27

1.9K 47 4
                                    

"Ai... Susunduin kita pagkatapos ng klase mo okay?" ani Jaime sa akin habang nililigpit nito ang lunchbox na pinagkainan naming dalawa. Siya ang laging nagpiprisintang magluto ng lunch namin at baunin ito. Magkatabi ang condo unit namin sa Hernandez Tower kaya naman monitored nito maging ang pagkain at exercise ko.

Maalaga at sweet si Jaime pero mas lalo itong naging maaruga simula ng sagutin ko siya at maging kami officially sa Mt. Ulap last month matapos nya akong ligawan ng isang taon... Hindi lamang ako ang niligawan nito ngunit maging ang papa at ang pamilya nito... Lalong lalo na si aunt Yvangelin at kuya Ymar. Personal siyang nagpaalam sa mga ito upang ligawan ako bago pa man niya ako tanungin sa Mt. Pulag noon...

"Yes po..." natatawang sagot ko rito habang nakaupo ako sa bench at nakayakap ako sa beywang niya.

Naiiling na pinindot nito ang ilong ko at hinagkan iyon dahil sa pagsimangot ko... Napanguso ako dahil alam kong pulang pula ako ngayon.

"cute." anya pinisil ang magkabilang pisngi ko bago muling tumabi sa aking sa bench at akbayan ako.

"Mamumula nanaman ang ilong at pisngi ko." medyo may bahid ng inis kong sabi.

Tumawa naman ito at hinagkan ang magkabilang pisngi at noo ko.

"Sorry na , Ai... You're irresistable...kaya di ko mapigilan..." anya at niyakap ako.

"Bolero." sabi ko sa kanya at ginantihan siya ng yakap. 

" 2 weeks from now will be our first month..." anya sa akin.

Napangiti ako dahil alam kong nagppahiwatig ito sa kin... Nang sagutin ko kasi siya ay gusto nyang agad pagkahatid nya sa akin sa Yvangeline mansion ay ipakilala ko na siya bilang nobyo ko kina papa... Ngunit pinakiusapan ko siyang huwag na muna at sa first month na lamang namin since uuwi si kuya Ymar galing US dahil sa mayroon itong dalawang linggong bakasyon bago sumabak sa una nitong mission bilang isang navy seal, kumpleto ang pamilya non at plano ko siyang isama sa Fiesta mi Familia .

"Be my date sa fiesta mi familia next week... Ai " malambing kong sabi rito

Tila nagulat siya sa sinabi ko. "Sigurado ka ba dyan, Ai?" tanong nito.

Nakangiting tiningnan ko siya. "Yes...Jaime... You deserve to be introduced as my boyfriend to my family... Hindi ko kailanman pinlanong itago kita. " puno ng sinseridad kong sabi rito.

Niyakap nya ako ng mahigpit... "Thank you Ai... I love you so much...Dev... So much... So... It only means... Pwede na rin kita ipakilala sa mga Leviste at dela Marced bilang akin?" he said possessively.

Napangiti ako dahil doon... I love him being possessive... I find it sweet.

"As you please...Jaime." madamdaming kong saad rito. "I am so inlove with you too..." sabi ko.

"Get a room....guys!" napatingin kami sa pinagmulan ng tinig na iyon...natatawa ako ng makitang sina Mayumi iyon.na tila nandidiri sa amin...

"Respeto naman sa mga single" ani Summer

"Grabe ang dami agad ng comments sa friendster ko at blog ko ng ipost ko ang pics nyo!"ani Claire na busy sa laptop nya habang nakaconnect ang camera nya.

"Nako... Pasalamat ka Devone wala si Moris!"  ani Marishelle.

"Bagay na bagay talaga kayo! Wag nyo na kaming pansinin!" ani Gabriel

Natatawang naiiling nalamang kami sa kanila.

"Naririto na ang sundo mo Ai... Alam kong aagawin ka na naman nila sa akin... " malungkot na saad ni Jaime.

Stavros 2: STONE COLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon