XMagic-10

7 1 0
                                    

Nagpapahinga na kaming lahat. Si kuya at lolo ay tulog na.

Kaming lahat ay nakahiga. 

Lolo-kuya-ako(tapos may malaking space- si kuya nakaisip nito) Moon at si Sun.

Ganyan ang pwesto namin. Tanging buwan lang ang ilaw namin. Tinignan ko ulit sila. Tulog na silang lahat. Si Moon nakaharap sa akin at ang kapatid nyang si Sun ay Nakayakap sa kanya. Haha ang cute talaga nila.

Tinitigan ko ng matagal si Moon. Ang gwapo nya. Masyadong seryoso ang mukha nya di tulad ng kapatid nya na kahit nakasimangot, mukha paring nakangiti. Hhmm... palangiti si Sun samantalang palasimangot naman si Moon.

Humarap ulit ako sa buwan. Ang liwanag nito. Bilog na bilog parang orange. Hays... nagugutom na ako. Nagtitipid kase kami ng pagkain lalo na ngayon na nadagdagan pa kami.

Sumagi din sa isip ko ang magic ni Moon. Sigurado akong may kinalaman sa steel ang magic nya. Alam kong kaya nyang kontrolin ang mga bakal. Napakagaling...

Pero bakit ako wala?  I mean, sumalo din naman ako pero, bakit ako walang naramdaman na kakaiba nung araw na yun?

Nagiimagine lang ba ako kaya akala ko humawak din ako ng feathers?

"Bakit di ka pa tulog?" Bigla kong nilingon si Moon.

"Gutom ka ba?" Dagdag nya.

Umiling ako kahit ang totoo nyan nagbubuhol na ang mga bituka ko sa tyan.

"Then sleep. Hindi ka dapat nagpupuyat. Kailangan mo ng lakas bukas" may authority nyang utos.

"Bakit ikaw di ka pa tulog? Mas kailangan mo ng lakas bukas."

"Tulog na ako kanina kaso meron kaseng babaeng tumitig sa akin kaya nagising ako" iniwas ko ang tingin ko. Nakita nya yun?

Pumikit ako. Pinilit kong matulog at nagkunwaring hindi ko narinig ang huli nyang sinabi. Nakakahiya. Baka isipin nya, pinagpapantasyahan ko sya.

Ang pagkukunwari kong tulog ay naging totoo pero bago pa man ako lamunin nito, narinig ko ang boses nya.

"Sweet dreams" bago ako nakatulog.

Kinabukasan...

Naalimpungatan ako dahil merong pumapalo ng mahina sa noo ko.

"Anong problema mo?!" Asik ko sa baliw kong kuya.

Nakita kong napatingin sa akin silang lahat.

"Hahaha noo mo pala itong makinang? Ang kintab kase. Akala ko tuloy gold kaya tinuktok ko kung talagang gold ba. Hahahah" umiling nalang ako. Bumangon ako at nakita ko.si Sun na halatang nakatingin sa noo ko at nagpipigil ng tawa.

"Sun... kapag hindi mo tinigil yang kakatitig mo sa noo ko, sisiguraduhin kong di kana sisikatan ng araw bukas" banta ko. Bumalik na sya sa ginagawa nya.

Kumain na ako. Pagkatapos ay niligpit ko ang mga kalat nila sa pagaayos ng armas na gagamitin.

1 hour passed...

Naguusap suna lolo, Sun at Moon. Kita sa mga mata ng dalawa ang mangha lalo na ng ginamit ni lolo ang ice powers nya.

"Wow! Sana ganyan din ang powers ko." Wala sa sariling sambit ni Sun.

Tahimik lang si Moon.

"Hmm. Nabanggit nga ni Miesha na isa din kayong X magicians. Kung ganun ano ang kaya nyong gawin?"

"X magicians?"takang sambit ni Moon.

Nakikinig lang ako sa kanila habang maingat na hinahasa sa bato ang mahabang kutsilyo ko.

"X magicians ang tawag sa mga may kakaibang abilidad na hindi kayang ipaliwanag ng taong tulad natin. Narinig ko lang yan sa radyo na nadaanan namin ni Christopher kahapon. Yan na ang tawag ng mga tao sa tulad natin"  si Christopher ay kuya ko.

Napatango silang dalawa.

"I have the super speed!" Active na sagot ni Sun. Mukhang bata.

Ngumiti si lolo.

"Maganda ang magic na yan." Napangiti si Sun.

Lumingon si lolo kay Moon.

"Ikaw?" Tanong ni lolo kay Moon.

"Di ko alam." Pagtukoy nya sa amgic nya.

"Steel. Satingin ko kaya nyang kumontrol ng mga bakal"

Napalingin silang lahat sa akin. Tumaas ang kilay ni kuya.

"Mas alam mo pa kesa sa sarili nya. Hmm... iba na yan." Inirapan ko lang sya at nagkunwaring di ko sya narinig. Lumapit ako.sa tatlo.

Narinig kong tumawa ng mahina si kuya.

"Sinabi nya sa akin kahapon yung mga naramdaman nya. Ang sabi nya, kakaiba daw ang pakiramdam nya nung magising sya kinaumagahan. The day after the raining feathers. Pakiramdam daw nya para daw may mabigat na bagay sa tyan nya at meron stang nalalasahang kalawang" paliwanag ko.

"Hindi naman natin masasabi kung ano ang magic nya hanggat hindi pa natin nakikita." Napaharap kaming lahat kay Moon.

"Pero kung ano man yun, kailangan mo ng ilabas yun hijo dahil yan ang magliligtas sayo."

Pagkatapos namin ay naghahanda na kami para sa pagalis namin.

Hawak ko ang mahabang kutsilyo ko. Si kuya naman ay may baril din na kinuha ni Sun kahapon sa bayan bago kami natulog. Ganun din si Moon baril din ang hawak nito. Parehas baril ng pulis ang mga hawak nila. Siguro ang mga pulis na iyon ay pinadala para labanan ang mga nilalang na iyon pero dahil hindi lang sila basta halimaw kaya sila natalo at namatay. Si lolo naman ay tanging tungkod lang ang hawak at si Sun naman ay baseball bat na gawa sa bakal. Di ko alam kung saan nya nakuha yun kahapon.

Naghanda na kami. Para kaming mga sundalong susugod sa gyera.

"Tapos na ba kayong magdasal?"

Tumango kaming lahat.

"Good. Yan ang pinakamabisa nating sandata ngayon."

Tumayo si na sina lolo at Sun.

"Humanda kayo. Walang susuko. Protektahan nyo ang isat isa. Kung sakaling maghiwa hiwalay tayo gamitin nyo ang ang earpiece na kinabit ko sa inyo" tumango kami.

Maraming kinuha si Sun na armas kahapon at isa na dito ang earpiece.

"Wag kayong magpakampante. Dahil kahit saan, pwede silang sumugod" paalala ni kuya. Tama sya.

Ang masayahing mukha ni Sun ay napalitan ng nakakatakot na awra. Ganun din sina Moon, lolo at kuya.

Walang nakakaalam kung makakarating ba kami sa destinasyon namin ng buhay.

"Maghiwa hiwalay man tayo, magkita tayo sa Manila. Maliwanag?"

Nagtanguan ulit kami at naglakad na.

Manila. Sabi sa napakinggang radyo nila lolo kahapon, meron pa daw ligtas na lugar doon. Hindi lang alam kung saan ang eksakto pero karamihan ay doon nagsilikas. Baka nandoon sila nanay, tatay at lawrence.

X-Magic~ Not Your Typical Fairytale StoryWhere stories live. Discover now