CHAP THIRTEEN

1.2K 38 16
                                    

"HAHAHA hahahahaha" masyadong malakas ang pagtawa ni Lyn pagkatapos nitong mapanood ang video na kumakalat sa social media. Habang pa-iling-iling naman si Kelly. Mabuti nalang at nasa loob sila sa isang VIP room sa mamahaling restaurant.

"Guys, please help me huhu." nalulugmok at mangiyak-ngiyak nitong sambit ng kawawang si Gigi sa mga kaibigan niya. Ngunit tiningnan lang siya ng dalawa. Wala kasi silang karapatan para patalsikin si Leah sa school. Pero kaya naman nilang gumawa ng paraan para hindi araw-araw mag-krus ang landas nilang dalawa. Hindi nila kasama sina Somi at Yuri dahil may kailangan silang puntahan. Pati rin si Sophia na hindi pumasok kahapon.

"Hindi mo naman siguro first kiss yun? Ang galing mo kasi dito. Pwede ka nang ipasok sa G- Club."

"Compliment ba yan o insulto?" matulin na tiningnan naman ni Kelly si Lyn na nakaupo din sa lounge. G-Club or Girl Club ay para sa mga nagseserbisyo sa mga babaeng hindi straight or bisexual. Marami na rin silang naririnig na maganda sa misteryosong bagong bar na iyon.

"Eh? Pwede both." nakangising sagot naman nito.

"Tumigil ka nga dyan. Gusto mo bang mag community service ka sa bakuran ng school natin. " seryosong sabi ni Kelly. Matagal na niyang alam ang hindi pag-a-attend nito sa ilang mga events sa school.

"Matataas na din naman ang mga weeds doon at kailangan ng putulin." patuloy niya.

"A-ano biro lang yun. Biro lang. Importante din naman sa akin si Gigi. Kaya nga may na isip akong paraan para tumigil si Leah sa kanya. " hindi naman nagsisinungaling si Lyn sa sinabi nito. Kaya agad siya nagbigay ng opinyon.

"Maghahanap tayo ng taong magpapanggap na girlfriend ni Gigi." Naghintay naman siya ng reaksyon mula sa mga kaibigan. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagsang-ayon sa kanya ni Kelly.

"May utak ka pala." tinap naman siya ng dalawang beses sa kanang balikat gamit ang kamay ni Kelly.

"Talagan--" hindi naman nito natuloy ang pagsasalita ng umiwas na sa kanya ang paningin ni Kelly at itinuon sa isa pang kaibigan na halos nakatunganga ng nakatitig sa basong may laman na mapulang likido. Naawa naman siya agad ng makita ang sitwasyon ngayon ni Gigi.

"Ba-bakit naman girlfriend? Bakit hindi soon to be 'BOYFRIEND'?"

"Isa pa to. Kailan ba niya gagamitin ang IQ niya." sa isip ni Kelly. Agad naman niyang ipinatong ang kaliwang kamay nito sa kaliwang balikat ni Gigi.

"Kung tutuusin Gigi walang magkakagusto sayo na mga lalake at maikukulong lang siya ni Leah kaya mas mabuti kung makahanap na tayo agad ng fake girlfriend mo." mahinahon naman siyang nagpaliwanag sa kaibigan. Atsaka niya nakitang mabilis na tinungga ni Gigi ang alak sa baso na makakalasing rito. Akala kasi nito ang basong ginamit ay may laman na juice dahil matamis din ito.

"G-gusto ko ng umuwi." may lungkot naman sa boses ni Gigi. Nakapag desisyon siyang magiging malakas ang loob nito kapag nagkita muli sila ni Leah Krystal Montes.

Hindi niya napansin na nagkamali siya ng ininom. Alam niyang mahina siya sa alak at agad naman uminit ang mukha nito. Tumalab ang epekto nito sa kanya. Para siyang lalagnatin sa nararamdaman niya ngayon.

"Bakit parang *hic* may isang *hic* Kelly akong nakikita. *hic* hehe" nahihilo na ang ulo nito at nagiging kulay kamatis na ang mga pisngi.

"At pati rin *hic* ikaw." hindi niya maayos maturo si Lyn na nagtataka naman sa mga galaw niya.


Kelly's POV

"I kip sheying noh ohhh~~" kumanta naman ngayon si Gigi habang tinutulungan ko siyang makapunta sa CR ng restaurant. Hinawakan ko ng mahigpit ang kabilang beywang nito gamit ang kaliwang kamay ko at pina-akbay ang kanang braso nito sa kanang balikat ko atsaka rin hinawakan ang kanang kamay nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I married a Vampire (GxG)(SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon