Maraming nangyari ngayong araw. Maraming nangyaring hindi inaasahan.
Pagkamatay ng mga schoolmates ko...
Pagtuklas sa mga magic nina Shani at Ruvy...
Black feathers...
At higit sa lahat ay ang sunod sunod na pagkamatay ng mga tao sa ibat ibang panig ng mundo na parehas sa pagkamatay ng mga schoolmates ko.
Kanina habang nasa daan pauwi, marami akong nadaanang mga ambulansya at police. Mga nagkukumpulang tao at higit sa lahat ang mga malalamig na bangkay ng ibat ibang tao.
Hindi ako makatulog.
1:42 am
Madaling araw na pero kahit anong gawin kong pagikot ikot dito sa kama ko di parin ako mkatulog.
Hanggang sa naisipan ko munang magtingin tingin sa bintana.
Dahan dahan akong tunayo at binuksan ng kaunti ang bintana.
Puro stars, maliwanag na buwan at mga puno. Wala ng tao dahil malamang mahimbing nasilang natutulog sa oras na ito.
Nakakarelax tignan ang paligid. Pumikit ako at dinama ang hangin na dumadampi sa pisngi ko.
Malamig.... hmmm...
Unti unti na akong dinadalaw ng antok ko kaya napagdesisyunan ko ng isarado at matulog nang may kakaiba akong nakita.
At kinilabutan ako sa nakita ko.
.
.
.
.Hindi ito maari! Inaantok lang ako!
Nagkusot ako ng mata ko at nawala na ang kaninang nakita ko.
Imposible...
Imposible namang mangyaring may nilalang na bumangon mula sa hukay!
Nakita mismo yun ng dalawang mata ko!
Nang imulat ko ang mga mata ko kanina,may nakita akong bagay ng maliit na tumagos sa lupa tapos maya maya merong biglang umahon dito! At hindi isang bagay lang ang umahon diti, para itong tao?
Agad kong isinara ang bintana at nagmadaling bumalik sa higaan. Halos mataranta ako sa pagsarado nito at dahil dun hindi ko na ito nailock.
Pumunta ako sa kama ko sa tabi ni lawrrence at dun humiga. Pinilit kong kalimutan ang nakita ko at natulog na muna.
6:46 am
Wala kaming pasok dahil magiimbistiga na muna ang mga pulis at dahil narin sa mga nagaalalang magulang na ayaw munang papasukin ang mga anak nila.
Ako at si Lawrrence nalang ang nasa higaan. Tulog pa sya.
Tumingin ako sa side kung nasaan ang bintana at naalala ang nakita kanina lang.
Hanggang ngayon kinikilabutan parin ako. Hindi ako bumaba hanggang sa hindi pa nagigising ang kapatid ko.
Habang naghihintay, kinuha ko muna ang phone ko at nagtxt kay Ruvy.
Hey! Nabalitaan mo ba?
Message sent!
Pagtukoy ko sa mga sunod sunod na namatay.
After 3 minutes ay nagreply sya. Wow himala! Lagi kase late kung magising ito kaya akala ko mga 8:00 pa sya magrereply hahaha.
Nakakatakot na. Anong gagawin natin? Paano ako? Paano kapag nalaman ni mama yung tungkol sa yelo.. alam muna
Tama sya. Pero wala naman kaming magagawa dahil mga bata pa naman kami. Hello! Were just 16 years old, what do you expect?
Atsaka maliban sa mga namamatay, wala pa namang ibang nangyayari maliban sa nakita ko kagabi. Geez, sa tuwing naaalala ko iyon, hindi ko maiwasang mapatingin sa kaliwa't kanan ko. The heck!

YOU ARE READING
X-Magic~ Not Your Typical Fairytale Story
FantasiaBago pa ipanganak ang ating mundo,meron ng nauna pang planeta dito. At ang planetang ito ay iba sa planeta natin ngayon. Lahat ng tao ay may mahika o kapangyarihan noon. Ngunit sila ay namatay... At ngayon ay mabubuhay sa ating mundo para muling mam...