XMagic-11
Hindi ko na alam kung saan ako pupunta.
Limang oras na ang nakakalipas simula nang umalis kaming lahat papunta sa Manila.
Inaasahan na namin na marami ang makakalaban namin pero di namin inaasahan na sobrang dami. Sabi ni lolo oras oras ay daang daang nilalang ang nadadagdagan at ang mga nakaharap nain kanina ay nasa mga limang daan!
Wala kaming nagawa kundi ang tumakbo at magtago dahil hindi namin sila kaya. Nagkahiwa hiwalay kami dahil merong halimaw ang gumagamit ng apoy. Nagamit din ni Moon ang kapangyarihan ny at tama ako. Kaya nyang kumontrol ng mga bakal pero dahil wala pa sya masyadong alam ay wala din syang nagawa kundi ang tumakbo at magtago.
Kanina niligtas ako ni Moon sa posteng babagsak sana sa akin. Dun nya nagamit ang kapangyarihan nya. Ginamit nya ang mga bakal sa paligid at gumawa ng shield sa akin pero simula nun, hindi nya na nagamit ulit ang kapangyarihan nya.
Nagtatago ako ngayon sa isa sa mga school dito sa Quezon. Wala na akong earpiece dahil nahulog yun kanina habang nagtatago ako.
Nasa isa akong room. Walang ibang makikita kundi mga magugulong upuan at blackboard.
Nasa ilalim ako ng desk ng teacher. Natatakot na ako. Wala akong magic. Kutsilyo lang ang meron ako pero anong laban ng kutsilyo ko sa mga halimaw na may kapangyarihan?
Sa tuwing makakarinig ako ng yabag ay halos hindi ako huminga wag lang mahuli ng mga halimaw. Nanginginig ang tuhod ko at siguradong namumutla narin ako.
Kung anu ano na ang pumapasok sa utak ko tulad ng dito na ako mamamatay.
Pero hindi pwede. Hindi pwedeng dito magtapos ang lahat sa akin.
Kailangan kong magpakatatag.
Pero paano ako makakaalis dito nang walang nakakakita sa akin?
Isa nalang ang pagasa ko.
Yun ay ang magic na meron ako.
Alam kong meron ako dahil sigurado akong sumalo ang ng feathers at gold pa nga iyon eh.
Pero wala akong naramdaman nung umagang yun.
Kailangan kong alalahaning mabuti ang naramdaman o mga kakaibang nangyari sa akin ng umagang yun.
Nung umagang yun, marami ang nakaramdam ng pananakit at mga nakaramdam ng mga kakaibang bagay.
Sa akin ba? Ano?
Natulog ako at gumising na wala namang naramdaman na kahit ano nung araw na yun.
Wait...
Meron akong kakaibang na panaginipan. Di ko lang maalala kung ano yun. Ughh!!! Ginulo ko ang buhok ko.
Kailangan kong maalala yun.
Natigil ako sa pagiisip nang may narinig akong pumasok. Sinarado ko ang pintuan kanina kaya malalaman ko kung may pumasok o wala.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong tumakbo ng ilang kilometro.
Dub dub dub dub dub dub dub dub
Pigil ko ang hininga ko.
Nagulat ako ng biglang tumalsik ang desk na pinagtataguan ko kaya napatayo ako at bumungad sa akin ang isang halimaw. Nakakatakot ang itsura nya. Bigla syang sumigaw ng sobrang laks at halos maghiwalay na ang panga nya sa mukha sa sobrang buka ng bibig nya. Nakakatakot. Dahil sa sigaw nya ay maraming halimaw pa ang pumunta sa kinaroeoonan ko.
Ito na ba ang katapusan ko?
Dito na ba ako mamamatay?
Hindi ako makagalaw sa kinatatyuan ko. Para saan pa? Saan naman kase ako tatakbo? Tatalon sa bintana? Wala na akong takas.
YOU ARE READING
X-Magic~ Not Your Typical Fairytale Story
FantasyBago pa ipanganak ang ating mundo,meron ng nauna pang planeta dito. At ang planetang ito ay iba sa planeta natin ngayon. Lahat ng tao ay may mahika o kapangyarihan noon. Ngunit sila ay namatay... At ngayon ay mabubuhay sa ating mundo para muling mam...