23

1.9K 49 0
                                    

Inayos ko ang mga bulaklak na dala namin ni Jaime...at sinindihan ang mga kandila... Bago nagalay ng dasal para kay mama...

Matapos niyon ay ngumiti ako rito...

"Hi mama Dionne! Andito na po ako ulit! " masaya kong bati kay mama at hinaplos ang kanyang lapida.

Naramdaman ko ang malamig na hanging humaplos sa aking balat kay napangiti ako... Alam kong si mama iyon .

"Mama... I miss you too. Pasensya na at ngayon lang ho ako nakadalaw ulit sa inyo... Naging abala po kasi ako kina papa e." Napangiti akong muli ng humihip muli ang malamig na hangin. "Alam nyo po mama... Maayos po ang naging buhay ko kina papa... Ang bait po sa akin nina Aunt Yvangeline at ang mga kapatid ko... Liban nga lang po kay Queen... Mainit po ang dugo sa akin nun e... Pero alam ko po mabait po siya tulad ng mama nya. " pagkukwento ko.

Naramdaman ko ang paktikhim ng kasama ko na nasalikuran ko at nakatayo roon. Tumingala ako rito at nginitian siya... Nakita kong malambot ang kanyang expression habang tinititigan ako.

"Ai! Mama... Heto nga po pala ang isa ko pa pong bestfriend... Yung pong kinukwento ko po sa inyo..? Mabait po siya mama... Tapos lagi nga kong sinasamahan at sinasama sa mga lakad nya." Masaya kong kwento at hinila palapit si Jaime...kaya tulad ko ay napaupo na ito sa tabi ko.

"U-uhm... Hi po! A-ako..." He cleared his throat. "Ako po si Jaime Leviste... Kaibigan po ako ng anak nyo... " tila kinakabahang pagpapakilala nito .

Napangiti ako dahil doon... At muling tumingin kay mama. "Kabado ata siya ma... Takot po sigurong multuhin nyo!" Sinundan ko iyon ng malutong na halkhak na hindi naman pinatulan ni Jaime dahil seryoso itong nakatingin kay mama.

"Your daughter is bubbly, smart and kindhearted person po... Thank you po for raising her well and giving her life." Natahimik ako sa sinambit niya. Tila nagkaroon ng circus sa tiyan ko at nagwawala ang halimaw sa aking puso. "Ma'am... Pinapangako ku pong poprotektahan siya at pangangalagaan... Walang ibang makakapanakit sa kanya... Ibibigay ko po ang pinakabest na nararapat sa tulad niya. I promised to do everything just to make your daughter the happiest woman on earth"

---

Mapait akong napangiti sa ala-alang yon... Naupo ako sa harapan ng puntod ni mama. Inayos ko ang mga puting lily na paboritong bulaklak nito... At matapos kong sindihan ang mga kandila ay nagalay ako ng maiksing panalangin dito...

Matapos niyon ay hinaplos ko ang pangalang nakaukit sa lapida ni mama...

Dionne Salvador Leonardo

"Hi mama! Kumusta na po kayo? " pilit kong pinasigla ang tinig ko kahit ang totoo ay may pait ay sakit na nakatago sa aking puso. "Mabuti naman po ako... Sorry po kung ngayon ko lamang kayo muling nadalaw... Naglagalag po kasi itong anak nyo! Nilibot ko po ang buong mundo! " kwento ko rito. "Alam nyo po mama... " huminga ako ng malalim at pilit na pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang umagos mula sa akig mga mata... "...yung lalaking nangako sa inyo na poprotektahan at pangangalagaan ako... S-siya pa po ang nanakit sa akin ng husto... K-kaya po napilitan po akong lumayo upang makalimot.... " tumikhim ako upang mawala ang bara sa akig lalamunan. "Ma... Akala ko po okay na po ako... Akala ko po ... Kaya ko na... Akala ko po... Di ko na po sya mahal... Pero ma... Bakit po ganun? B-bakit po sa kabila ng mga nagawa niya ay... Ganoon pa rin po ang epekto nya sa akin? Nagugulo nya at napapabilis nya pa rin po ang tibok ng puso ko... Bakit po ang unfair naman po niyon?! " garalgal na ang tinig kong sabi rito.

