Kakaiba
"Rrrrrrrrring! Rrrrrriing!" Nagising ako sa ingay ng alarm clock. Tinignan ko kung anong oras na at agad akong bumangon.
Para sa akin isa lang itong normal na araw. Gigisin, maliligo,kakain,magbibihis ng uniform, magtotoothbrush at papasok na sa school.
Walang kakaiba sa araw na ito tulad ng mga nakaraang araw. Isa lang itong ordinaryo tulad ko.
Normal lang ang ako na estudyante. Hindi sobrang talino hindi rin naman mahina utak ko. Kumbaga average lang ako. Hindi ako pala salita pero hindi naman ako tulad ng iba na halos takot sa tao. Hindi naman ako ganoon. Tumatawa at ngumingiti din naman ako kung talagang maynakakatawa. Sabi nila maganda naman daw ako pero para sa akin parang hindi naman. Sinasabi lang yata nila yun para palakasin ang loob ko.
Hindi rin kami mayaman pero hindi rin kami mahirap. Kumbaga average lang ulit. Welder ang tatay ko kaya magulo,maingay at makalat sa bahay namin pero ok lang naman dahil malaki ang kita nya.
Palagi akong lutang kaya minsan kapag may quiz mababa ako kaya ang ginawa ko nirerecord ko ng palihim gamit cp ko ang nilelecture ng teacher.Normal lang talaga ang araw na ito.
Pagpasok ko sa school, asual magulo, maingay at lahat halos nagmamadaling magkopyahan.
Fast forward...
Rrrrrrrtrtrrrrrrrrrrrtttring!Tumunog ng mahaba ang bell senyales na uwian na.
Sa public lang ako nagaaral at grade 10 na ako. 16 years old.
Niligpit ko ang mga gamit ko at lumabas ng comlab dahil ito ang huling subject namin.
"Ok Aether, wag muna kayong lumabas kase ibibigay ko muna yung card nyo" Malungkot akong bumalik sa upuan ko hindi dahil sa naudlot kong paglabas kundi dahil alam kong mababa ako ngayong first quarter.
Tinawag ang pangalan namin isa isa.
"Son!" Tinawag na ang last name ko kaya tumayo agad ako.
"Song po sir." Pagcocorect ko.
"Ah sorry"
Agad ko ng kinuha ang card ko at lumabas na.
Tinignan ko ang mga subjects at bumagsak ang balikat ko.
Kinompute ko utak ko ang average ko at 90.5 lang ako. Medyo dissapointed ako dahil ang goal ko ay makakuha ng92 above dahil gusto kong magsenior high sa university. Pero thankful naman ako kay lord dahil wala akong bagsak.
Pero hindi ko parin matanggap. Sensitive ako pagdating sa grades ko. Madali akong umiyak.
Alam kong mataas na yun pero iba ang hanap ko eh.
Siguro namumula na ang mata ko at paiyak na talaga ako nang makakita ako ng ice cream na hawak ng mga bata sa daan kaya napagpasyahan ko munang pumunta sa park at dun kumain ng ice cream.
Alam kong pagagalitan ako dahil baka alasquatro na ako makauwi pero gusto ko kahit kaunti mawala ang lungkot ko kase siguradong pagdating bahay marami na naman akong gagawin.
Nagaantay na lang akong jeep nang may mapansin akong pusa.
Para lang syang common na pusa. Nakatingin ito sa akin at nung tinitigan ko ang mata nya medyona shock ako dahil biglang naging red ang mata nito na kinana ay grey lang. Bigla itong tumakbo kaya naman hinabol ko.
Tumakbo papatawid sa kalsada ang pusa at hindi ko napansin na nagred light pala kaya bigla akong tinawag ng traffic inforcer.
Hinahabol ko ang pusa, samantalang hinahabol naman ako ng traffic inforcer.
YOU ARE READING
X-Magic~ Not Your Typical Fairytale Story
FantasiaBago pa ipanganak ang ating mundo,meron ng nauna pang planeta dito. At ang planetang ito ay iba sa planeta natin ngayon. Lahat ng tao ay may mahika o kapangyarihan noon. Ngunit sila ay namatay... At ngayon ay mabubuhay sa ating mundo para muling mam...