"J-Jaime..." Kinakabahan kong tawag sa kanya.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at ngumiti na tila kinakabahan sa kung ano... Tinitigan nya ako gamit ang mga mata nyang nangungusap para sa kung ano...
"Wag mo na lamang akong pansinin. Nagalala lamang ako para sayo. Tayo na...at baka magkasakit ka pa!" Anya sa akin at hinawakan ang kamay ko pahilang tinahak namin ang daan pauwi sa property na binigay sa akin ni papa.
Kinakabahan ako sa ginagawi niya.
Masyadong mapanganib para sa puso ko ang kabang dulot nito. Pati na ang epekto ng mga ginagawa nito sa akin...Tahimik lamang kaming dalawa habang tinatahak ang daan pauwi sa aking beach house.
Napatitig ako sa magkahawak naming kamay... Nakaramdam ako ng mainit nabumalot sa puso ko... Damn... Patuloy ang pagrigudon niyon...
Ano bang nangyayari sa akin?
Bakit nga ba masyado akong apektado sa mga kinikilos niya?
It could be... Wait that's impossible... Kakikilala ko lamang sa kanya weeks ago... I don't like him... Hindi pwede yun.
Gwapo siya ...mabait at maalaga... He is fun to be with... But... Hindi pwedeng magkagusto ako agad sa kanya... Masyadong mabilis iyon...
Nagising ako sa malalim kong pagiisip ng bigla nya akong hilahin palapit sa kanya , yakapin at inikot ako patungo sa direksyon nya...
Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa pagkabigla ...at nagwala ang mga insekto sa aking sistema dahil sa posisyon namin...
Napalitan ng pagaalala ang aking nararamdaman ng makita ang nasasaktang ekspresyon nito...
"J-Jaime... Ayos ka lamang ba? A-anong nangyari?" Alalang tanong ko sa kanya.
Napatingin kaming dalawa ng may dalawang lalaking sa tining ko ay kaedaran lamang namin na lumapit sa amin ... Sa mukha ng mga ito ay wala sa loob ng mga ito ang paglapit...
"Pasensya na... At natamaan ka pre!" One of the guy cockyly said. He grinned like he did something bad.
Tumingin ang mga ito sa akin na tila hinuhubaran ako... Nangingilabot ako sa klase ng mga tingin nilang iyin... Nakakaramdam ako ng takot...
Naramdaman kong humigpit ang pagyakap nito sa akin... At kasabay noon ang pagigting ng panga nito... Matatalim ang pinukol na tingin nito sa mga lalaki na nagiwas ng tingin ...
"Leave." Malamig na sabi ni Jaime sa mga ito.
"Pare... Hayaan mo muna kaming magsorry sa chix mo... Dahil kamuntik na siyang natamaan ng bola...namin" Ngumisi ng nakakaloko ang isa sa kanila.
He gritted his teeth like he is trying his best to be patient. Kinuyom pa nito ang mga palad. Lalo akong kinakabahan sa nakikita kong galit kay Jaime.
"No need. Just leave." Pagtataboy niya sa mga ito.
Mukhang naoffend ang dalawa sa ginawi ni Jaime dahil dumilim ang mga mukha nito.
"J-Jaime..." Kinakabahan kong tawag sa kanya.
Medyo kumalma ito. Ngunit muling bumangon ang galit sa mukha niya ng marinig ang sinabi ng mga ito.
"Pagkatapos mo sa kanya... Patikim din!" Anang isa at sinabayan ng tawa .
Tuluyan ng nawalan ng pasensya si Jaime at sa gulat ko ay itinabi nya ako at sinugod ng suntok ang nagsalita... Napasigaw ako dahil sa ginawa nya...sumadsad sa buhanginan ang lalake... Akmang gaganti ng suntok ang kasama nito ng inunahan ni Jaime at sinapak ito.
BINABASA MO ANG
Stavros 2: STONE COLD
ChickLit"How are you... Devone?It's been a decade huh?" The painful familiar voice ask from nowhere. I guess the Homecoming is real.