"Dumating na ang oras... matatapos na ang mundo... buhay na sila... at dahil yun sa inyo..."
Sinabi ng matanda at tuluyang lumapit sa akin.
"Pero wag kang magalala ija, tutulungan kita. Tutulungan ko kayo" sabi nya at ngumiti sa akin.
Sa matandang istsura nya, napaka amo naman ng mukha nya. Puro puti na ang buhok nya at may hawak na tungkod bilang suporta sa katawan nya.
Lumapit sya sa akin at nagsalita.
"Ano ba g maitutulong ko sayo ija?" Mahinahong tanong nito.
"Tulungan nyo po ang taty at kuya ko. Please parang awa nyo na po... merong- m-merong halimaw sa bahay namin." Nangangatalna pakiusap ko.
" kung ganon, tara na"
Mabilis kaming naglakad habang inaalayan ko sya.
Nang marating kami sa kalsada, nakita ko ang nanay ko na umiiyak na malapit sa bahay namin.
Tinawag ko sya.
"Me!" Agad itong lumingon sa akin at tumingin sa matandang katabi ko.
"Susmiyo! Asan ka ba nagpunta? Sino yang kasama mo?" Dahan dahan syang tumayo mula sa pagkakaluhod kanina.
"Me, tutulungan nya daw tayo" sabi ko. Agad nangunot ang noo nya. Alam kong iniisip nyang hindi rin kami kayang tulungan nito pero walang kaming magagawa kundi ang umasa sa matandang ito.
"Ano namang maitutulong nya?" Mahinahon nang tanong ni nanay.
"Asan ba ang bahay nyo?" Singit nya sa usapan namin. Wala nang nagawa ang nnay ko kundi ituro ang bahay namin. Wala naman kaming ibang mahihingi ng tulong eh.
Mabilis naming tinungo ang bahay namin.
Binuksan ng matanda ang pinto namin gamit ang kanyang tungkod.
Nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa takot. Sa takot na baka kung ano na ang nangyari kila taaty at kuya. Sana nan ligtas sila.
Nang tuluyang bumukas ang pinto nadatnan namin ang pangyayari.
Pangyayari kung saan pinupulutan ng mga ugat ang dalawa sa pamilya ko.
Marami nang damo sa bahay namin. May puno rin na maliit at mga naglalakihang ugat.
"Kung ganun ang kapangyarihan nya ay kontrolin ang mga halaman at puno. Hmm" sabi nya na tila nagiisip pa. Mahina lang ang boses nya.
Nakatalikod sa amin ang halimaw. Hindi na kami nakikita ng dalawa dahil pati mukha nila ay may mga ugat na ng puno.
Tila hindi kami nararamdaman ng halimaw.
Lumapit ang matanda sa halimaw at idinikit ang dulo ng tungkod sa likod nito. Dun lang napaharap ang halimaw sa amin.
Bumuka ang bibig nito ng sobrang laki at sumigaw.
"Waaahahhhaaaaaaaaaaaahh" ang sakit sa tenga ng boses nya. Napatakip kami ni nnay ng tenga at napapikit pero agad din kaming dumilat ng nawala na ang boses nito.
Tinignan namin ang halimaw at nakita naming nagyeyelo na ito.
Oh gosh!
"Ang uelong ginamit ko ay pansamantala lang ang itatagal. Matutunaw din yan mamaya kaya mabuti pang umalis na tayo."
Inilahad ng matanda ang kamay nya sa ere at gumawa ng ICE BLADES!
Nakita kong nahiwa ang ugat at nakawala sina tatay at kuya.
Nagtakbuhan sila palapit sa amin. Halos madapa sila sa pagtakbo. Nagyakapan silang tatlo. Habang nagyayakapan, tumatalon pa silang tatlo. Lahat sila ay nakangiti. Pero nawala ang ngiti ko at napalitan ng pangamba nang may maalala ako.
YOU ARE READING
X-Magic~ Not Your Typical Fairytale Story
FantasíaBago pa ipanganak ang ating mundo,meron ng nauna pang planeta dito. At ang planetang ito ay iba sa planeta natin ngayon. Lahat ng tao ay may mahika o kapangyarihan noon. Ngunit sila ay namatay... At ngayon ay mabubuhay sa ating mundo para muling mam...