutan na talaga ako kay Shani. Kase naman, paano nanaman nya nalaman na maguusap lang kami? Kaming dalawa na nga lang ni Ruvy halos ang nakarinig nang sinabi kong magusap kami. Napahinto ako sa paglakad kaya napalingon sila saakin.
"Bakit Miesha?" Shani
Satingin ko parehas kami ng iniisip ni Ruvy dahil napatingin kaming dalawa sakanya. Napapagitnaan nin sya ni Ruvy kaya nagsalit salitan ang tingin nya sa aming dalawa.
"Guys? Ano problema nyo?" Inosenteng tanong ni Shani. Duh hindi ba sya aware sa pinagagagawa nya kanina?
"Paano mo nagawa yun?" Panimula ko.
"Paano nalalaman ang mga pinaguusapan namin ni miesha?" Dinugtungan agad ako ni Ruvy.
Napatigil si Shani ngunit agad na nagsalita.
"Wag tayo dito magusap" cold na sabi nya. WTF?! Tch... napapadalas na talaga mura ko ngayon... hays...
Pumuta kami sa bakanteng classroom. Wala ng gumagamit ng classroom na ito dahil bukod sa marumi at bakubakong sahig ay ginawa itong tambakan ng mga sirang upuan. Pumunta kami sa may sulok kung saan kahit silipin kai hindi kami makikita dahil may mga upuang nakaharang.
May nakita kaming dyaryo sa gilid kaya kinuha namin yun at inilatag para dun umupo. Nag indian seat kaming tatlo. Magkakaharap kami.
Tahimik muna kaming tatlo. Lumipas ang mga dalawang minuto na tila pagiisip ni Shani ay nagsalita sya.
"Si Mam Labyu" panimula ni Shani. Naghintay lang kami ng susunod nyang sasabihin.
"Yung kinuwento ni Mam labyu kanina. Yung sinabi nya na maymga taong nakaranas ng ibat ibang pananakit ng katawan ay naranasan ko. Pagkagising ko kaninang umaga ay sobrang sakit ng tenga ko. Halos mabingi ako. Kaparehas ito ng kinukwento ni Mam kanina. Halu-halo ang mga naririnig ko. Pagpatak ng tubig,ang paggalaw ng orasan, at kahit ang mga hilik ni mama at papa sa kabilang kwarto naririnig ko. Naririnig ko rin maski ang paggalaw ng mga insekto sa labas. Naghalu-halo yun lahat sa pandinig ko. Gusto kong sumigaw pero nanghihina na ako. Hanggang sa magimstay ako. Nung mag alarm ang alarm clock ko ay nagising ulit ako na hindi na ulit nararamdaman yun pero simula ng maginsing ako kanina... Naririnig ko na ang mga bagay bagay sa paligid ko. Pero hindi na sya masakit dahil parang mas controlado ko na. Kanina nung magusap kayo ni Ruvy tungkol dun sa may ipis ay hindi ko naman talaga sinasadyang marinig. Nakatingin lang ako sa inyo nun kanina tapos nakita ko kaseng palinga linga ri ruvy bago may ibulong sayo, inisip ko na ano kaya yung sasabihin mo at kailangan mo pang bumulong?, tapos nun inisip ko rin na sana naririnig ko ang mga pinaguusapan nyo hanggang sa narinig ko nga ang lahat. Maski ako nagulat dun pero mas nagulat ako sa kinuwento mo Ruvy." This time kay Ruvy naman ako napatingin. Tama sya, kung wierd ang kwento ni Shani mas wierd naman ang kwento ni Ruvy na naging yelo daw ang ipis. Paano nangyari yun? Paano magiging yelo yun? Paano?
"Hindi ko rin alam. Kaparehas lang talaga ng nangyari sayo Shani. Ganun din ang naramdaman ko pagkagising pero hindi naman tenga ang masakit saakin kundi pakiramdam ko nagyeyelo ang buo kong katawan." Maginahon na sabi ni Ruvy.
Pinagtagpi tagpi ko ang mga sinabi nila. Si Shani, kaya nyang marinig ang ano mang bagay kahit nasa malayo ka at bulong pa, si Ruvy nalang ang kailangan ko ng confirmation para malaman ko kung ano ang kaya nyang gawin. Tama kayo, iniisip ko na may mga magic sila. Sh*t! Is this bad or good?
Kinuha ko ang ballpen sa bulsa ko.
"Ruvy, pwede bang hawakan mo itong ballpen?" Una nagtaka silang dalawa sa pinapagawa ko kay ruvy pero sumunod din naman sya.
"Ano ng gagawin ko" tanong nya.
"Pwede bang isipin mo ulit kung ano yung inisip mo nung nakakita ka ng ipis sa cr nyo?" Lalong nagtaka ang mga itsura nila. Si Shani naman parang biglang nalinawan sa kung ano ang gusto kong mangyari. Tama ka Shani, gusto kong gawin ulit niRuvy Yun.
Pumikit si Ruvy. Napapakunot ang noo nya minsan. Lumipas ang limang minuto ay walang nangyari sa ballpen.
Dumilat na si Ruvy.
"Oh tapos? Ano nang gagawin ko?" Tanong ni Ruvy. Nagkatinginan kami ni Shani at napailing nalang sya. Bakit ganun?
Hawak hawak nya parin yung ballpen nang magsalita sya.
"Ano ba kaseng iniisip nyo?" Litong tanong nya.
Napabuntong hininga nang ako. Tch. Akala ko panaman tama na ang iniisip ko. Hays...
Tahimik lang kaming tatlo na tila parehas may iniisip haggag sa biglang naghulugan yung tatlong upuang magkakapatong. Napatili sa gulat si Ruvy samantalang napatayo kaming parehas ni Shani. Tinignan namin kung ano ang nagyari at nakakita kami ng tumalong pusa. Tch pusa lang pala. Uupo na sana kami ulit ni Shani nang pare parehas kaming matigilan.
Hawak hawak parin ni Ruvy ang ballpen at nakatitig sya dito. Tila gulat na gulat tulad namin.
Ngunit hindi sa ballpen kami nagulat kundi dahil sa nagyeyelo na ang ballpen ko.
YOU ARE READING
X-Magic~ Not Your Typical Fairytale Story
FantasyBago pa ipanganak ang ating mundo,meron ng nauna pang planeta dito. At ang planetang ito ay iba sa planeta natin ngayon. Lahat ng tao ay may mahika o kapangyarihan noon. Ngunit sila ay namatay... At ngayon ay mabubuhay sa ating mundo para muling mam...