XMagic-12

14 2 0
                                    

XMagic-12

"Kaya mo bang pahintuin ang oras ng matagal?" Tanong nya. Hhmm.

"Oo naman. Nagawa ko nga kaina eh"

"Kung ganon, gawin mo lang ulit yun." Ganun lang?

"Ok" nagsimula na kami.

Kanina nagawa kong palabasin ang kapangyarihan ko dahil sa takot, ngayon paano ko ulit palalabasin yun?

Nakatitig sya sa akin. Naghihintay sa susunod kong gagawin at mangyayari.

1 minute later...

"Ano na?" Niinip nyang tanong.

Idinilat ko ang mata kong kanina pang nakapikit. Anak ng! Wala namang nangyayari eh...

Tumingin ako sakanya at

"Hehe" napabuntong hininga nalang sya.

"Wala tayong magagawa kung di ang lumaban." Bigla akong napalunok. Makakakita na naman ako ng mga halimaw?

"Paano ako? Di ko magagamit kapangyarihan ko?" Kinakabahang tanong ko.

"Ako ang bahala sayo pero kapag hindi ko na kaya, wala kang magagawa kundi ilabas ulit ang magic mo" diretsa nyang sagot.

Katapusan ko na...

Lumabas kami ng cubicle para maghanap ng pwedeng ipanghampas sa mga kalaban. Huhuhu maliban sa balde, mop lang ang nakikita ko. Mapapatay ko ba ang kalaban gamit ang balde at mop?

Tinanggal ko ang pampunas sa mop at ang kahoy ang kinuha ko.
"Tapos ka na ba?" Tanong ni Ruvy.

Tumango ako kasabay ng dahan dahang pagbukas nya ng pinto. Lumilinga sa labas.

"Halika na!" Mahina nyang tawag.

Mahigpit ang hawak ko sa kahoy habang nagpapalinga linga. Kapag may nakakasalubong, agad kaming nagtatago sa isa samga room na walang halimaw syempre.

Nakarating kami sa guard house malapit sa gate ng school.

Pumasok kami sa loob muna ng guard house dahil maraming nagaabang saamin sa gate.

Dati akala ko magiging normal at ordinaryo lang talaga ang buhay ko. Hindi ko akalain na magiging ganito kawirdo ang takbo ng buhay ko. Yung tipong magical. Literally!!!

Dati ang pangarap ko lang ay makapagtapos ng trabaho at maging isang mahusay na architect na may lisensya. Haha

"It's already 5:56. Mas maganda kung hintayin nating magdilim para mas makagalaw tayo ng maayos at mabilis" sumangayon ako sa plano nya.

Minsan kapag nadadamay ang pamilya ni Ruvy, nagiging mas matalino sya at seryoso.

Maliit lang ang guard house dito. May flat screen for cctv, sofa, maliit na cabinet for log books.

Inilapag ko muna ang mop na dala ko sa gilid ng sofa at sinamahan si Ruvy doon.

Kinakalikot nya lang ang phone nya.

Oo nga pala nandito parin kaya phone ko?

Kinapkap ko ang bulsa ko at laking tuwa ko ng makapa ko ang phone ko.

"Saan kaya pwede magcharge dito?" Tanong ko kay Ruvy. Busy sya kaya ako nalang ang naghanap.

May nakita akong saksakan malapit sa flat screen. Lumapit ako at saktong may nakita akong phone na nagchacharge. Kinuha ko ang phone at pinalit ko ang akin.

Full battery na ito. Sigurado akong phone ito ng security guard ng school.

Hindi naman siguro ako makukulong ngayon kapag kinuha ko itong phone diba? Hehe kilangan ko ito para may resrba ako kung sakaling maubos ang batt ng akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

X-Magic~ Not Your Typical Fairytale StoryWhere stories live. Discover now