XMagic-7

9 2 0
                                    

Hinde pwede! Hindi pwedeng dito magtapos ang lahat. Kung may matatapos man, yun ay ang kaguluhan ngayon at hindi ang mga tao sa mundo na ito.

Humarap ako sa matanda at nagsalita.

"Paano matatapos ang gulong ito?" Lumingon ang matanda sa akin at ngumiti ng malungkot.

"Bago ko sagutin yan, may itatanong muna ako. Isa kaba sa humawak ng mga balahibo nung araw na iyon?" Pagtukoy nito sa pagulan ng mga weird feathers.

"O-Oo" kinakabahang sagot ko.

Agad napatingin sa akin sina nanay at tatay. Nagtataka ang mga tingin nila.

"Akala ko ba hindi ka sumali sa mga taong humawak nun?" Takang tanong ni nanay.

Napatungo lang ako.  Hindi ko sinabi dahil baka magalit sila sa ginawa ko.

"S-sorry" paghingi ko ng tawad.

Napailing lang silang tatlo sa nagawa ko.

"Hindi ka namin painalaki para magsinungaling sa amin" pangangaral ni tatay. Nakaaktakot ang itsura ni tatay ngayon at para syang abogado sa tono ng pananalita nya at tindig nya. Aissh!

"Kung ganon, ano ang naramdaman mo kinabukasan ng magising ka? Ano ang masakit sa iyo?" Mahinahon na tanong ng matanda. Yun na nga ang ipinagtataka ko eh, walang sumakit sa akin.

"Wala po." Sagot ko.

Napakunot ang noo nya. Tila hindi naniniwala sa isinagot ko.

"Paano nangyari iyon?"

"Sigurado ka ba talagang humawak ka din?" Paninigurado nya.

"Opo. Tumagos pa nga ito sa mga palad ko eh" sigurado talga ako dun. Kita yun mismo ng dalawa kong mata.

"Kung ganun bakit walang nangyari sa iyo?" Takang tanong nya sa sarili nya.

Napakibit balikat nalang ako.

"Ano po? Ano po bang paraan para matapos ito?" Tanong ko. Humarap ulit sya sa akin at sumagot.

"Wala kang magagawa. Wala kang kapangyarihan. Isa ka lang normal na tao. Hindi ka pwedeng lumaban sa kanila, mamamatay ka lang" and that line hits me.

Tumahimik na lang ako dahil totoo naman. Wala akong magagawa pero...

"Ano pong kinalaman ng mga feathers or balahibo sa nangyayari?" Tanong ko sa matanda.

Ipinaliwanag nya ang lahat simula sa mga taong nabubuhay sa naunang planeta.

"Bago ang planetang Earth ninyo, meron pang ibang katawagan dito noon milyong taon na ang nakararaan. At ito ay Oromus. Lahat ng tao ay may kapangyarihan. May lugar sa Oromus ang pinaniniwalaang pinakamayaman na bansa. At ito ay Oro. Ang hindi nila alam, ang yaman ng bansang ito ay nakaw lamang. Hindi yun alam ng ibang lugar. Ang mga tao sa oro ay mga alipin. Nagtatrabaho hindi para makasweldo kundi para madagdagan ang oras nila sa mundo. Masama ang mga pinuno lalo na ang hari at reyna. Pero dumating ang kinatatakutan nila, at ito ang katapusan nila. Hindi pumayag ang Hari at reyna na matapos lang sila ng ganun kadali at mawala ang lahat ng pinaghirapan nila. Kaya naman, lahat ng taong may malalakas na kapangyarihan ay nagsama sama. Nagdasal sila gamit ang kanilang mga mahika. Ginamit nila ang kapangyarihan nila sa buong Oromus. Sinabi nilang sa pagkamatay nila ay muli naman silamg mabubuhay. Dumating ang araw, namatay ang lahat ng taosa Oromus at isinilang ang Earth. Nagsimula sa isang tao at dumami ngunit sa pagkakataong ito wala kayong kapangyarihan. At dumating nga ang araw, natatandaan mo pa ba ang pagbagsak ng mga balahibo ija?" Tanong nito sa akin. Tumango ako.

"Ito rin ang araw kung kailan nabuhay ang pinuno nila. Ang pagkabuhay ng Hari. Ngunit hindi pa sya ganap na buo. Natatandaan mo rin ba ang mga sunod sunod na pagkamatay? Lahat ng namatay ay may lumalabas na itim na balahibo sa bandang dibdib nila, ang balahibong yun ang dahilan kung bakit buhay na ang ibang tao ng Oromus."

Hindi ako magalaw sa kinatatayuan ko at pati narin si naany at kuya. Si tatay naman ay patuloy lang sa pagmamaneho pero halata mo sa mukha nyang gulat din sya.

"Wait lang, ibig sabihin yung mga taong namatay na may balahibong itim na lumalabas sa dibdib nila, ay sila rin yung mga taong humawak sa balahibo noong umulan nito noon?"

Tumango ito.

"Kung ganon, bakit hindi nalang sila agad namatay nung mahawakan nila ang balahibo? Bakit nagtagal pa? Atsaka bakit itim?" Naguguluhan na ako.

"Ang mga balahibong nakita nyo ay naglalaman ng kapangyarihan ng mga tao ng Oromus. Sa oras na pumasok ito sa katawan ng tao, maghahalo ang kapangyarihan at ang kaluluwa hanggang sa maging isa. "

"Oh tapos?" Ako

"Nang magising ang hari, ginawa nya na ang dapat nyang gawin at ito ang gisingin ang kanyang nasasakupan. Ang hari ay may malakas na kapangyarihan. Kaya nyang maglabas ng anino at gawin nyang kawal. Sigurado akong ginamit nya ang kanyang kapangyarihan upang patayin ng mga tao. Itim ang balahibo dahil isa lang ang ibig sabihin nito, naging isa na ang kaluluwa at kapangyarihan at sa oras na ang itim na balahibong yun ay magtungo sa tamang tao ng Oromus, dito sila mabubuhay."

"Tamang tao?"

"Kung ano ang kangyarihan ng taong yun noon, yun lang din ang pwede nyang makuha at dahil.narin sa kaluluwa kaya sila nabubuhay pero hindi pa sila ganap.na buo"

"Paano sila mabubuo?" Kinakabahang tanong ko. Hindi pwedeng maging ganap na tao sila dahil kung palang yana na ang nagagawa nila, what more kapag buo na ang katawan nila?

"Hindi ko rin alam. Tanging ang mga pinuno lamang ang nakakaalam"

"Bakit ho ba ang dami nyong alam? Sino po ba talaga kayo?" Bakit kaya ang dami nyang alam?

" ako si bregido. Lolo nalang itawag mo. Isa lang akong pulubi at narinig ko lang din yang nalaman ko" tumango tango na lang ako.

Kung ganon ay wala din pala akong magagawa.

Tumahimik nalang ako sa buong byahe namin. Walang tao ang madadaanan. Nagmistula itong ghost town.

----

Iksi nito... sabawbaw ang utak ko ngayon..tch

Hehehe

Thanks for reading this!

Nagloloko man ang wattpad ko, tuloy parin sa ud..hahaha

XMagic-8: October 13/14 or 15 I guess? Basta may chp 8 na one of that days. Hehe

Vote and comment!

X-Magic~ Not Your Typical Fairytale StoryWhere stories live. Discover now