Madilim na ng gabi ng nagising ako dahil parang may mabigat na bagay na nakapatong sa may parte ng katawan ko kaya lang hindi ko maigalaw ang katawan ko kahit pati daliri ko.
"Ahh Yuri" ng may marinig akong boses nakita kong may babaeng napakaganda pero baliw yata to eh bakit to nakapasok sa kwarto at lalong lalo na naka undergarments lang to.
"Si-sino ka?" Hindi maganda to nakahiga ako at habang nakaupo siya sa may thighs ko at hinawakan niya ang dulo ng t-shirt ko at dahandahan na itinaas ito na makikita na yung navel ko at huminto ito malapit sa itaas ng boobs ko pero hindi ko inaasahan na dinilaan niya simula sa pusod ko papunta sa may cleavage ko. Ramdam kong parang may nabubuong sensasyon sa buong katawan ko.
"I'm so happy na nakita na kita" naguguluhan ako sa sinabi nito eh hindi ko nga siya kilala sa tanang buhay ko. Lumapit ito sa may leeg ko at ang sumunod na nangyari naramdaman ko nalang na may dalawang matulis na bagay ang dumikit sa balat ko at dahandahang ininom nito ang dugo ko.
Riinnngggg rinnngggg ringgg
Napamulat ako hindi dahil sa tunog ng alarm clock kung hindi dahil sa masamang panaginip ko. Umayos ako ng upo at huminga ng malalim naramdaman kong medyo nabasa yung shirt ko dahil sa pawis. Ayoko man maniwala sa panaginip na yun ay parang totoo ito ng may masakit sa aking leeg hinawakan ko ito at nakita kong may dugo sa kamay ko. Dali dali akong pumunta sa banyo at humarap sa salamin at hinawi ang buhok ko na kung saan nakita kong may sugat leeg ko. Nagtataka ako paano ako nagkaroon ng dalawang maliit na butas hindi pwedeng mangyari na nakuha ko to sa panaginip ko dahil hindi totoo ang mga bampira. Matapos kong maligo pumunta ako sa closet at hinanap ang uniform ko at sinuot ito. Humarap ako sa human size na salamin at nakikita ko ang sarili ko blonde ang buhok hanggang sa dibdib nito at medyo kulot, nakasuot ako ng white polo sa sa ilalim na may light purple na blazer at violet na necktie na may black checkered lines ito at ganun din sa skirt ko na hanggang sa tuhod. Tinago ko nalang ang sugat ko gamit ang buhok ko sana naman walang makakita dito. Ng bumaba ako nakita ko ang dalawa kong kapatid na nagaaway sa isang waffle.
"Akin to"
"Hindi! akin to!" Sabi ni Kurt kay Kole kambal kasi sila at laging nag aaway pag pagkain na, nasa high school pa itong mga bubwit na to at laging habulin ng mga babae.
"Uy wag na kayong mag away oh ito sayo Kole" Inilapag ni mama ang isang plato na may nakalagay na waffle kinuha naman ito ni Kole at kinain.
"Ma, yung akin." Lumingon ito sa akin at ngumiti. Hindi mo maipagkakaila na kahit nasa 40's na ang edad nito ay maganda parin.
"Bagay sayo ang bago mong uniform yuri. Ahh teka kukunin ko lang ang sayo." Bumalik ito sa kusina at umupo ako kaharap ang dalawa kong kapatid na kambal.
"Ate, pahiram naman ng pera oh hindi kasi ako binigyan ni mama ng pambaon please" pagmamakaawa ni Kurt at nagpuppy eyes ito sa aken kinuha ko yung wallet ko binigyan siya ng pambaon niya. Si Kole ang pinakamabait at gentleman sa kanila habang si Kurt naman ang basagulero at babaero. Madali lang silang makilala kasi Kurt may light blue eyes habang si Kole may dark chocolate ang kulay ang mga mata nito. Ng bumalik si mama dala dala ang isang plato na may hotdog at dalawang piraso na toasted bread kinuha ko ito sa kanya at nagthank you. Matapos kaming kumain lumabas na kami at pumunta sa kotse na naghihintay sa amin si Davis ang driver namin nagbow ito sa amin at binuksan ang passenger's seat. Maaga pa naman kaya inuna muna namin ang paghatid sa bagong eskwelahan ng kapatid ko kahit sa loob ng kotse nagaasaran ito. Ng huminto na kami sa harap ng school nila at hinalikan ako sa magkabilang pisngi ko at sinabihan ako ng 'Good Luck' bago lumabas. Nagsimula ulit umandar ang kotse at patungo sa bagong kong pag-aaralan.
BINABASA MO ANG
I married a Vampire (GxG)(SPG)
VampirePaano kung paggising mo nalaman mo nalang na may asawa ka at higit sa lahat ang pinaka ayaw mong taong gustong makasama.