CHAP SEVEN

1.8K 57 0
                                    

Kelly's POV

Pansin kong medyo wala sa sarili ngayon si Yuri na parang siyang balisa. Kasi kanina pa ito tingin ng tingin sa paligid nito ngunit wala naman akong nakikitang na nakaka suspetyang bagay subalit mga mahahalin at magagandang damit lamang na naka display, may mga taong namimili at ibang sales lady sa loob ng botique na pagmamay-ari ng ate kong si Pauleen.

"Kelly! Eh-Ito bagay ba saken?" tawag sa akin ng bungangirang si Lyn. Na animoy tangang modelo na nagpo-pose habang hawak-hawak ang isang kulay gold at makintab na dress na hanggang ibabaw ng tuhod nito.

"Yung totoo?", tanong ko sa kanya na nakapoker-face. Tumango ito ng dalawang beses na may ngiti sa labi.

"Hindi, para kang isdang nasa dagat.", kitang-kita ko ang pagbago ng itsura nito pero maya't-maya ang nakapout nitong lips ay bigla nalang ngumisi ng nakakabaliw.

"Talaga? Anong klaseng isda? Goldfish?" kanina pa ako nanggigil sa babaeng to..tsk..

"Hindi..Isa kang Clownfish.."diretso kong sabi dito. Dinig ko ang pagtawa nila Gigi atsaka ako tumalikod papunta sa sofa na kung saan hugis letrang 'c' na malapit lamang sa amin at umupo na nakaharap sa mga kaibigan ko na ngayo'y inaawat si Lyn na mukhang lion na inis na inis at handa akong sapaken. Buti nalang talaga at hinawakan siya sa magkabilang braso nito nila Sophia at Gigi.

"Ikaw talaga Kelly pinapahamak mo talaga ang sarili mo.", bulyaw sa akin ni Yuri atsaka ito umupo sa tabi ko. Hindi ako makasagot kasi lagi nalang kasing ganito ang eksena namin ni Lyn pero magkaibigan naman ang turingan namin atsaka hindi ko alam kung bakit ganito ako pagdating sa kanya. Siguro dahil magkaiba lang talaga kami ng ugali. Hindi ko namalayan na napangiti napala ako habang iniisip 'yon.

"Masmaganda ka pala kapag nakangiti.", puri sa akin ng katabki ko at napatingin ako sa kanya ng bigla.

"Hehe minsan lang kasi kitang makitang na nakasmile.", sabi ni Yuri na nakangiti habang pinagmamasdan ko siya parang akong napastatwa sa ganda nito. Oo alam kong maganda din ako pero iba yung nasa kanya para bang hinihikayat ako nitong lumapit at hagkan siya ng mahigpit. Mahinang iniwaksi ko yung ulo ko atsaka lumingon sa kinaroroonan nila Gigi na busy sa pagpili ng mga damit na susuotin.

Hindi ko maiwasang magnakaw ng maiikling tingin sa katabi ko na tahimik ngayon. Rinig na rinig ko ang ingay dito sa botique na mga boses ng iba't ibang tao at...

"Kyaaaahhh!"

...atsaka 'kyah'. Huh? Sabay kaming napatingin ni Yuri sa kung saan narinig namin ang sigaw ni Sophia na nanggagaling sa loob ng fitting room. Napatakbo kami at pansin kong wala na sila Gigi at Lyn sa paligid. Bumilis bigla yung tibok ng puso ko. Paano kung may nangyaring masama sa kanila? Pinakalma ko muna ang sarili ko. Walang maiidulot ang pagkapraning ko ngayon.

Nasa harap kami ng pintuan ng fitting room ni Sophia, ng may lumapit sa amin na isang sales lady na nangangamba din sa nangyari. Pinipilit kong mabuksan ang pinto habang hawak ang doorknob nito. Subalit nakalocked ito atsaka ko idinikit yung kaliwang taenga sa pintuan. Wala akong marinig na ingay sa loob.

"Ma'am Kelly, ano pong nangyayari?" tanong sa akin nung babaeng nagtratrabaho dito, ngunit imbis na sagutin ko siya ay sinabihan kong kunin yung susi para dito.

Tanaw kong may ibang mga customers na napapatingin sa amin, ayaw kong maipakitang natataranta ako kaya humingi muna ako ng pasensya atsaka ngumiti nalang ako sa kanila para masiguradong hindi sila mag-alala. Nang maibigay sa akin ang susi, binuksan ko agad ang pinto at bumungad sa akin ang nakakabiglang pangyayari.

"Shit.", rinig kong may nagmura sa likod ko. Yun yata yung sales lady kanina.

"K-kelly...he.lp..me.." parang maiiyak na pagtawag sa akin ni Sophia. Nakaupo sila sa sahig habang nasa likod naman niya si Lyn na pinipilit tanggalin yung white polo shirt niya, nabuksan yung una at dalawang butones sa taas at nakikita na yung maputi at makinis niyang collarbone. Medyo hindi maayos ang lagay ng eyeglass niya at hawak-hawak niya ng mahigpit yung pang-itaas niya habang yung isang kamay niya ay binababa yung dulo ng palda niya para matabuanan yung tuhod. Natanggalan pati din yung isang sapatos niya na nasa sulok, at suot-suot parin ang medyas niyang kulay pink at sapatos na itim sa kaliwa. 

Atsaka parang siyang niri-rape ni malademonyang Lyn nato kaya. Agad kong isinarado ang pinto baka may makakita pa sa kanya sa ganoon na sitwasyon sa ginagawa nila. Napahawak nalang ako sa sintido ko baka anong magawa ko kay Lyn sa nangyari.

"Oh Masakit ba ang ulo mo Kelly?", pagtingin ko sa kung kanino yung boses ay parang bigla nalang sumakit lalo yung ulo ko ng makita kong nakatayo si Gigi sa harap ko na sarap na sarap at wari'y batang kumakain ng tsokolate na ice cream.

"Ah saan ka nanggaling?", tanong ni Yuri kay Gigi.

"May nakita kasi akong stall sa labas kaya bumili muna ako hehe. Gusto niyo ba? Samahan ko na kayo.", pagaalok nito samin.

"Tsk", bumalik nalang ako sa sofa at kinuha yung cellphone ko para maglaro nalang para mawala yung sakit sa ulo ko. Ugh nakakastress ang mga tao ngayon.

[Author: Hello reader, sana nagustuhan mo tong ginawa kong another chapter..^_^...natagalan ako ng update kasi may project pa kaming tinapos. Atsaka pagbubutihin kong gumawa ulit ng chapter para dito upang makabawi ulit sa inyo..Thank you..]

I married a Vampire (GxG)(SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon