12

2.2K 65 0
                                    

"Ang saya palang mag-surf! Nakakaexcite ! Sulit naman pala kung magkasakit ako sa bato dahil sa dami ng tubig alat na nainom ko!" Natatawang biro ko sa kanya.

Matapos kasi naming magsnorkling kanina ay nagpasya na kaming bumalik sa Pagudpod at umuwi muna sa Mansion ng mga dela Marced para mananghalian. Sinabihan pa ako ni Jaime na magbanlaw muna at magpalitng tuyong damit kanina bago kami kumain pero hindi ako nakinig dahil matapos naman naming magpahinga ay magsusurf din naman kami. Humiram na lamang ako ng bathrob at towel dahil nakalimutan kong magdala kanina kaya nagpapalatak at sinermunan ako nito.
Tinawanan ko lamang at di na lamang nagkomento pa.

Buhat-buhat nito ngayon ang surfboard na ginamit namin kanina. Tinuruan nya akong mag-surfing dahil dumating ang mga malalaking alon na kailangan para roon. Sa una ay nahihirapan pa akong tumayo at magbalanse sa board..pero ng maglaon ay nasanay na ako at naenjoy ko na ang paglalaro sa alon. Kada hulog ko sa surfboard ay tila gusto na akong hilahin pabalik ni Jaime sa dalampasigan. Halos gusto na niya akong patigilin sa pagsasanay dahil kung di ako nakakainom ng tubig alat ay nauumpog ako sa surfboard na gamit namin.

Kinuha nito ang mga kamay ko ng maibaba na ang surfboard sa dalampasigan at sinusuri ang mga iyon... Maging ang ibang parte ng katawan kong naumpog ng board... Kitang kita ang pagaalala nito sa akin na ikinanginig na aking mga tuhod at pagwawala ng maraming insekto sa aking tiyan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil sa nararamdaman ko...

"I asked inang to prepare plenty of fresh water for us. You have to drink alot of it para mabanlawan yung nainom mong tubig alat. Damn! Dapat talaga ay hindi na kita isinama sa pagsusurf..." Napansib ko ang pagigting ng panga nito at ang guilt sa mga mata nya .

Binawi ko ang mga kamay ko mula sa kanya at binigyan ko siya ng pilit na ngiti upang maibsan ang nararamdaman kong panlalambot...
"A-ayos lamang ako, Jaime. Wag mo akong alalahanin. At isa pa nagenjoy talaga ako ! Kakaibang experience ang ipinaranans mong iyon sa akin! I love the adrenaline! " sincire kong sabi rito.

Huminga ito ng malalim at kinuhang muli ang isa sa mga kamay ko at niyakag ako sa cottage na nirentahan niya para sa amin, kinuha lamang nito ang mga gamit namin kanina at niyakag na ako paalis.

"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo... Kailangan mo ng magpalit at magpahinga. " matigas na sabi nito habang nasa unahan ko siya at hila hila ako sa paglakad.

Natahimik ako sa sinabi nito. Kinakabahan kasi ako sa tono ng pananalita niya. Para bang galit ito sa kung ano... Sa akin ba? Pero ano ang ginawa ko?

Napanguso ako dahil sa pagiisip.

"Galit ka ba?" Kinakabahang tanong ko. Napahinto ito at hinarap ako.

Huminga ito ng malalim at napailing.
"Naiinis ako sa sarili ko dahil pinangako ko kanina na hindi ko hahayaang masaktan ka! Pero ako pa ang nagdala sayo sa makakasakit sayo!" Sabi nito sa gitna ng frustrations nito.muli  nitong tiningnan ang mga galos at namumulang parte ng braso ko na nakuha ko kanina...

Napangiwi ako dahil doon. 
Alam kong lalong nadadagdagan ang frustration nito.

Mabilisan kong iniwas sa kanya  ang kamay ko. At tumingin sa dagat... Pinakiramdaman ko ang kalmadong hampas ng alon... At pinagmasadan ang papalubog ng araw... Ang ganda niyon...pero di ko masyado maappreciate dahil sa epekto sa akin ni Jaime...

"N-nag-enjoy naman ako, Jaime... Kaya wag ka nang mag-simangot diyan at magalit." Muli ay hinarap ko siya at nginitian .

Yung ngiting hindi napipilitan...

Stavros 2: STONE COLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon