CHAP ELEVEN

868 29 0
                                    

Humiga muna sa kama si Yuri bago sinagot si Sophia. Kasama niya ito sa kwarto dahil hindi pa bumabalik sina Somi galing ospital. Nagkataon kasing may Low Pressure Area na paparating sa lugar na pinagbakasyonan nito.

"Okay lang talaga ako dito." sabi niya kay Sophia na nakatayo malapit sa pintuan. Medyo may pag-aalala pa rin sa mukha ng kaibigan dahil nga mag-isa lang siya sa kwarto.

"Ku-kung gusto mo samahan nalang kita. Mukhang bukas pa naman sila makakabalik. " Ramdam ni Sophia ang lakas at bilis ng pagtibok ng puso nito. Ngayon lang niya makakasama sa i-isang kwarto ang taong gusto niya sa isang gabi. Halos nagiinit na ang mukha nito pati na rin ang katawan sa dahilan ng mga larawan na nabubuo sa isip nito.

Nagtakip na ng kumot si Yuri atsaka tiningnan niya ang kaibigan. Kung tutuusin wala ding kasama si Sophia sa kwarto nito kaya napagisip niya na mas mabuti na magkasama silang dalawa. Tumango nalang siya at may kasamang ngiti sa labi.

"Sa higaan ka muna ni Somi matulog." at nang marinig ni Sophia ang boses ni Yuri saka lamang siya nagising sa mga pantasya niya. Nakakhiya. Iniwaksi nalang nito ang mga seksuwalidad na nasa utak niya ngayon. Isinirado niya muna ang pintuan atsaka ni-locked ito. Paniguradong hindi siya makakatulog ng maayos ngayong gabi dahil sa sobrang  na raramdaman niya ngayon. Lumakad siya papunta sa higaan ni Somi saka siya umupo. Tiningnan niya muna si Yuri na ngayon ay nakatalikod sa kanya.

"Good night." sabi nito atsaka siya humiga.

"Night." sagot naman ni Yuri sa kanya. Hinding-hindi niya malilimutan ang gabing ito.

***

"Tapusin mo na siya." mahina at may mala-demonyong boses ang narinig ni Sophia malapit sa kanang tenga nito. Bumangon siya at biglang naging pula ang asul nitong mga mata. Atsaka may kinuhang puting unan at pumunta sa gilid ng higaan ni Yuri. Hinawakan na nito ang dalawang dulo ng unan at dahan-dahang itatapat sa natutulog sa mukha ng dalaga. Pero hindi naging madali ang gagawin nitong pagpaslang dahil bumalik sa pagiging asul ang kanang mata nito at pilit na nilalabanan ang kumukontrol sa katawan niya. Napapaatras ito ng ilang mga hakbang.

"Ugh Who are you?" sumasakit lalo sa mga oras na iyon ang ulo niya. At imbes na sagutin ito ay bigla siya nawalan ng malay kaya nakahandusay siya sahig. Narinig naman ni Yuri ang pagkalabog at nagising ito. Nakita na lamang niya si Sophia na pawisan ng kunti na hindi niya alam kung ano ang nangyari. Mabilis niya itong tinulungan at pinahiga sa kama nito.

"Sophia." tinawag niya ito pero wala siyang sagot na marinig. Nang mahawakan niya muli ang braso nito ay medyo mainit ito at sinugarado niya muna na tama ang iniisip. Hinawakan naman niya ang noo ni Sophia at nakapagdesisyon siyang kumuha ng tuwalya sa closet. Kailangan niyang ibalik ang normal body temperature ng kaibigan at nagpatulong narin ito sa mama niya.

***

Hindi makakain ng maayos si Sophia dahil pakiramdam niya may isang pares ng mata ang nakatingin sakanya ngayon. At tama nga ang hinala nito, dahil nang lumingon siya sa kaliwa ay bumungad sa kanya si Somi na naniningkit na tiningnan siya nito sa hapag kainan. Sinapak naman siya sa likod ng ulo ni Yuri kaya nawala ang mga titig nito sa kanya.

"What?" medyo malakas yung sinabi ni Somi kaya napatingin naman silang lahat sa kanya. Kunwaring hinihimas nito ang lugar na kung saan siya binatukan ng asawa habang nakapout. Nagseselos kasi ito dahil nga nalaman niyang nakitulog pala ang kaibigan ng mahal niya sa kwarto nila. Medyo may pagsisisi siya ng sumama siya kahapon.

"May dumapo kasing langaw." pagpapaliwanag ni Yuri sa kanya atsaka ito tinaasan ng dalawang beses ng kanang kilay na si Somi lamang ang makakakita. Alam nitong  pinapapatigil lang siya sa ginagawa niyang pagtitig kay Sophia.

"Mukhang malapit na talaga kayo sa isa't isa. May hindi pa ba kami nalalaman?" nagbibirong tanong naman ni Gigi sa kanila. Agad naman napabuga ng tubig si Kurt sa mukha ng kakambal niyang si Kole. Nabigla si Yuri sa narinig nito at pati narin ang pamilya niya na nasa dining room.

"Ano ba! Iniinom yung tubig hindi ka naman nagsabi na ibubuga mo lang pala sa mukha ko." pagrereklamo ni Kole habang pinupunasan niya ito ng table clothe. Napatawa naman ang ilan sa inasta ni Kole sa nangyari.

"Haha Sorry may naalala lang ako." sabi ni Kurt sa kakambal. At alam naman nilang dalawa ang dahilan.

"O--" naputol naman yung sasabihin ni Somi dahil bigla siyang nakaramdam na may tumapak sa kaliwang paa nito. Tiningnan niya ang asawa at inosenteng nakangiti lamang ito.

"Wala naman. Ganito lang talaga kami kasi nga magpartner kami sa project." mabilis naman na sagot ni Yuri kay Gigi habang dinidiin nito ang pagtapak niya sa paa ni Somi.

"Ganito lang talaga niya ko kamahal." sa isipan ni Somi.

"Dito muna tayo ng mga ilang araw. Papalipasin lang natin ang masamang panahon." sabi naman ng mama ni Yuri. Mabuti nalang talaga at nakabalik sina Kelly kaninang umaga.

Nilalaro naman ni Lyn ang pagkain nito dahil nga hindi siya makapaniwala na naiwan siya sa kwarto na kasama ang isang kaibigan nito na si Kelly McCrae. Sinarado naman ni Kelly ang librong binabasa nito at ipinatong sa mesa malapit sa higaan ni Lyn. Tumayo ito mula sa upuan at kinuha ang plate at spoon atsaka siya umupo sa gilid ng kama ni Lyn. Sinubuan siya nito ng pagkain at lumambot naman ang pakiramdam ni Lyn sa ginagawa ng kaibigan. Atsaka niya kinain ang pagkain na nasa kutsara.

"Hinihintay mo lang pala ako na subuan ka." kinainis naman ni Lyn yung narinig niya mula sa kaibigan.

"Tsk Akin na nga yan." Kaya agad niyang binawi ang pagkain nito mula kay Kelly. Pagkatapos niyang ubusin ay inilagay niya ang plate kasama ang spoon sa tray na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Bumalik si Kelly sa upuan niya kanina at nagbasa ulit pero lihim na napangiti ito.

I married a Vampire (GxG)(SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon