(Bregido is pronounce as Brehido)
____________
Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang sinabi ni lolo bregido. Pero tumtugma ang kwento nya sa mga nangyayari ngayon.
Gabi na. Kinapa ko ang phone ko sa bulsa at tinignan. Lowbatt. Tch.
Lowbatt naman talaga ang phone ko simula kaninang umaga pero sinisilip ko parin baka kase nagloloko lang phone ko at magkaroon ng 1 bar. Hays...
Huminto ang sasakyan namin sa kalsada. Walang bahay o kahit ano ang makikita. Tanging sementadong kalsada lamang anf meron.
"Dito na ba tayo muna matutulog?" Tanong ko.
Nagising si nanay mula sa pagkatulog nya.
"Ubos na ang gas" si tatay. Napahampas pa sya sa manibela.
"Pano tayo, baka may halimaw dito" kinakabahan na sabi ko habang lumilinga sa kaliwat kanan.
"Dito muna tayo magpalipas ng gabi. Mas maganda kung lahat tayo bukas ay may sapat na lakas. Wag kayong magalala, babantayan ko kayo" Sabi ni lolo Bregido.
Tunignan ko si nanay at maga na ang mata nya sa kaiiyak. Naawa na ako sakanya.
"Si Law--" Hindi ko na pinatapos si nanay at agad akong lumapit sa pwest nya para yakapin sya. Lalo syang napahagulhol ng iyak.
"Wag po kayong magalala me, mahahanap din natin ang pasaway na minnion na iyon." Sabi ko at ngumiti. Lumapit din si kuya at tatay at sabay sabay kaming nag group hug. Tinignan ko si lolo Bregido na masayang pinagmamasdan kami.
"Lolo, sali ka po" pag aya ko sanya. Ngumiti si nanay at tatay sa kanya. Inalalayan ni kuya na makalapit si lolo at saka kami nag group hug ulit.
"Amoy kili kili ka kuya... eewww" sabi ko. Katabi ko kase sya.
Nagtawanan silang lahat.
Maya maya pa ay sinigurado nilang nakalock ang pinto at natulog na.
Katabi ko si kuya at ginawa kong sandalan ang balikat nya.
ZzzZZzzzzzzzzzzzzZzZZZzzzzzzZz
Kinabukasan...
Napamulat ako ng mata dahil parang may naririnig akong kakaiba. Tinignan ko silang lahat at tulog pa sila, maliban kay lolo na tila nagmamatyag sa labas.
"Lolo, narinig nyo rin po ba?" Mahinang tanong ko.
Agad syang napatingin sa akin at sinabing tahimik lang daw ako. Tinignan ko si lolo. Kampante lang syang lumilingon lingon. Pero nawala ang tingin ko sakanya dahil si kuya ay natutulog na sa lap ni lolo. Pfffft.. hahahahahahah
Nakabaluktot ang katawan nya at mukhang maganda ang panaginip nya dahil mukha syang timang na pangiti ngiti tapos ngingisi. Hhahahaahha susme ang pangit nya..haahhaha
Pero nawala ang tuwa ko ng may biglang kumalabog sa bubong ng van.
Agad napaupo si kuya.
"Shit! Darling nasaan ka?!" Gulat na tanong ni kuya.
Napakunot noo ko sakanya. Tch.. gising na, nanaginip parin.
Pati si nanay at tatay ay nagising.
Isang kalabog nanaman ang narinig namin.
"Ano yun?!" si tatay.
"Wag kayong maingay. Dumapa kayo!" Biglang sigaw ni lolo. Lahat kami ay dumapa.
Nabasag ang salamin ng bintana dahil merong halimaw ang pinasok nang biglaan ang kamay nya sa side ni nanay.
"Me!" Sabi ko ng makapa ng nilalang na iyon ang buhok ni nanay pero agad naman itong ginawang yelo ni lolo. Yelo na ang kamay nya pero pilit nyang hinablot ito pero dahil yelo na ito ay naputol ang kamay nya at--the heck! Parang wala lang sakanya!

YOU ARE READING
X-Magic~ Not Your Typical Fairytale Story
FantasyBago pa ipanganak ang ating mundo,meron ng nauna pang planeta dito. At ang planetang ito ay iba sa planeta natin ngayon. Lahat ng tao ay may mahika o kapangyarihan noon. Ngunit sila ay namatay... At ngayon ay mabubuhay sa ating mundo para muling mam...