CHAP NINE

1.7K 45 0
                                    


May mga grupo ng bampira ang naghahaliksik ng iba't ibang uri ng halaman para may pagkukuhanan ng 'Hiertz'. Ito yung maipagkukumpara na rin sa dugo ng tao.

Parang siyang gamot na kawangis ang isang maliit na tableta na kulay berde, hindi ito matapang o kaya'y matamis. Iniinom lang ito kapag naguudyok ang pagiging bampira o nagugutom pero may ibang mga bampira rin ang hindi sumasang-ayon dito like my uncle na halos galit sa tao at sa ka-uri niya. Hindi siya mahagilap ng aking ama simula nung--.

"Ate, mukhang tulog pa po ata siya sa kwarto." , nakangising sabi nitong kapatid ni Yuri na si Kurt. Umaga na ng pumunta ako dito sa bahay ng pamilya niya.

"Ganun ba? Pupuntahan ko nalang siya kwarto niya.", sabi ko dito.

"Ah Sige po ate." Pagkatapos kong makipagusap sa kanya, umakyat ako sa hagdan nila at binuksan ang isang kulay pink na pintuan. Nakita ko ka agad si Yuri na mahimbing na natutulog sa higaan nito. Pumunta agad ako sa tabi niya at isinarado ang pinto gamit ang kaunting kapangyarihan ko.

"Yuri.", tawag ko dito at mahinang inalog ko siya sa balikat pero mukha talagang pagod ito mula kahapon. Umupo ako sa sahig para mapantayan ang mukha ko sa kanya. Hmm mas mabuti siguro kung parating tulog ito kasi mas mahinahon at mukhang anghel kapag natutulog haha. Medyo matagal akong nakatitig dito ng may binanggit siya habang nakapikit pa rin ang mga mata nito.

"Hmm Anemone", nabigla ako sa sinabi niya. Kapangalan ito sa isang bulaklak na walang nilalabas na amoy pero maganda. May iba't ibang uri ito ng kulay may puti, purple at iba pa. Pero mas gusto ko ang kulay na pula dahil ito ang paborito ng namatay kong kapatid. Napansin kong gising na siya atsaka ito umupo sa pagkakahiga. Kailangan ko siyang tanungin habang sariwa pa ang memorya nito.

"Guten morgen, mein lieber." malambing na sabi ko sa kanya. Mabilis itong lumingon sa akin pababa at ang kanyang inaantok na mga mata bigla na lang dumilat. Medyo magulo yung buhok niya kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo at inayos ito.

['Guten morgen, mein lieber.'---ibig sabihin Good morning, my love.]

"A-anong gi-ginagawa mo dito!?", hinawakan nito ang kumot at mabilis tinakip ito sa dibdib. Bakit kaya 'to nagtakip? Wala ba siyang suot na bra? Hindi ko nalang pinansin kasi makikita ko din naman sa tamang panahon bwahahah.

"Sinusundo ka. Atsaka may itatanong ako, kasi nung natutulog ka kanina may binanggit kang Anemone. Gusto kong malaman kung ano yung panaginip mo?" medyo seryosong sabi ko sa kanya. Nagtatakang nakatingin lang ito sakin, mukhang nawala na ata.

"Hindi ko na maalala, kaya pwede ka ng bumaba maliligo muna ako.", tumayo na rin ito habang hawak-hawak ng isang kamay niya ang kumot at pinagtutulak ako sa likod patungong pintuan. Tumigil ako at humarap ako sa kanya na may nakakalokong ngiti sa labi.

"A-anong nginingiti mo diyan?", tanong niya agad. Hmm ano nga ba? Mahigpit niyang hinawakan ang kumot. Gusto ko lang ng morning kiss niya kaya ngumuso ako at ipinikit ang mga mata ko sa kanya. Pagkatapos ay tinuturo ko ang lips ko para halikan niya pero parang matagal na yata akong nakatayo dito. Nung idinilat ko yung mga mata ko napansin kong isang nakayukom na kamao ang nakaharap sakin. Masyado yata siyang malambing ngayon haha. Sumuko nalang ako at lumabas sa kwarto.

"Huwag kang papasok kung ayaw mong magkapasa!", rinig kong sigaw niya mula sa loob. "Okay!", sagot ko dito. Pumunta nalang ako sa baba para kumustahin ang mga magulang ni Yuri.

"Hello po, tita.", bati ko sa mommy ni Yuri. Mukhang pumasok na sa trabaho ang daddy ni Yuri at ang mommy lang niya ang naabutan ko. Ngumiti ito at saglit na niyakap ako. "Somi iha, nakapagimpake na ba kayo?", tanong nito. Oo nga pala may biyahe pa kami mamaya.

I married a Vampire (GxG)(SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon