Pumikit si Ruvy. Napapakunot ang noo nya minsan. Lumipas ang limang minuto ay walang nangyari sa ballpen.Dumilat na si Ruvy.
"Oh tapos? Ano nang gagawin ko?" Tanong ni Ruvy. Nagkatinginan kami ni Shani at napailing nalang sya. Bakit ganun?
Hawak hawak nya parin yung ballpen nang magsalita sya.
"Ano ba kaseng iniisip nyo?" Litong tanong nya.
Napabuntong hininga nang ako. Tch. Akala ko panaman tama na ang iniisip ko. Hays...
Tahimik lang kaming tatlo na tila parehas may iniisip hanggang sa biglang naghulugan yung tatlong upuang magkakapatong. Napatili sa gulat si Ruvy samantalang napatayo kaming parehas ni Shani. Tinignan namin kung ano ang nagyari at nakakita kami ng tumalong pusa. Tch pusa lang pala. Uupo na sana kami ulit ni Shani nang pare parehas kaming matigilan.
Hawak hawak parin ni Ruvy ang ballpen at nakatitig sya dito. Tila gulat na gulat tulad namin.
Ngunit hindi sa ballpen kami nagulat kundi dahil sa nagyeyelo na ang ballpen ko.
Ilang minuto rin kaming natigilan. Tila hindi parin nagsisink in sa utak ko ang nangyari. Hah! I knew it! Sabi ko na nga ba. Tama ang kutob ko, may kapangyarihan sila. May magic silang taglay!
"Ok? Guys, what's going on here?" Tila kinikilabutan na tanong ni Shani.
"Hah! I knew it! You two have magic." Hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. Pero kahit naman ako ay hindi rin makapaniwala.
Magsasalita pa sana ako nang may narinig kaming sumigaw.
Agad napatayo si Ruvy at binitawan ang ballpen. Agad kaming nagtakbuhan palabas ng room. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Anong nangyayari?
Hindi namin alam kung saan kami pupunta. Kung babalik ba kami sa comlab,sa cr ba, magtatago ba sa ibang room o hahanapin yung pinangalingan ng sigaw.
Hanggang sa napagpasyahan namin na tumungo sa lugar kung saan namin narinig yung sigaw.
Takbo lang kami ng takbo. Papunta kami sa school ground. Maraming teachers at students ang nagsilabasan. Merong mga SSG na nagkalat para pabalikin sa room ang mga katulad naming estudyante ngunit walang sumusunod sa kanila. Lahat ay gustong makita ang nangyayari. Lahat ay curious.
Nakita kami ng SSG president ng school na kaklase rin namin. Tinawag kami nito at sinabing pumasok na sa room.
Nagkatinginan muna kaming tatlo at saka sila tinanguan. Sabay sabay kaming papunta na sa room kasama ang ibang SSG officers na kaklase namin ngunit napahinto at napalingon ulit kami sa likod nang maulit nanaman ang sigaw na narinig namin kanina ngunit nadagdagan na ang mga sumisigaw ngayon. Merong be at mga lalaki.
Sinabihan kami ng SSG officers na pumasok na sa room saka kami tuluyang iniwan at tumakbo sila sa lugar kung saan may mga sumigaw.
"Anong nangyayari Shani? May naririnig ka bg kakaiba?" Tanong ko kay Shani habang tumatakbo. Tila parang nagaalangan pa syang sumagot. Di pa sya sanay na may magic siguro.
"Puro mga sumisigaw na lalaki at babae. Mga teachers at officers na nagtatanong kung anong nangyayari at mga bulung bulungan na nalason daw sila" Tugon ni Shani habang tumatakbo kami.
Huh?
"Nalason? What do you mean?"
"Hindi ko alam yun lang ang naririnig ko eh." Takbo lang kami ng takbo hanggag sa narating namin ang gusto namin.
"What the?!" Sigaw ko. Puro mga estudyanteng naghihirap ang nasa harapan namin ngayon. Merong sumusuka ng dugo at meron ding hindi na humihinga. Hindi ito nalason lang!
YOU ARE READING
X-Magic~ Not Your Typical Fairytale Story
FantasiBago pa ipanganak ang ating mundo,meron ng nauna pang planeta dito. At ang planetang ito ay iba sa planeta natin ngayon. Lahat ng tao ay may mahika o kapangyarihan noon. Ngunit sila ay namatay... At ngayon ay mabubuhay sa ating mundo para muling mam...