CHAP TEN

2.1K 47 4
                                    


"Magkakaroon na naman po ulit tayo ng mga panibagong mga sundalo." sabi ng isang binatang lalake na nakayuko ang ulo nito habang nakaluhod ang kaliwang hita at itinukod ang kaliwang kamao nito sa sahig at ang kabila ay nakapatong sa isang kanang hita. Balot ang katawan ng medyong maduming damit na may hood.

"Magaling. Mas mapapaaga tayong aatake. Ipaparanas natin sa kanila ang paghihimagsik na matagal na nating inaasam." ngumiti ang lalake pero may lungkot parin nakatatak sa hitsura niya. Tahimik lang ang mensahero nito at tiningnan ang pinuno; may kaputian ang buhok nito na nakaupo sa gawang ginto na upuan habang umiinom ng pulang likido sa isang basong pang-alak. May piklat ito na pahaba mula sa gilid ng kanang mata hanggang sa panga.

"Pwede ka nang umalis." inutusan ng pinuno ang binata na lumabas ng opisina nito. Ninais niyang mapag-isa at kinuha ang isang litrato ng babae na nakangiti ng matamis.

"Laura." binanggit niya ang pangalan ng babaeng pinakamamahal niya. "Sana maintindihan mo ako sa gagawin ko." pagpatuloy nito at mahinang hinimas-himas ng hinlalaki nito ang salamin malapit sa mukha ng babae.


*********


"Huwag niyo akong iwan dito!" mangiyak-ngiyak na pagpigil ni Sophia kay Gigi at Lyn na nakaswimsuit rin ang suot subalit binaliwala lamang siya ng dalawa at lumangoy ng kunti malayo sa kanya.

"Okay lang yan. Hindi ka naman malulunod kasi meron ka namang salbabida diyan." Natatawang sabi ni Lyn sa kanya. Hindi kasi marunong lumangoy si Sophia kaya ito nakasuot ng isang life buoy sa baywang nito.

"Ang sama niyo!" sigaw niya sa dalawa. At pilit nitong pinagtatadyak ang mapuputing mga paa nito.

"Humanda talaga kayo saken kapag naabutan ko kayong dalawa!"

"Kung maabutan mo nga!" nangaasar namang sinabi ni Gigi sa kanya at ikinainis naman ni Sophia lalo. Pero nang pasulong na ito papunta sa dalawa ay bigla silang sumisid sa tubig.

"Ang dadaya niyo!" bulyaw nito atsaka siya nag-iba ng direksyon patungong baybayin sa kung saan nandoon sina Yuri kasama ang mga kapatid nito. Matagal na itong nagkakagusto kay Yuri pero hindi ito kayang magtapat dahil na rin natatakot na masira ang pagkakaibigan nito.

"BULAGA!!" umahon ng sabay sina Gigi at Lyn sa magkabilang gilid ni Sophia at ikinagulat niya ito. Talagang napatawa sila ng malakas ng makita ang mukha ni Sophia na pulang-pula.

"Hinding-hindi ko na kayo tutulungan." Galit na sabi nito at napatigil naman ang dalawa sa pagtawa. Seryosong nakatingin si Sophia sa mga ito habang malapit nang magsalungat ang dalawang kilay at kaunting pinaglobo nito ang mga pisngi. Napagtantong V-President pala si Sophia ng unibersidad nila at tinutulungan silang makalusot mula kay Kelly pagdating sa mga events sa school, tumingin ang dalawa sa isa't isa bago humingi ng pasensya kay Sophia at agad nila itong nilambing.

"Buhatin niyo ko." hindi isang pabor na sabi nito sa dalawa kundi isang utos. Hindi kasi nito naranasan ang sumampay sa likod ng ibang tao dahil na rin mahigpit siyang pinagbawalan ng mga magulang nito mula pagkabata. Masyadong malalim ang tubig para kay Sophia at hanggang balikat lang ito kina Gigi at Lyn nakatungtong na ang mga paa nito sa buhangin pero si Sophia lang hindi kayang maabot ito.

"Eh!?" sabay na angal ng dalawa.

"Kung gusto niyong mapatawad ko kayo. Dalhin niyo ko papunta doon." at tinuro ni Sophia ang lugar nina Yuri. Mabilis naman kumilos ang dalawa at hinawakan ni Gigi sa magkabilang braso si Sophia habang tinatanggal ni Lyn ang salbabida na suot nito. Pagkatapos ay pinasakay ito sa likod ni Lyn at isiningit ang mga kamay niya sa ilalim ng hita ni Sophia. Parang bata lang nang umasta si Sophia habang nakapalupot ang bisig nito sa leeg ng nabibigatan na si Lyn. Iba kasi ang pakiramdam kapag may tubig kaysa sa nasa lupa ang isang taong may kaakay sa likod na para bang may balakid sa harap nito. Dahan-dahan itong tumapak sa buhangin at inaalayan naman siya ni Gigi dala-dala ang salbabida sa kabilang kamay nito.

I married a Vampire (GxG)(SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon