Kanina pa kami palakad lakad at sa totoo lang naiirita na ako sa maingay na boses nina Sun at Moon. Tch.
Maya maya pa ay bigla silang nagsitahimik.
"Oh ano? Tapos na kayo?" Tanong ko sakanilang dalawa. Umiwas lang ng tingin sa akin si Sun.
"Pangit." Bulong ni Moon.
"Anong sabi mo?!" Tanong ko sakanya. Sinong pangit? Hindi ako maganda pero di rin naman ako pangit ah!
"Tumahimik ka dyan. Tsk"
Satingin ko dalawang oras na kami naglakad at si Sun ay kung anu ano ang pinagkukwento samantang tahimik na si Moon. Tch kaya naman palang tumahimik nito eh...
"I have lots of girls. Hahaha" yan lang yata ang naintindihan ko sa mga pingsasabi nya simula kanina pa.
"Tsk"
"Tch"
Nagkatinginan kami ni Moon. Inirapan lang nya ako. Tch"Ano bang buo nyong pangalan? Kanina pa tayo magkaka--" hindi na naman natapos ang sinasabi ko dahil biglang nagsalita si Moon. Bakit ba ang hilig ng mga tao na hindi patapusin muna ang sinasabi ko?
"Im Moon and that stupid one is Sun and unluckily were twins. Happy?" Iritang tanong nito sa akin. Bakit ba galit na galit ito sa akin?
"Ba't ka galit?" Tinignan nya lang ako.ng masama at tumuloy na kami sa paglalakad.
After 10 minutes
"Saan ba tayo pupunta? Pagod na ako at gutom na gutom na" ako
Tinignan lang ako ni Moon. Katabi ko si Moon samantalang nangunguna si Sun sa paglalakad.
"Kami rin naman Miesha" mahinahon na sabi ni Sun. Alam na nila ang pangalan ko dahil sinabi ko kanina pero para naman silang walang pakialam kaya pagkatapos kong magpakilala tumahimik na ako.
"Wala na akong lakas. Nahihilo na ako" totoo yun nagsama na ang pagod at hilo ko.
Luminga linga ako. Puro puno at kalsada lang ang natatanaw ko.
"Kailan ba tayo makakarating sa bayan?"
"Hindi namin alam. Kung may power bank lang sana tayo edi sana buhay ang mga phone natin at pwede natin magamit ang google map."
Napabuntong hininga nalang ako.
Tinitigan ko ang katabi ko. Kanina naisip ko na nakita ko na sya dati. Hindi ko lang talaga maalala kung saan.
"Nagkita na ba tayo dati buwan?" Tanong ko. Napataas ang kaliwang kilay nya.
"Anong tinawag mo sa akin?" Nakakunot ang noo nya at dinilaan nya ang mga labi nya atkinagat ito.
"Buwan. Diba yun naman pangan mo?"
Pinagigilan nanaman nya ang bridge ng ilong nya.
"Aish! Can't you just shut your fucking mouth?" Tanong nya at napaharap sa akin. Napailing nalang ako. Masyado nyang sineseryoso ang lahat ng bagay, yan ang dahilan kung bakit madali syang mapikon sa kapatid nya eh.
Maya maya pa ay may mga bahay na kaming natatanaw.
"Maging alerto kayo. Mas maraming bahay, mas maraming kalaban. Talasan nyo ang mata nyo. Maghanap kayo ng tindahan ng foods at ako sa hardware o kahit anong makakatulong para makasurvive tayo dito." si Moon.medyo naghiwala hiwalay kaming tatlo. Nagtatago kami sa mga poste dahil hindi nga sya nagkamali, marami ngang kalaban dito.
Nakakita ako kanina ng medyo malaki at matigas na kahoy. Kinuha ko ito incase of emergency. Hehe
Si Moon ay medyo malayo saakin dahil magkaiba naman kami ng hanapin. Si Sun ang malapit saakin.
YOU ARE READING
X-Magic~ Not Your Typical Fairytale Story
FantasiBago pa ipanganak ang ating mundo,meron ng nauna pang planeta dito. At ang planetang ito ay iba sa planeta natin ngayon. Lahat ng tao ay may mahika o kapangyarihan noon. Ngunit sila ay namatay... At ngayon ay mabubuhay sa ating mundo para muling mam...