Yuri
Malaki ang eskwelahan na pinasukan ko maraming estudyanteng naglalakad patungo sa kani kanilang silid. Ng mapagtanto kung kailangan ko nga palang pumunta sa opisina para kunin yung schedule ko, may nakita akong babaeng nakatalikod na tinitingnan ang billboard kaya tinapik ko ito sa kaliwang balikat nito, hindi naman ako na nagkamali at lumingon ito sa akin. Naka eyeglass ito at itim ang buhok hanggang sa balikat nito at may kataasan na 5"3.
"Uhm tanong ko lang kung saan ang opisina ng punong guro dito? " tanong ko dito pero ngumiti lang ito sa akin itong dahilan at nakita kong may braces pala ito, bingi ba to kasi halos mag iisang minuto na ang nakalipas hindi parin ito sinasagot ang tanong ko.
"Ah sige miss thank you" aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang right wrist ko at hinatak sa kung saan. Ng huminto kami sa malaking pinto at itinulak ito bumungad sakin ang isang babae na hinahalikan ang isa pang babae na naka upo sa desk nito. Teka lang parang mali yata tong napasukan namin. Bigla na lang nagiba yung mukha ng kasama ko na parang inagawan ng pagkain.
"Oh ikaw pala yan Sophia bat ka nandito?"
Yung babaeng naka black suit ang nagsalita. Sophia pala ang pangalan nitong katabi ko at hindi parin ako binibitawan nito hanggang ngayon ng tinitingnan nung nagsalita kanina tong kasama ko. Humiwalay yung pormal na suot na babae at umupo sa swivel chair habang yung babaeng nakaupo kanina sa mesa ay bumaba ito at inayos ang butones nito ay bigla nalang ito papunta sa amin at lumabas sa pintuan hindi lang yun parang sinadya niyang idikit yung kamay namin.
"At sino naman yang kasama mo?" tanong ulit nung babae.
"Transfer student" nabigla ako ng marinig ko ang boses ni Sophia nakakapagsalita pala to akala ko wala tong marinig at hindi makapagsalita. Parang nagenlighten yung mukha ng babae kanina at nagsmile ito sakin."I'm so sorry Ms. Yuri Decoraux kung yun ang naabutan mo kanina. Ako nga pala si Qyrzvyx(Kirzviks) Santiago ang inyong dean dito. By the way..." may kinuha siyang brown enveloped at binigay sa akin.
"Nandyan na lahat ng schedules at pati na rin ang map nitong school para hindi ka maligaw." Nagbow kami sa kanya at umalis sa opisina. Tiningnan ko yung schedules ko at ang unang klase ko ay IT 02 hanggang ngayon katabi ko si Sophia.
"Salamat pala sa pagtulong mo saken. Sige maua na ako."
Tumalikod na ako at sinimulan kong hanapin yung room ko at sa wakas matapos ang kalbaryo ko nahanap ko narin. Kumatok muna ako bago pumasok ng makita kong naabala ko ang pagtuturo. Nilapitan ko yung bago kong instructor at ipinakita yung papeles ko at naconvinced naman ito.
"Class this is Ms. Yuri Decoraux your new classmate." pagpapakilala ng panot na Instructor humarap ako sa buong klase at nagbow ako ng kunti.
"You can sit beside Ms. Clinton." May nagtaas ng kamay sa may dulo ng klase malapit sa may bintana. Lumakad ako patungo dito at umupo sa tabi niya.
"I'm Gabby Gill Clinton. Just call me GiGi" inilahad nito ang kamay niya sakin at tinanggap ko naman at nakipagshakehands.
"ehem maya nayan may klase pa tayo." pangiistorbo nung panot kaya naputol yung pagkilala namin. Ngumisi lang tong GiGi at lumingon sa kung saan nagtuturo yung panot kung ano ang PHP(Hypertext Preprocessor).
*****
Ng matapos ang klase pumunta ako sa cafeteria kasama si Gigi. Nagorder ito ng marami habang hotdog with sandwich lang akin at gatas na nasa maliit na kariton. Naghanap agad kami ng mauupuan ng mapansin kong may nagwaved sa amin at nag waved back din si Gigi.
"Halika ipapakilala kita sa kanila" sambit nito at hinawakan niya ang kamay ko at hinatak papunta sa grupo ng mga babae.
"Upo ka" sabi nung may kulay pink na buhok at ginawa ko yung sinabi niya at umupo na rin si Gigi.
"Sino sya?" tanong nung may pink na buhok ulit kay Gigi pero nakatingin lang to sa akin.
"Siya si Yuri Decoraux bagong estudyante dito at saka huwag mo nga siya tingnan ng ganyan baka matakot sayo." Ngumisi ito at bumalik sa pagkain pero napansin kong familiar yung isang babae sa kanila.
"Yuri, yung may pink na buhok si Lyn." pagpapakilala sa akin ni Gigi.
"Hey gandahan mo naman ang pagintro mo sakin" sabi nito pero binaliwala lang ni Gigi at pinagpatuloy ang pagpapakilala sa kanila. Yung katabi ni Gigi nagbabasa ng libro ay si Kelly at yung katabi ni Kelly na familiar sakin si Sophia. Ng maalala kong siya yung tumulong sa ken kanina. Habang kumakain kami may napansin akong may pinagkakaguluhan banda sa cafeteria.
"Nanaman" bulyaw ni Kelly, tumayo ito at sinundan namin siya. Nglumalakad sa unahan si Kelly pansin kong tumatabi yung ibang estudyante sa daanan nito. Pagkadating namin nakita kong may nakahiga na lalake sa sahig at parang namamalipit ito sa sakin niya sa tiyan.
"Ah ano naman bang ginawa mo Somi Vladimir?" tanong nito sa katabi ng lalake na nakatayo at parang nainis ng makita niya si Kelly. May katangkaran ito at kulay gray ang buhok pero makintab at napakaganda niya.
"Wala" sagot nito pero nagiba ang mukha ni Kelly at parang hindi na convinced sa sinagot nito. Huminga ng malalim si Kelly at tiningnan yung ibang estudyante. Tinuro niya yung dalawang lalake at sinabihan na buhatin yung lalake na nakahiga sa sahig at dalhin sa clinic.
"And you Vladimir! Sumama ka sakin." Hinawakan niya ito sa tenga at kinadkad palabas pero nang magtama ang mga mata namin nagpupumiglas ito pero dahil mashinigpitan ito ni Kelly hindi na makapalag pa at sinundan ito ni Sophia. Ng matapos na ang eksena bumalik kami at nalaman kong Student Council President pala si Kelly at Vice-president si Sophia.
***
Tapos na ang buong klase at naglalakad ako sa may gate na nagaantay na sakin si Davis. Pumasok na ako sa kotse at umuwi sa bahay.
BINABASA MO ANG
I married a Vampire (GxG)(SPG)
VampiriPaano kung paggising mo nalaman mo nalang na may asawa ka at higit sa lahat ang pinaka ayaw mong taong gustong makasama.