XMagic-13

1 0 0
                                    

XMagic-13

Knock! knock!

Napamulat ako ng mata dahil sa katok.

Ang liwanag ng araw na sumisilip sa aking bintana at diretsong tumatagos sa aking mata ay mas lalo kong ginigising.

"Anong oras na ba?" Nakakatamad namang bumangon. Pagod na pagod parin ang katawan ko.

Kruuuuuunnng!

Napahilot ako sa tyan ko ng marinig kong tumunog ito.

"Hindi pala ako nakakain kagabi"
Agad akong bumangon sa kama ko ng marinig ko ulit na may kumakatok.

Knock! Knock!

"Oo eto na nga eh.. nakabangon na" hindi ko mahanap ang tsinelas ko kaya nakapaa akong pumunta sa pinto.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang english teacher ko noong ako ay grade 9.

"Mam Phoebe kayo po pala. Good morning po!" Yumuko pa ako ng kaunti para magbigay galang sakanya.

Siya si  Mam Phoebe Monwater. Maganda at maputi si mam. Hindi katangkaran pero ayos lang dahil bawing bawi naman sa mukha. Ang balita ko nga eh kasal na si mam.

"Mam, pasok muna kayo" pagpapatuloy ko sakanya. Si Mam Phoebe ay yung tipo ng tao na laging seryoso. Lagi rin syang english speaking dahil narin siguro ilang beses na syang pinadala sa ibang bansa tulad ng korea para magturo.

"No thank you. Im just here to remind you that our breakfast will start at 8:00" yun lang at umalis na si mam.

"Thank you po Mam!" Nakatalikod na sya saakin kaya humarap sya at tumango ng dalawang beses pagkatapos nun nagpatuloy na sya sa paglalakad.

"Ang weird talaga ni Mam"

Sinarado ko na ang pinto.

Nagpakawala ako ng buntong hininga at tumingin sa kamang hinigaan ko. Nandoon prin si Ruvy at mukhang malalim parin ang tulog nya hanggang ngayon.

Wala namang sinabi si Sir Throne o kahit si Sir Franko na magbebreakfast pala kami ng sama sama. Hmmm... baka nakalimutan lang nila sabihin.

Tinignan ko pa ang orasan at napapikit ng mariin dahil 7:36 na pala. Pagod parin ang katawan ko. Nakita ko rin ang tsinrlas ko sa ilalim ng kama. Kinuha ko ito at sinuot.

Tinungo ko ang kama at niyugyog ng mahina si Ruvy para gisingin.

"Hmmm" nagtalukbong pa sya ng kumot.

"Gumising kana. Kailangan na nating bumaba. Magbebreakfast daw tayo"

Tinanggal nya ang kumot at tumingin ng deretso saakin.

"Breakfast?" Takang tanong nya. "Diba pwedeng dito nalang? Ang sakit pa kaya ng katawan ko. Ughhh" ginulo nya ang buhok nya.

"Kailangan nating bumaba. Palagay ko, lahat ng schoolmates natin na dito natulog sa Throne hotel ay makakasama natin sa breakfast."

Bumuntong hininga nalang sya at bumangon na.

Una syang pumasok sa cr pagkatapos ay ako. Paglabas ko ng cr ay nagsusuklay na sya ng buhok.

X-Magic~ Not Your Typical Fairytale StoryWhere stories live. Discover now