"...pero ma... Kahit ganun pa man po ay hinding hindi ko na po soya hahayaang makalapit pa po sa puso ko... K-kailangan ko pong protektahan ito... Kakaayos ko palang po... Kaya wag po kayong magalala... Pangangalagaan ko po ito... Pangako."

Naramdaman ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa akin balat... Napangiti ako ng malungkot... "Miss na miss ko na po kayo mama... Sana po ... Naririto pa rin kayo... Alam ko pong kaya nyo pong pagaanin ang loob ko... " bulong ko sa hangin.

Ilang sandali pa kong nanatili rito... Hinahayaan ang sarili kong damhin ang totoong damdamin ko... Walang pagpapanggap... Walang itinatago... I let myself to be my true and real self.

Ilang sandali pa ay namayani sa aking pangamoy ang pamiluar na pabango ni Jaime...

Pasimpleng pinunasan ko ang mga luha ko at kunwaring hindi siya pansin..

"Sorry to disturb you... But your brother called." Napatingin ako rito at nagtatakang kinunotan siya ng noo...

"I mean... Carlos Ytan." Sabi nya

"Why?" Tila wala sa loob kong tanong.

"He asked me to bring you home." Anya sa akin .

"What?!"

"He asked me to bring you home...after our Baler trip. Pinagbantaan nila ni Ybarra ang buhay ko. " anya pa na may mapaglarong tono.

Naiinis na tinapunan siya ng tingin... "Really?! " sarkastiko kong sabi na ikinatawa niya bago hinarap si mama.

"Hi po...m-mama Dionne! Sorry if ngayon lamang po ako ulit nakadalaw ... At naabsent po ako ng isang buwan. Busy po kasi ako sa trabaho at pagsunod sa pangarap ko e." May sayang kwento nito.

Napamaang ako sa narinig ... Every month itong pumupunta rito upang dalawin si mama?!

"Pero po kasama ko po ulit si Devone! Bumalik na po siya mama... Pero alam ko pong maraming nagbago... " anito

Namayani ang katahimikan sa paligid.

Huminga ako ng malalim... At inabala ang sarili sa paghaplos sa lapida ni mama..

Naalala ko tuloy ang nalaman ko kay nay Hellen kanina...

"Jaime... B-bakit... Uhm... Totoo bang ... Binili mo ang mga lupa sa paligid ng property ni mama? " maingat kong tanong habang nakatingin lamang sa pangalan ni mama.

Narinig ko ang malalim nitong hininga... At bahagyang pagtawa.

"Nay Hellen can't keep a secret talaga..." Pagbibiro nito.

Nanpatingi ako sa kanya at natagpuan ko siyang nakatingin sa malayo na tila malalim ang iniisip...

Damn! Kung totoo ang sinabi ni nay Hellen... Ibigsabihin...

Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko siya... "...so... Totoo rin..."

Humarap ito sa akin at tiningnan ako sa aking mga mata... Ang uri ng tingin nitong matagal ko ng di nakikita...

Nanonoot iyon...at puno ng ... Pagmamahal... Or ilusyon ko lamang...

"Yes. The whole land is yours ... Ai... As I promised... I acquired all the lands and named it to you... " seyosong sabi nito

Nagkagulo na ang halimaw sa aking sistema.

Damn it!

Nameless: Hotbreaker Series 6: Right Kind of Wrong (PJ and Yuki's Story) is up! Since 12 chapter na lamang ang Hotbreaker 5 : Broken Angel (Kean and Angelique's)

Stavros 2: STONE COLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon