Yuri's POV
Nilalaro ko yung black ballpen ko na nasa kanang kamay, iniikot ko ito gamit ang mga mala kandilang daliri ko at maya-maya nagsulat sa isang malinis na pirasong papel na nakapatong sa malapad na plastik na hugis parisukat na mesa na may apat na patayong bakal na parehong hugis at kataasan. Nakaupo ako ngayon sa ika-limang row at ika-anim na column malapit sa maypintuan na bukas. Nagtuturo kasi yung guro namin kaya medyo nakafocus ako sa discussion niya tungkol sa Economics. At syempre katabi ko ngayon sa subject na ito ang the one and only kung 'asawa' na si Somi. Nasa iisang bahay na kami nakatira at ang makulit na babae nato ay plinano talaga niyang isa lang ang kwarto at sa nag-i-ISANG kama. Nakakainis lang talaga tsk..kahit na maganda siya sa paningin ng mga tao ay nakakadismaya naman ang panloob nito..(huwag green minded) I mean ang kanyang pakikitungo saken. Kunwaring mabait sa pamilya ko pero 'pag nakatalikod sila, ang manyakis nato sinasaniban yata lagi. Tulad ngayon na kung makatingin akala mo'y may nakitang bagong laruan na gustong bilhin. Eh kung tusukin ko kaya mata nito para matigil haha joke lang baka madamay pa 'yong pamilya ko at ilagay pa ako sa headline ng newspaper..'The only Daughter of Vladimir became blind because of her crazy wife- Yuri Decoraux-Vladimir.' Naku..huwag naman naman ganun at baka bumagsak ang business ng pamilya ko at makulong pa ako.
"Meron ba sa inyo ang nakakaalam ng Substitution effect?", tanong ng babaeng guro na nakatayo sa gitna malapit sa white board ng room.
"Anyone?" At syempre nagsitaasan naman yung feeling alam at may alam. At sa kasamaang palad ako pa talaga ang pinili ng bruha nato. Wala na..hate ko pa naman tong subject nato tsk..Tumayo ako galing sa pagkakaupo at tumingin muna ako sa mga mata ng tarsier ay este titser pala, bago ako sumagot. Syempre kahit na hate ko ito hindi naman ako pabaya sa mga studies ko na kung makapagbigay ng mga lessons eh akala mo naman memory card tong maliit na utak ko eh hindi naman..kung ano lang kaya iyon lang dapat ang mailalabas..Ibinuka ko ang kulay pink kong labi..
"Ma'am ang substitution effect refers to the impact of a change in a product's price on its relative value compared to other commodities and consequently on the quantity demanded of the product."
Guess who? Syempre yung lalake na nasa likod ko ang sumagot. Nagtaka ako bakit siya ang sumagot eh ako naman ang tinuro..talaga naman oh itong si ma'am hindi kinaklaro..
"Good Mr. Powell." Kili-kili powell haha syempre sa mind ko lang po yan "At ikaw Ms. Decoraux bakit nakatayo ka pa rin hindi naman kita tinawag." Eh? So, si kili-kili powell este si Powell pala yung tinuro niya kanina akala ko ako eh. "I'm sorry Ma'am inaayos ko lang po yung upuan ko." At dalidali kong inayos yung chair ko bago ko hinawakan ang magkabilang gilid ng desk at inusog ng konti palapit sa akin pagkatapos ay umupo ako ng maayos. Sana maniwala ka..sana maniwala ka...Ikinikrus ko yung dalawang daliri ko sa kanan na nakatago sa taas ng puwetan ko. Napakastrict pa naman nitong guro namin ngayon balita ko kasi sa iba na masama raw itong magalit.
"Ganun ba? Sa susunod pag inulit mo yung ginawa mo kanina sa labas ka na makikinig ng klase ko." Sabi niya na may halong irita sa boses nito.
"Yes, ma'am.", pabalik na sagot ko sa kanya. At nagpatuloy na itong magturo. Huminga ako ng malalim habang nakalagay ang kaliwang kamay ko sa dibidib.
Kung nagtataka kayo kung bakit last name parin ng pamilya ko ang ginamit kasi inirequest ko na ayaw ko munang ipaalam sa iba ang kasal namin at palitan yung apelyido ko. Atsaka gusto kong pagkatapos kong gumadruate ay doon na namin ilalantad sa lahat.
May mahinang tawa akong narinig, nilingon ko yung katabi ko ngayon na si Somi na tinakpan niya ang kanyang bibig gamit ang notebook na hawak-hawak niya. Maya-maya lumingon ito sa akin at bumigkas ng "C-U-T-E." sabay kindat ng kanang mata niya saken. Biglang naginit yung buong katawan ko at bumilis ang pintig ng puso ko. Paanong..
Iniwaksi ko yung ulo ko at tumuon kay ma'am na ngayon ay may isinusulat sa white board.
Kring krrinnng kriingg
Tumunog yung school bell namin, nakakatawa talaga ang tunog na yun parang KRUNG KRUNG hahaha.. ok..alam ko hindi nakakatawa kaya walang basagan ng trip.
"Magkakaroon tayo ng quiz sa Friday, kaya mag aral kayong mabuti kung ayaw niyong bumagsak." Sabi ni ma'am tarsier at lumabas na ito ng room. Kakaiba talaga yung si ma'am liit ang lupit.
Naramdaman kong may kumalabit sa sleeve ng blazer ko at nilingon ko ito.
"Sabay na tayo.", ma-awtoridad niyang sabi saken pero yung mukha niya'y namumula parang nahiya na iwan haha. Hindi ko napansin na kinuha na pala nito yung bag ko at isinabit sa kanang balikat nito.
"Hi-hindi pwede m-may pupuntahan pa ako.", bulyaw ko dito at kinuha sa kanya yung bag ko. Nakita kong nagiba ang mukha nito na nakabusangot na ngayon.
"At saan ka naman pupunta?", tanong nito na may kalakasan. Tumingin muna ako sa paligid at ng malaman kong wala nang estudyante sa loob ng room maliban sa aming dalawa, atsaka ako humarap sa kanya.
"Bakit ba napakaselfish mo, gusto ko lang naman sumama kina Gigi sa mall na pupuntahan namin at mamasyal.", gigil na gigil na sabi ko sakanya. Kasi naman lagi nalang niya akong sinusundan at minsan naman ay binabawalan ako nitong lumabas. Kung hindi lang dahil sa kasunduan ng pamilya namin ay hindi sana ganito ang buhay ko ngayon na nakatali sa isang maganda at baliw na babae na ito. A-anong maganda ang pinagsasabi mo Yuri? Baliw siya ok?baliw yan.. Nagtatalo yung isip ko nang..
Bigla akong niyakap ng medyo mahigpit at ramdam ko ang mainit na hininga nito malapit sa aking tenga.
"I'm so sorry my queen..", sincere na pagkakasabi nito at pilit kong pinapakalma ang sarili dahil bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
"Gusto ko lang naman na maging safe ka..", pagpatuloy niya. Humiwalay ito sa pagkakayakap sa aken at hinawakan ang dalawang kamay ko nang medyo malamig na kamay niya. Sa hindi malamang kadahilanan tuminingin ako sa mga mata nito.
"Hindi mo alam kung anong mararamdaman ng puso ko kapag wala ka sa tabi ko, at kung anu-anong pumapasok sa isip ko kung may nangyari bang masama sayo o di kaya'y kinuha ka sa akin ng mga masasamang loob. Alam mo bang kapag nasa tabi kita nagiging panatag ako dahil alam kong maproprotektahan ko ang taong espesyal sa buhay ko." Sa pagbigkas niya sa mga salitang iyon ay ramdam ko ang pagka-alala nito at damang-dama ang pagmamahal saken.
"Mahal na mahal kita, Yuri."
Parang may kung anong kumirot sa puso ko at pagkatapos ay may mainit na dumaloy sa mukha ko.
"I -", sasalita na sana ako ng tumunog yung cellphone ko. Kumawala ako sa pagkakahawak ng kamay ni Somi saken at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko. Bumungad sa akin ang caller ID ni Gigi, bago ko ito sinagot lumingon muna ako kay Somi na bakas sa mukha nito ang pagka dismaya. Binaliwala ko nalang ito at itinapat ang cellphone ko sa kanang tenga at marinig ang boses ni Gigi.
"Nasaan kana? Kanina pa kami rito na naghihintay sa may gate.."
"Papunta na ako dyan, maykinakausap lang ako sandali."
"Dalian mo, baka pagdating natin dun sarado na."
"Oo, hintay lang kayo paalis na ako."
Binaba ko na ang tawag at ibinalik sa bulsa ko. Habang isinuot ko yung shoulder bag ko, biglang nagsalita si Somi.
"Magiingat ka..sa bahay nalita aantayin.", sabi niya atsaka ito kumaripas ng takbo dala-dala ang bag nito palabas ng room. Napailing nalang ako dahil nagbago ang isip nito, akala ko ba gusto niyang makasama ako eh bakit ngayon siya pa itong unang umalis. Ng maalala kong may nagiintay na mga kaibigan saken sa gate. Paalis na ako nang may mapansin akong itim na kard sa sahig malapit sa pintuan. Kinuha ko ito at luminga-linga sa koridor kung may taong dumaan pero wala naman. Bumalik ang paningin ko sa hawak ko ngayon at pansin kong may nakasulat na initials sa baba nito na K.L. Anong gagawin ko dito? Inilagay ko nalang ito sa loob ng bag ko at nagpatuloy na lumakad palabas ng school.
Nang masilayan ko na sila Gigi na nakatayo malapit sa pader. Ng lumingon sila sa kintatayuan ko pagkatapos ay ngumiti ito sa aken. Lumapit ako sa kanila na may ngiti sa labi.
"Ba't ba natagalan ka? Atsaka nasaan na yung si Somi? Bakit 'di mo kasama?", sunod-sunod na tanong ni Lyn saken.
"Nauna ng umuwi.", sagot ko dito.
"Tayo na..nagmomoment nanaman kayo diyan, malili-late na tayo nito tsk.", si Kelly yung nagsalita. Bakit parang masama ang araw nito?
"Hay naku..sorry Ri ha? Ano kasi red days niya ngayon haha" , biglang akbay sa akin ni Lyn habang sinasabi iyon.
Biglang may huminto na itim na kotse sa harapan namin at bumaba ang windshield nito sa may backseat.
"Tara na guys.", sabi ni Sophia sa amin na nakaupo sa may backseat. Pumasok na kami sa kotse at pinaandar na ito patungo sa destinasyon na pupuntahan namin.
Third Person's POV
May babaeng nagtatago sa likod ng malaking puno na tinitingan ang grupo nila Yuri kanina pa. Atsaka niya sinundan ito gamit ang kapangyarihan nito na teleportation kasi sa isip nito kung gagamitin niya yung kanyang kotse ay baka mahalata siya nito.
**

BINABASA MO ANG
I married a Vampire (GxG)(SPG)
VampirePaano kung paggising mo nalaman mo nalang na may asawa ka at higit sa lahat ang pinaka ayaw mong taong gustong makasama.