XMagic9-Part 2

7 1 0
                                    

XMagic9-Part 2

"Sandali, paano kayo?"

"Diba sabi mo, sumalo din ang kuya mo feathers? Kung ganun kailangan ko lang din ilabas ang kapangyarihan nya katulad ng ginawa ko sa iyo."

Tumango tango sya.

Nagsimula na ang plano namin

Naghiwalay kaming dalawa. Lumayo ako sa bintana at naghanap ng matataguan na malapit sa pintuan sa likod ng hardware.

Maya maya pa may narinig na akong kalabog sa bubong.

Nagsimula na.

May nakita akong mga kalaban na naglabasan

Paisa isa sila hanggang sa  satingin wala nang halimaw sa loob.

Naghintay pa ako ng ilang segundo bago ako nanglakad ng dahan dahan papunta sa pinto.

Nakabukas na ito kaya, papasok nalang ako.

Nilibot ko ang tingin ko. Puro mga tools ang nakikita ko. Malamang hardware ito eh.

Naglakad pa ako ng dahan dahan hanggang sa may nakita akong pinto. I think cr yun.

I open the door slowly while trying not to make a sound.

I almost gasped when I heard footsteps. Gosh! Whos that?

Pumasok ako sa loob ng cr para magtago pero merong maliit na siwang para makita ko kung sino ito.

I sigh in relief when I saw him. Finally!

Lumabas agad ako ng pinto. Agad syang tumingin sa akin.

Sobrang gulo na ng buhok nya at may hawak pa na...

Tabo???

"Oh saan kayo naggaling ni Sun hah?!!" Bulong nya. Galit na galit. Nakakunot ang noo.

Bumaba ang tingin ko sa hawak nya. Pffft!

"Para san yang tabo?" Bigla nyang binitawan ang tabo sanhi para makagawa ng ingay.

"Bwiset! Ba't ka nagingay?" Bigla ulit kaming nagtago sa cr.

Nakarinig kami ng mga hakbang.

Narinig naming papalapit ito sa pinagtataguan namin kaya sumiksik kaming dalawa sa gilid ng pinto para pagbukas hindi kami makita.

Pilit kong idinikit pa ang likod ko sa likod at ganun din sya saakin. Magkaharapan kami.

Mas lalo ko pang isiniksik ang sarili ko at ganun din ang ginawa nya. Sobrang dikit na ng mga katawan namin. Lintek!

Hanggang leeg nya lang ako kaya hindi ko nakikita ang mukha nya. Deretso lang talaga ang tingin ko. Lintek na!

Nanginginig ang mga tuhod ko sa hindi malamang dahilan.

Ano bang nangyayari sa akin?

Lalo pa syang dumikit sa akin ng mas marinig pa namin ang mga footsteps sa labas ng cr.

Pumikit ako dahil pakiramdam ko bubuksan na ng nasa labas ang pinto dito. Huhu

Pero bigla akong napadilat dahil isinandal bigla ni Moon ang siko at kamay nya sa magkabilang gilid ko. Phew!

Ano ba?!

Tiningala ko sya at nakita kong nakatingin pala sya sa akin. Nagpipigil ng tawa.

Pinagtitripan nya ako!

Kainis!

"Anong problema mo?" Asik ko.

Umiling lang sya at bigla syang yumuko.

X-Magic~ Not Your Typical Fairytale StoryWhere stories live. Discover now