"Ai... Sigurado ka bang dito iyong dati nyong bahay na sinasabi mo?" Napangiti ako dahil sa ikatlong ulit niyang tanong sa akin simula ng makapasok kami sa Sitio Centro ng Balucuc.
"Oo nga. Ang kulit mo naman e!" Sabi ko sa kanya.
Simula nang muli kaming magkita sa University ay lagi ko na syang nakakasama at instantly I found a bestfriend on him. He is fun to be with and he has a sense to talk with. Minsan ay nagseselos na ang bitches sa kanya at si Moris dahio mas madalas ko na itong kasama kaysa sa kanila... Which is nakasanayan na din nila... Moris and him easily got along ... Magkasundong magkasundo sila ... Nakapunta na din siya sa Fiesta mi Familia namin minsan and I must say the Stavros accepted him naman... Lalo na at nalaman nilang ito ang nagtanggol sa akin ng minsang mabastos ako sa Pagudpud ... Yet Kuya Ymar ...my closest brother is kinda hard on him ...
"Sure ka ba talaga? Liblib ang bahaging ito ng lugar...Ai. Tingnan mo... Puro palayan na ang nakikita ko rito... " anito sa nagaalalang tono
Hay... Hindi ko alam pero napapailing nalamang ako rito. Nagpumilit pa kasing sumama sa akin rito e... Bakit hindi na lang siya tumuloy sa pagakyat sa Mt. Pulag... Gusto pa ay kasama ako lagi...
"Yes, my dear bestfriend! This is my homeland! Kaya alam ko na ito iyon... Malapit na tayo! Just turn left... " sabi ko sa kanya sa natatawang tinig ." I told you ... You should hike than going here with me. " dagdag ko pa.
He turned left as I said. Yes... He is driving his own car...kasunod lang namin ang sasakyan ng security team ko at niya.
How cool is that right? Pero pag gumagala kami ay sinasabihan namin silang magpanggap na sibilyan. I don't want to catch attention.
"No... I told you I want spending my free time with you Ai. And I want to climb Mt. Pulag with you... Gusto ko tulad ko ...iyon ag maging mother mountain mo." Anya pa.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya at naramdaman ang paginit ng pisngi ko. Lagi na lamang ganito ang epekto niya sa akin. Inabala ko na lamang ang sarili sa pagmamasid sa labas... Ang ganda talaga ng tanawin rito... Ang luntiang lupain... Na tila alon pagbumabayo ang hangin roon... And maaliwalas na panahon at ang mapaglaro at mahaharot na paglalaro ng mga hayop...
Napangiti ako ng makita ang pamilyar na bahay... Na pinalilibutan ng mga puno...
"Hayun ! Dun ! Jaime yun ang bahay namin ni mama Dionne!" Sabik na sabik kong turo sa kanya.
Narinig ko ang paghalakhak nito dahil siguro sa pagkaaliw sa akin... Kaya sinimangutan ko siya.
"You're cute... Ai. Don't frown. " anya at kasabay niyon ang pagparada nito sa loob ng bakuran...
Dali-dali akong bumaba at hindi na siya hinintay... Ngunit...
Di ko maiwasang di makaramdam ng kalungkutan dahil masukal at tila napabayaan ang lugar... Napansin ko rin na ang palayan ay di rin naalagaan...
Napagawi ang tingin ko sa duyang gawa sa yantok na lagi naming pahinga ni mama noon.. Nilapitan ko iyon at dinama... Alam kong pinanonood ako ni Jaime...
Naalala ko kung paano ako makipagharutan at habulan kay mama noon... Kung paano ko siya tulungan sa mga gawaing bahay ... At kung paano namin pinuno ng magagandang alaala ang lugar na ito... Ngunit napabayaan na... Bawat hakbang ko papasok ng dalawang palapag na bahay ay mabibigat... Kinuha ko ang susi sa aking bag at binuksan iyon...
Nilukob ako ng kalungkutan dahil maalikabog at madumi ang loob ng bahay... At kung paano ko ito iniwan noong bata pa ako ay ganun pa rin ang hitsura nito...
BINABASA MO ANG
Stavros 2: STONE COLD
ChickLit"How are you... Devone?It's been a decade huh?" The painful familiar voice ask from nowhere. I guess the Homecoming is real.